Friday , March 29 2024
Sarah Gero­nimo Sharon
Sarah Gero­nimo Sharon

Kompara kay Sarah G, Sharon mas mahusay at bonggang coach sa new season ng “The Voice Kids of the Philippines”

KAHAPON ay binisita namin ng bff kong si Pete A., si Sharon Cuneta sa kanyang first taping sa new season ng “The Voice Kids of The Philippines.”

Naabutan naming ongoing ang taping para sa Blind Auditions para sa mga chikiting at nakipag-duet si Shawie sa isa sa auditioner ng kanta niyang “MR. DJ,” na kaniyang first hit single.

Ang saya-saya ng taping, lalo na nang lapitan ni Sharon ang kalahok na kumanta ng song ni Bruno Mars na kanyang sinabayan ng pagsayaw at lalo pang naging riot nang bumaba na rin sa entablado ang mga kapwa coach ni mega na sina Lea Salonga at Bamboo na nakisayaw na rin.

Well, hindi sa nang-iintriga kami pero kompara kay Sarah Geronimo ay mas mahusay at bongga na coach itong si Shawie na kapansin-pansin na malaki na talaga ang ibinawas ng timbang.

Konting panahon na lang at balik sexy na ang itinuturing naming nanay-nanayan sa showbiz.

Yes seryoso, na si mega sa kanyang goal na balik-alindog.

Love it gyud!

FPJ’s Ang Probinsyano  Paborito ng mga pulis,
COCO HAHARAP SA MATINDING SAGUPAAN

Ang layo na talaga ng narating ng action-drama TV series ng “Idol ng Masa” na si Coco Martin. Hayan at bukod sa hawak na rating ng serye na 42.6% na nakamit nila noong Mayo 16, paborito rin panoorin ng sa mga police headquarters at kampo ng militar ang Ang Probinsyano.

Ayon sa isang militar na na-interview ng kasamahan sa panulat na si Reggee Bonoan, “Ang ganda ng kuwento ng Probinsyano, lahat ng pangunahing problema sa lipunan tina-tackle, dati mga nawawalang bata, ngayon naman droga, saktong-sakto sa nangyayari ngayon.

“Kapag duty o nasa opisina kami nakakapanood ng Probinsyano kasi iyon ang libangan ng mga tao roon o kaya basketball,” dagdag na pahayag ng nasabing military man na umiidolo kay Coco.

Samantala, haharap sa matinding sagupaan si Cardo (Coco Martin) laban sa grupo ng mga sigang kalalakihan sa nangungunang teleserye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Walang habas na sinaktan ng isang tindero si Onyok (Simon Pineda) matapos mabisto ng bata ang pandarayang  ginagawa nito sa pagbebenta ng karne. Nang malaman ang insidente, agad ipinagtanggol ni Cardo ang kanyang anak-anakan at ginantihan ang tinderong nanakit sa bata. Ngunit hindi nagpadaig ang tindero at tumawag pa ng resbak upang patumbahin si Cardo. Bukod sa mga sigang kalalakihan, haharapin din ni Cardo ang lumalang kaso ng loteng sa kanilang komunidad.

Sa kagustuhang mapag-aral si Mak-mak (McNeal Briguela), maeengganyo si Elmo (Marvin Yap) na tumaya sa loteng (gambling) bagama’t ito ay labag sa batas at walang kasiguradohang ligtas.

Ano kaya ang gagawin ni Cardo ‘pag nalaman niyang naging sangkot sa ilegal na transaksiyon si Elmo? Mahuli niya kaya ang lider ng loteng?

Abangan ang maiinit na kaganapan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

TAPATAN NG MGA ASPRING BEAUTY QUEENS SA “MISS U” NG EAT BULAGA

Mala-Miss Universe ang “Miss U” ng Eat Bulaga kung saan ipinakilala na ang 10 aspiring beauty queens, na kinabibilangan ng mga sumusunod: Katelyn Fernandez, Jennifer Gapuz, Patricia de Leon, Ericha Regalado, Bianca Romano, Andrea Patricia Gloria, Therese Alcantara, Ria Angelique Siozon at ang nagtapatan na kandidata na sina Clarissa Aguila mula sa Lyceum University na nagpakita ng galing sa pagkanta at pagtugtog ng gitara at pambato ng Jose Rizal University na si Airish Joy Rivera na dancing naman ang talent.

Kahapon, sina Jennifer Gapuz mula sa Our Lady of Fatima at pambato naman ng Perpetual Help na si Patricia de Leon ang nagharap. Sino kaya ang papasa at maliligwak sa mga panel of judges na pinangungunahan nina Angeli Pangilinan-Valenciano at former Binibining Pilipinas title holder at professional model-actress make-up artist and TV host na si Nina Ricci Alagao.

Abangan ang nagagandahan, brainy at talented na mga dilag sa Miss U na hosted nina Pia Guanio at Patricia Tumulak.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *