Thursday , December 7 2023

3 malalaking karera ng Philracom at ang bastos na waiter

SA DARATING na Hunyo 11, 2016,  araw ng Sabado ay tatlong malalaking karera ang hahataw sa karerahan ng Metro Manila Turf Club Inc., Malvar, Batangas.

Lalarga  dito ang 2nd Leg “Triple Crown Stakes Race  na may distansiyang 1,800 meters. May guaranteed prizes na P3,000,000 at ito ay hahatiin sa mga sumusunod:    Tatanggap ang may-ari ng P1,800,000 sa mananalong kabayo, sa segundo ay P675,000, sa tersero ay P375,000 at sa pang-apat na darating sa finish line ay P150,000.

Ang mga nominadong tatakbo sa karerang ito ay ang Dewey Boulevard, Guatemela, He He He, Indianpana, Radio Active, Underwood, Space Needle, Spectrum at Subterranean River.

Aarangkada rin sa araw na ito ang 2016 Philracom Hopeful Stakes Race sa distansiyang 1,800 Meters.

Ang maglalaban-laban dito ay ang Homonhon Island, Mount Iglit, Pinagtipunan, Pinay Pharaoh, Secret Kingdom, Striking Colors at Tagapagmana.

Bibitawan din ang 2016 Philracom 3YO Locally Bred Stakes Race sa distansiyang 1,800 Meters. Mga Nominadong tatakbo dito ang Garlimax, Pangarap, Play It Safe at Real Flames.

oOo

Isang horse owner na regular na nagpupunta sa Savory OTB sa may Earnshaw st., Sampaloc, Maynila ang binastos ng isang waiter.

Oorder sana ng makakain si Mr. Lito Testa sa isang waiter na may pangalan NERIO. Nang tawagin niya si Nerio upang umorder ay nakasimangot at padabog na humarap kay Mr. Testa.

“Oorder ka Ba”? Hindi ako naka-assign dito. Tumawag ka na lang ng ibang waiter padabog na sinagot ni Nerio kay Mr. Testa.

Pinatawag ni Mr. Testa ang manager ng Savory OTB and Restaurant na nakilalang si Ms. Carmen Landicho upang isumbong ang ginawang pambabastos sa kanya ni Nerio.

Hindi niya nakausap ito dahil marami raw ginagawa.

Humarap kay Mr. Testa ang isang staff ng Savory OTB and restaurant na si Ms. Let Espiras. Sinabi niya dito ang ginawang pambabastos na ginawa sa kanya ni Nerio.

Sa MANAGEMENT ng SAVORY OTB & RESTAURANT dapat maging magalang at hindi BASTOS ang mga WAITER ninyo sa mga CUSTOMER!

DEAD HEAT – Freddie Mañalac

About Freddie Mañalac

Check Also

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

INANGKIN ng Philippine Canoe-Kayak team ang pangkalahatang kampeonato sa napagwagihang 21 medalya kabilang ang 10 …

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *