Friday , June 2 2023

GSW tinabla ang serye

TINABLA ng Golden State Warriors ang serye matapos pagpagin ang Oklahoma City Thunder, 118-91 kahapon sa Game 2 Western Conference Finals ng 2015-16 National Basketball Association, (NBA).

Tumikada ng 15 straight points si reigning two-time MVP Stephen Curry upang ilayo ang agwat sa third period at ilista ang 1-1 series sa kanilang best-of-seven WC finals showdown.

Nagsumite si Curry ng 28 points at tatlong assists habang nag-ambag sina Klay Thompson at Andre Iguodala ng 15 at 14 puntos  ayon sa pagkakasunod para sa defending champion GSW na dadayo sa Oklahoma sa Game 3.

‘’Business as usual. This is what he does,’’ ani Warriors coach Steve Kerr. ‘’I feel great joy. It’s true.’’

Tumulong din sa opensa ng Golden State sina Marreese Speights, Festus Ezeli, Harrison Barnes at Draymond Green ng 13, 12, 11 at 10 markers ayon sa pagkakahilera.

Kumana si star player Kevin Durant ng 29 puntos at anim na boards para sa OKC habang may bakas si All-Star point guard Russell Westbrook na 16 puntos  at 12 assists.

Samantala, pakay ng Eastern Conference defending champion Cleveland Cavaliers na ilista ang pangalawang panalo ngayong araw kontra Toronto Raptors.

( ARABELA PRINICESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *