Monday , December 23 2024

Sports

Tatlong sunod na panalo para sa Gilas

  RUMEKTA ang Gilas Pilipinas sa ikatlong sunod na panalo matapos idispatsa ang Japan, 100-85 sa umiinit na 39thWilliam Jones Cup kahapon sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan. Tabla sa 66 papasok ng huling kanto, rumatsada ang Gilas sa pambihirang 34-19 panapos na bomba upang iangat ang kanilang kartada sa 3-1 matapos ang katangi-tanging pagkatalo sa Canada sa unang laban. …

Read More »

PBA players sa Gilas aprub na

MASASAKSIHAN ng buong mundo ang kompleto at kargadong Gilas Pilipinas sa paparating na FIBA Asia Cup. Ito ay matapos pumayag nang tuluyan si Commissioner Chito Narvas at ang Philippine Basketball Association sa pagpapahiram ng mga manlalaro sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas para solidong makasagupa sa mga karibal sa Asya. Inianunsiyo ng PBA kahapon ang magandang balita ng kanilang buong …

Read More »

Ang First Lady ng Football: Antonella Roccuzzo

BINANSAGAN ng mga celebrity magazine ang brunette na si Antonella Roccuzzo bilang ‘the first lady of football’ — habang ang kanyang mister na si Lionel Messi ay kinikilalang ‘the best (football) player on the planet. Dumalo ang mga sikat na showbiz at football star sa kasal nina Roccuzzo at Messi nitong nakaraang Biyernes, 30 Hunyo, sa Rosario, Argentina. Sa kabila …

Read More »

NBA free agency gumulong na

SANDAMAKMAK agad ang naging paggalaw ng mga manlalaro at koponan sa pagsisimula ng opisyal na free agency season ng NBA kung kailan ang koponan ay may pagkakataong manligaw ng mga manlalarong paso na ang kontrata. Mapapanatili ng kampeon na Golden State Warriors ang mga beteranong si Andre Iguodala, Shaun Livingston at David West. Pumirma ng tatlong taon si Livingston para …

Read More »

Hihingi ng rematch si PacMan?

NAGIMBAL ang boxing world nang ianunsiyo ng ring announcer na natalo si Manny Pacquiao kontra kay Jeff Horn via unanimous decision. Yung nanalo lang si Horn ay parang suntok na sa buwan,  ano na matatawag doon sa naging unanimous decision na pagkatalo? Siyempre, masakit iyon sa mga fans ni Pacquiao. Anyway, anumang protesta ang gawin ng kampo ni Pacquiao hindi …

Read More »

Pacquiao bukas sa rematch kontra Mayweather

KUNG mabibigyan ng ikalawang pagkakataon, hindi aniya mag-aautubili si Manny Pacquiao na sagupain muli sa ibabaw ng lona ang karibal na si Floyd Mayweather Jr. Ito ang inihayag ng Pambansang Kamao sa  Yahoo Sports sa ginanap na press conference sa Australia para sa WBO welterweight na sagupaan nila sa 2 Hulyo na binansagang Battle of Brisbane. Ngunit ito ay kung …

Read More »

Paras, Parks at Ravena babandera sa Gilas sa SEAG

PANGUNGUNAHAN ng mga bata ngunit palabang manlalaro na sina Kobe Paras, Kiefer Ravena at Rayray Parks Jr., ang Pambansang Koponan na Gilas Pilipinas sa paparating na Southeast Asian Games sa 19-30 Agosto sa Kualu Lumpur, Malaysia. Ito ang anunsiyo kahapon ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang twitter account na @coachot. Makakasama nila ang mga kadete ng Gilas na ngayon …

Read More »

San Beda markado sa NCAA

PUNTIRYA ng defending champion San Beda na panatilihin ang korona sa kanilang bakuran sa 93rd NCAA basketball tournament na magsisi-mula sa susunod na buwan sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nagbalik si coach Boyet Fernadez upang aka-yin muli sa kampeonato ang Red Lions, hinawakan ng dating PBA cager ang Mendiola-based squad nang maghari sila noong 2013 at 2014. Isa …

Read More »

Cignal mapapalaban sa Wangs

HAHARAPIN ng Cignal HD ang mabigat na  pagsubok sa pagtutuos nila ng Wangs Basketball sa PBA D-League Foundation Cup 3:00 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa ikalawang laro, 5:00 pm, hanap pa rin ng AMA Online Education ang unang panalo kontra Centro Escolar University. Mataas ang morale ng Wangs Couriers dahil sila ay galing sa 93-84 panalo …

Read More »

Dy alanganin sa national team

UMATRAS si Rachel Anne Daquis sa National Team kaya ang ipinalit ay si La Salle netter Kim Dy. Pero nakasalalay sa mga profe-ssors ni Dy kung makalalaro siya Philippine women’s volleyball na nagha-handa sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Agosto. Aabutin nang isang buwan ang kanilang team training sa Japan (July 17 – August 2) at ilang aktibidad, kaya …

Read More »

Batas Kamao nakaaamoy ng premyo

AARANGKADA naman ang karera sa  Metro Turf  pagkatapos sa Sta Ana Park  kung saan ay may walong karera na lalargahan . Narito’t umpisahan na natin ang aking munting paghihimay na inihanda sa ating lahat. Race-1 : Sa pambungad na takbuhan at umpisa ng 1st Pick-5 event ay uunahin ko ang nakababa pa ulit ng isang grupo na si (6) Bainbridge …

Read More »

Red Robins, kampeon sa Filoil Juniors

MATAPOS pagharian ang NCAA Juniors Season 92 noong nakaraang taon, sinunod kobrahin ng Mapua-Malayan Red Robins ang Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kahapon sa San Juan. Naiiwan sa 62-59 papasok ng huling kanto, nagpakawala ang Red Robins ng 30-20 panapos na bomba para pabagsakin ang Ateneo Blue Eaglets, 89-82 sa high school Finals ng premyadong pre-season tournament ng bansa. …

Read More »

Paul at Griffin susubok sa free agency

HINDI na tatapusin nina Chris Paul at Blake Griffin ang huling taon ng kanilang kontrata sa Los Angeles Clippers para subukan ang free agency sa NBA off season na magsisimula sa 1 Hulyo. Dahil sa opt out sa kanilang huling taon, maaaring mamili sina Gritfin af Paul ng mga koponang liligaw sa kanila bilang unrestricted free agents kapag nagsimula ang …

Read More »

George gustong maging Laker sa 2018

MAPAPASO ang kontrata ni Indiana superstar Paul George sa 2018, ngunit ngayon pa lang ay napaulat na ipinagpaalam niya sa Pacers management ang kanyang napipintong paglipat sa Los Angeles Lakers. Hindi na pipirma ng bagong kontata si George at tatapusin na lamang ang paparating na 2017-2018 NBA season sa India-na Pacers bago rumekta papuntang California upang matupad ang pangarap na …

Read More »

Castro player of the week

DAHIL sa pamamayani sa Game 4 panalo at pagbuhat sa TNT tungo sa PBA Commissioner’s Cup Finals, pinarangalan si KaTropa Jayson Castro bilang Player of the Week para sa 13-18 Hunyo. Pumupog si Castro ng halimaw na 38 puntos, 11 assists at 7 rebounds upang pa-ngunahan ang TNT sa 122-109 panalo kontra Barangay Ginebra Gin Kings noong nakaraang Sabado at …

Read More »

Ward aakyat sa heavyweight division

IMPRESIBO ang panalo ni WBA, WBO at IBF light heavyweight champion Andre “SOG” Ward (32-0, 16 KOs) kay Sergey “Krusher” Kovalev (30-2, 25 KOs) sa rematch nila nung Linggo  sa Las Vegas. Sa nasabing laban ay nag-ambang maghahain ng protesta ang kampo ni Kovalev sa naging resulta ng laban dahil sa inaakala nilang “low blow” ang tumama sa bodega nito …

Read More »

Labang Mayweather-McGregor katawa-tawa

LAMAN ng mga balita sa lahat ng social media ang pagkasa ng labang Floyd Mayweather Jr at Conor McGregor sa August 26 sa Las Vegas. Halos mayorya ng mga nakaiintindi ng boksing ang nagtaas ng kilay at masyadong minaliit ang nasabing laban. Ayon sa nakararaming eksperto sa boksing, magiging one-sided ang nasabing laban pabor kay Mayweather. Ano nga naman ang …

Read More »

Racal reresbak sa Cignal HD

PAGHIHIGANTI at pagsosyo sa liderato ang hangad na makamit ng Racal Motors sa sagupaan nila ng Cignal HD Hawkeyes  sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 5 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa unang laro sa ganap na 3 pm ay maghihiwalay ng landas ang Wang’s Basketball at Gamboa Coffee Mix na kapwa may 1-2 karta. Magugunitang ang …

Read More »

Panalo dapat si Brilliance sa 2nd leg

NASUNGKIT ng kabayong si Sepfourteen ang pangalawang yugto ng “Triple Crown” para sa taong ito matapos na maayudahan nang husto ng kanyang regular rider na si John Alvin Guce nung isang hapon sa karerahan ng Sta. Ana Park (SAP) sa Naic, Cavite. Naging mainitan kaagad ang eksena sa tampok na pakarerang iyan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) dahil sa umpisa …

Read More »

Celtics, Sixers nagpalitan ng draft picks

NAKATAKDANG sikwatin ng Philadelpia 76ers ang #1 pick mula sa Boston Celtics kapalit ang 3rd pick nito sa pagpapatuloy ng off-season at habang papalapit ang NBA Draft. Ayon kay David Aldridge ng TNT, nagkasundo ang Boston at Philadelpia sa prinsipyo ng naturang trade ngunit sa Lunes pa maisasapinal dahil gusto munang makita ng Sixers mismo ang personal workout ng potential …

Read More »

Ward pinataob si Kovalev sa rematch

PINATUNAYAN ni Andre Ward na hindi tsamba ang kanyang unang panalo nang patumbahin ang karibal na si Sergey Kovalev sa light heavyweight title rematch kahapon sa Las Vegas, Nevada. Napanitili ng Amerikanong si Ward ang kanyang WBO, IBF at WBO light heavyweight belts na naipanalo niya rin sa unang unification bout nila ng Russian na si Kovalev noong Nobyembre. Dinale …

Read More »

Racela at 5 players pinagmulta ng PBA

PINATAWAN ng multa ng Philippine Basketball Association si TNT Katropa head coach Nash Racela at 5 pang ibang manlalaro sa kalilipas na PBA Commissioner’s Cup semifinals. Nagmulta ng P7,500 si Racel dahil sa hindi  angkop na kilos nang ireklamo niya ang hindi natawagang goal tending ni Justin Brownlee sa tira ni Joshua Smith sa Game 2 ng kanilang serye. Bagamat …

Read More »

Ward nalo via TKO (Kampo ni Kovalev nagprotesta)

ITINIGILni  reperi Tony Weeks ang laban sa 8th round nang ulanin na ng suntok si Sergey Kovalev mula sa atake ni Andre Ward. Pero sa post-fight press conference simulang nagkagulo ang fans. Ayon kay Per Yahoo Sports’ Chris Mannix, ang Main Events ay may intensiyon na mag-file ng protesta sa naging resulta ng laban.  Ayon kay Mannix, tumirik si Kovalev …

Read More »

Amonsot: Ingat si PacMan kay Horn

WINARNINGAN ni Czar Amonsot si Senator Manny Pacquiao na dapat niyang seryosohin si Jeff Horn sa magiging laban nila sa July 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia. Ayon kay Amonsot na tumatayong sparring partner ni Horn sa Australia, malakas at durable fighter ang Australian challenger na magbibigay ng magandang laban sa 8th division world title. Nasabi iyon ni Amonsot …

Read More »