ABALA sa kanyang trabaho bilang senador, kaya hindi na magkakaroon ng rematch ngayong taon si Manny Pacquiao kay Jeff Horn para sa WBO world welterweight belt. Masyadong maiksi para sa Pambansang Kamao, Pacquiao ang proposed November 12 bout. Pinayuko ni Horn si Pacquiao sa unanimous decision sa Brisbane noong July 2, pagkatapos ng laban sinabi ng Pinoy boxer na gusto …
Read More »Pacquiao, kumambiyo sa Horn rematch ngayong taon
HINDI magagawa ni Manny Pacquiao ang kanyang tangkang paghihiganti sa karibal na si Jeff Horn ngayong taon. Ito ay matapos tumanggi ang Pambansang Kamao sa nakatakdang rematch sa 12 Nobyembre 2017 dahil sa responsibilidad bilang Senador ng Filipinas. Ayon kay Dean Lonergan na promoter ng Australiano na si Horn, nakatakda ang 8-division world champion na maging bahagi ng delegasyon ng …
Read More »Pennisi, nagretiro na
MATAPOS ang 17 taon, nagdesisyon nang isabit ni Mick Pennisi ang kanyang jersey sa PBA. Nagretiro na kamakalawa ang sentro ng Globalport Batang Pier matapos ang 119-112 panalo nila kontra TNT KaTropa sa Antipolo City. Ang kaliweteng sentro ay malapit na sanang umabot sa 5,000-point club ngunit kinapos dahil sa kanyang poultry business sa Thailand. Kulang na lamang sa 33 …
Read More »James nagpasiklab sa MOA
SA hinaba-haba ng prusisyon, sa Maynila rin ang tuloy. Naunsyamin man noong nakaraang tao, tinupad ni NBA Superstar LeBron James ang kanyang pangakong pagbabalik sa Maynila nang magpasiklab kamakalawa sa kanyang Strive For Greatness Show Tour sa Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City. Pinangunahan ni James ang 92-71 panalo ng kanyang koponan na Gilas Youngbloods kontra sa Gilas OGs …
Read More »TnT may pabrika ng import
MATAGAL na ring narito sa Pinas si Michael Craig at muntik pa nga nitong palitan si Joshua Smith bilang import ng TNT Katropa sa best-of-seven Finals ng nakaraang PBA Commissioner’s Cup nang ito ay magtamo ng foot injury. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip ay pinanatili ni coach Nash Racela, ang serbisyo ni Smith at nabigo pa rin silang talunin …
Read More »Crawford tinibag si Indongo sa 3rd
ITINANGHAL na undisputed super lightweight champion si Terrence Crawford pagkatapos gibain si Julius Indongo para agawin ang korona nito sa IBF at WTA. Tangan naman ni Crawford ang korona sa WBA at WBC. GINULPE ni Terrence “Bud” Crawford si Julius Indongo sa 3rd Round para lumuhod sa lona sa nalalabing 1:38 na sinaksihan ng boxing fans kahapon sa Lincoln, Neb. …
Read More »Westbrook, James pinarangalan ng NBPA
SINEGUNDAHAN ng National Basketball Players Association ang parangal na MVP kay Russel Westbrook nang tanghalin din siyang MVP mula sa mga boto ng manlalaro ng NBA mismo kamakalawa. Dalawang buwan matapos pangalanang MVP para sa 2016-2017 season ng NBA mismong mga miyembro ng pahayagan ang bumoto, gayundin ang nakuhang parangal ng Oklahoma City Thunder superstar mula naman sa mga kapwa …
Read More »Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook
UMANI ng kritisismo ang mga namamahala sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia matapos ang pagkakamali sa bandila ng Indonesia sa ipinamahaging souvenir guidebook sa lahat ng pinuno ng miyembrong nasyon. Imbes pula sa ibabaw at puti ang nasa ilalim, nabaliktad ang imprenta ng bandila ng Indonesia at nagmukhang Poland, bagay na ikinadesmaya ni Indonesia Olympic Committee Chairman …
Read More »PBA, Chooks To Go, mananatiling nasa likod ng Gilas
BAGAMAT nagtapos sa hindi inaasahang puwesto ang Gilas Pilipinas 2017 FIBA Asia Cup, isa lang ang sigurado sa paparating na hinaharap – at iyon ang suporta ng PBA at ng tagasuporta ng pambansang koponan na Chooks-To-Go. Sa pagkakapit-bisig ng PBA na pamumuno ni Commissioner Chito Narvasa at Bounty Agro-Ventures sa pangunguna ni Ronald Mascariñas kasama rin ang Samahang Basketbol ng …
Read More »Coach Guiao bumubuo ng piyesa
LARRY Fonacier, JR Quinahan, Kevin Alas at ngayon ay Cyrus Baguio. Unti-unti, tila kinukompleto na ni coach Joseller “Yeng” Guiao ang nga piyesang kailangan niya upang maiporma ang championship picture para sa NLEX Road Warriors. Sinimulan ni Fonacier ang kanyang career sa Red Bull at kahit na nakuha siya sa mga huling round ng dratt ay nagwagi siya bilang Rookie …
Read More »SEAG Gilas, babawi para sa mga kuyang dumapa sa FIBA Asia
“IBABAWI namin ang mga kuya namin.” Iyan ang emosyonal na kataga ng Gilas Pilipinas na patungong Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia para ialay ang sariling laban sa mga nagaping kapa-tid sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa ginanap na send-off kahapon sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City na inihanda ng Gilas patron — ang Chooks-to-Go. Ang sana’y …
Read More »150 boksingero bawal lumaban sanhi ng pekeng brain scan
MAY 150 propesyonal na boksingerong Pinoy ang ngayo’y nalagay sa alanganin dahil sa pagpalsipika ng resulta sa kanilang brain scan para sa pagtuklas ng serious head injury, ayon kay Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Kahlil Mitra. Sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang strict medical testing procedures kasunod ng pagkamatay ng ilang mga boksingerong Pinoy sanhi ng matitinding head injury …
Read More »Bradley nagretiro na rin
ISA-ISA, nagsasabit na ng kanilang mga boxing gloves ang mga nakalaban ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona. Isang araw matapos mag-anunsIyo ng pagreretiro si Juan Manuel ‘Dinamita’ Marquez, sumunod agad ng yapak si Timothy ‘Desert Storm’ Bradley. Matapos magkomentaryo sa sagupaang Vasyl Lomachenko at Miguel Marriaga sa Los Angeles, California kamakalawa. Pinakanakilala si Bradley sa tatlong laban kontra ‘Pambansang …
Read More »Rain or Shine itinulak si Chan pa-Phoenix
ISA-ISA nang nalalagas ang mga piraso ng dati’y malupit at matatag na Rain or Shine Elasto Painters. Ito ay matapos ngang itulak ng Rain or Shine ang batikang tirador na si Jeff Chan patungong Phoenix Fuel Masters kahapon sa kalagitnaan ng 2017 PBA Governors’ Cup elimination round. Mapupunta ang Negros Sniper na si Chan sa Phoenix kapalit ni Mark Borboran …
Read More »Fajardo kasama pa rin sa Lebanon
LALARGA pa rin si June Mar Fajardo kasama ang Gilas Team sa Lebanon kahit na may iniindang injury. Dalawang araw bago lumipad ang Gilas Team patungong Lebanon para sa 2017 FIBA Asia Cup ay na-diagnosed si Fajardo na may ‘strained calf muscle’ para maging doubtful starter para sa Filipinas. Matatandaan na nasaktan si June Mar sa laban nila konta TNT …
Read More »NLEx sinilat ng Ginebra
NAGWAKAS ang six-game winning streak ng NLEX noong Sabado nang sila ay talunin ng defending champion Barangay Ginebra, 110-97 sa kanilang out-of-town game sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan. Bumagsak sa 4-1 ang karta ng mga bata ni coach Joseller “Yeng” Guiao. Bale six games ang kanilang winning streak kasi napanalunan nila ang huling dalawang laro nila sa nakaraang Commissioner’s …
Read More »Gilas handa nang mandagit sa FIBA Asia Cup
HANDA na ang Gilas Pilipinas na makipagtapatan sa pinakamagagaling na bansa sa kontinente sa pagsisimula ng FIBA Asia Cup 2017 sa Beirut, Lebanon. Simula na ang FIBA Asia ngayon at tatagal hanggang 20 Agosto — araw na tangkang matanaw ng Filipinas hanggang dulo tulad ng nagawa noong edisyon ng 2013 at 2015. Bukas pa, 9 Agosto ang unang laban ng …
Read More »‘Dinamita’ Marquez nagretiro na
OPISYAL nang nagwakas ang alamat ni Juan Manuel ‘El Dinamita’ Marquez sa ibabaw ng pinilakang lona. Ito ay matapos niyang ianunsiyo ang pagreretiro sa boxing kamakalawa sa palabas na Golpe A Golpe sa ESPN Deportes at ESPN Mexico na siya ay isang boxing analyst. Pinakanakilala ang 43-anyos na si Marquez sa apat na makasaysayang 4 na serye ng laban kontra …
Read More »La Salle kampeon sa Taiwan
MINASAKER ng UAAP champion La Salle ang Universite de Lyon, 93-74 ng France upang maghari sa BLIA Cup University Basketball Tournament sa Kaohsiung, Taiwan. Kumayod si Ben Mbala ng 26 points, 13 rebounds at apat na blocks habang kumana sina Aljun Melecio at rookie Gabe Capacio ng 19 at 12 markers ayon sa pagkakasunod para sa Green Archers na kinumpleto …
Read More »Si Fajardo pa rin
MATATALO pa ba si June Mar Fajardo sa labanan para sa Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association sa taong ito? Kahit na hindi siya ang nagiging Best Player of the Conference o ng Finals ng nakaraang Philippine Cup at Commissioner’s Cup ay malinaw na nakaangat siya sa kanyang mga kakamping sina Chris Ross at Alex Cabagnot at sa lahat …
Read More »Bryant, angat pa rin kay James (Para kay Jordan)
SA paglipas ng panahon, hindi pa rin nagbabago ang opinyon ng itinuturing na Greatest of All-Time o GOAT na si Michael Jordan tungkol sa debate sa pagitan ng mga sumalo ng kanyang trono at nabansagan ding pinakamalupit na karibalan sa NBA sa pagitan nina LeBron James at Kobe Bryant. Noong 2013, panahon na isa pa lamang ang kampeonato ni James …
Read More »Cone: Thompson estilong Lonzo Ball
DATI, naikompara ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang manok na si Scottie Thompson sa noo’y hindi pa MVP na si Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder dahil sa mga pambihirang rehistro ng rebounds bilang guwardiya. Sa pagbabalik ni Greg Slaughter na siyang nagtulak kay Thompson sa natural niyang posisyon at hindi na sumingit sa ilalim para sumikwat ng …
Read More »Tenorio itinanghal na PBA Player of the Week
MATAPOS pangunahan ang pagsagasa ng Barangay Ginebra sa Globalport kamakalawa, sinungkit ni LA Tenorio ang PBA Press Corps Player of the Week na parangal para sa ikalawang linggo ng 2017 PBA Governors’ Cup. Pumukol ang 33-anyos na ‘Gineral’ ng 29 puntos sahog na ang 5 tres, 5 rebounds at 4 assists sa 124-108 madaling panalo ng Gin Kings kontra Batang …
Read More »Curry nagpasaring kay James (Kasama ang dating karibal na si Irving)
PATULOY ang aksiyon gayondin ang drama sa NBA kahit nasa pahinga ang lahat ng koponan at mga manlalaro sa offseason. At pinakabago sa mga sahog ng umiinit na kuwento sa NBA ang paggaya ni Stephen Curry sa isang video workout ni LeBron James kamakalawa sa kasal ng dati niyang kakampi sa Golden State na si Harrison Barnes. Normal ang banatan …
Read More »Gilas ‘di paaawat sa FIBA Asia at SEAG
MAAARING magapi ang Gilas sa darating na mga laban, ngunit hindi kailanman madadaig ang laban na nasa puso ng bawat manlalaro. Iyan ang tiniyak ni Coach Chot Reyes papalapit sa FIBA Asia Cup at Southeast Asian Games sa welcome party at press conference na inihanda ng Chooks-To-Go para sa Gilas Pilipinas kamakalawa sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, Pasig City …
Read More »