Saturday , May 28 2022
Ranzeth Marco Magallanes Princess Rane Magallanes Chess

Magkapatid na Magallanes tampok sa Dipolog chess tournament

NAKATAKDANG lumahok ang  magkapatid na Magallanes na sina Ranzeth Marco at Princess Rane sa over the board chess at lalahok din sila sa 5th mayor Darel Dexter T. Uy P’gsalabuk Chess Cup na susulong  sa Mayo 14 at 15, 2022 na gaganapin sa Ground Floor, Museo Dipolog sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ang 8-years-old na si Ranzeth Marco at 6-years-old Princess Rane ay masisilayan sa Open category sa Mayo 14 at kasunod ng Age Group chess competition sa Mayo 15 ayon kay National Arbiter at Dipolog City Chess Association President Ronald Truno Solon.

Nakilala ang magkapatid na Magallanes matapos magpakitang-gilas sa 2019 Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand.

Nakamit  ni Ranzeth Marco ang bronze sa team event sa blitz category habang ang kanyang nakababatang kapatid na si Princess Rane ay nakopo ang dalawang silver (standard at blitz category sa team event) at 1 bronze sa team event ng rapid category.

Sa kasalukuyan, sina Ranzeth Marco at Princess Rane ay sinasanay  ng kanilang father/trainor Ranell Magallanes II at mother/coach Sendelyn Magallanes at Principal lyn A. Carpio ng Estaka Central School  maging ng  pamosong AFPI PACE Master Class. -Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …