Friday , May 27 2022
Chess

Chess tourney tutulak sa Zamboanga

HANDA na ang lahat sa pagtulak ng NM Zulfikar Aliakbar Sali 2022 Inter-Cities & Municipalities Chess Team Championship sa Mayo 21-22, 2022 sa Zamboanga City.

“Each team composed of three players with a maximum NCFP average rating 2100,” sabi ni tournament organizer National Master Zulfikar Aliakbar Sali.

Ipatutupad ang eleven round Swiss system format na may 15 minutes plus 10 seconds increment.

Nakalaan sa team champion ang P50,000 . Habang ang second placer ay tatanggap ng P30,000, third ay P20,000, fourth ay P15,000 at fifth ay P10,000.

 “Ang mga teams na lalahok ay magmumula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, kasama ang  Metro Manila, Cebu, Iloilo, Negros, Pagadian, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, General Santos, Davao del Norte, Digos, Davao City, Dipolog, Jolo, Tawi-Tawi, Basilan, at Zamboanga City,” sabi ni Sali.

– Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …