Thursday , June 25 2026
Errol Spence Jr Yordenis Ugas

Spence tinapos si Ugas sa 10th round

ARLINGTON, Texas – Pinadapo ni Yordenis Ugas ang isang matinding kanan sa panga ni Errol Spence Jr para lumipad ang ‘mouthpiece’ nito sa Round 6.

Itinigil ni referee Laurence Colle pansamantala ang bakbakan at pinayagang maisuot ni Spence Jr ang natanggal na mouthpiece.

Maraming pumuna kay referee Cole sa naging desisyon niyang iyon dahil parang kumampi ito sa   American boxer  na makarekober sa tinamong matinding tama.

Pero para kay Spence, napasama pa sa kanyang diskarte ang pagkakahinto ng referee sa laban.

“I thought the ref said ‘stop,’ so I stopped,” pahayag ni Spence.  “And then he hit me with three or four shots. That’s my fault. That was a rookie mistake. You’re supposed to protect yourself at all times, and I didn’t do that. I wasn’t out on my feet. I turned and looked at my mouthpiece and he hit me.”

Naging agresibo si Yordenis sa pagpapatuloy ng laban at sa parehong round ay tinamaan niya ng kaliwa  na sinundan ng kanan si Spence Jr para mapakapit ito sa lubid na ayon sa mga nakapanood ay dapat na tinawagan ng knockdown.

Waring nagising si Spence sa sumunod na rounds at ayaw niyang mapahiya sa harap ng kanyang mga kababayan na nanood sa AT&T Stadium at simula siyang umatake para makontrol ang laban.  Dito niya nahagip ng isang kaliwang uppercut si Ugas para  magroge ito.

Unti-unti, dinodomina na ni Spence ang laban at sa round 9 ay simula nang sumara ang kanang mata ng Cuban boxer.    At sa 10th round ay pinayuhan ng ringside doctor si Cole na itigil ang laban sa nalalabing 1:44 ng nasabing round.

Pagkatapos ideklarang nanalo si Spence via TKO ay dinala sa John Peter Smith Hospital si Ugas para maeksamin ang kanyang kanang mata.

Lamang si Spence sa tatlong hurado nang itigil ang laban:   88-82, 88-83, at 88-82.

Dahil sa panalo ni Spence, nakuha niya ang korona ng Cuban boxer sa WBA welterweight para idagdag sa tangan niyang titulo sa WBC at IBF.   Tanging ang WBO title na lang ang hinahanap niya na tangan ni Terence Crawford  para maging undisputed 147-pound champion.

“Everybody knows who I want next; I want Terence Crawford next,” sabi ni  Spence, ESPN’s No. 6 pound-for-pound boxer. “That’s the fight that I want; that’s the fight everybody else wants. Terence, I’m coming for that motherf—ing belt.”

Sa mga nagdaang taon ay naggigirian na sina Spence at Crawford sa isa’t isa,  at kung maikakasa ang laban ay tinatayang ito ang isa sa boxing’s biggest potential bouts.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …