Saturday , May 28 2022
PHILRACOM ROAD TO TRIPLE CROWN STAKES RACE

2022 PhilRaCom “Road to Triple Crown Stakes Race” sa Linggo

NAKATAKDANG lumarga ang mga baguhan pero magagaling na kabayo sa 2022 Philracom “Road to Triple Crown Stakes Race”  sa pista ng San Lazaro Leisure & Business Park sa Carmona, Cavite sa Linggo.

Ang nasabing stakes race ay prebyu sa paparating na pantaunan at prestihiyosong Triple Crown.  Dito masusukat ng mga aficionados kung sino ang dapat abangan na  aangat sa mga bagitong kabayo.

Ang mga nominado at deklaradong kalahok  na itatakbo sa distansiyang 1,400 meters ay ang mga kabayong Bacuit Bay (RD Raquel), Basheirrou  (KB Abobo), Eazacky (CP Henson), Enigma Uno (JL Paano), Ipolitika (MA Alvarez), King Hans (PO Refe), Lauriatisimo (FS Parlocha), Lucky Choice (RM Garcia), at Pharaoh’s Star   (PM Cabalejo).

Magdadala ang fillies ng timbang na 52 kgs, samantalang ang colts ay magkakarga ng timbang na 52 kgs.

May guaranteed prize na P500,000  papremyo na hahatiin ng mga sumusunod:  1st P300,000,  2nd P100,000,  3rd P50,000,  4th P25,000,  5th P15,000,  at 6th P10,000.

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …