Friday , May 27 2022
David Benavidez Canelo Alvarez

David Benavidez hinahamon si Canelo Alvarez

MANANATILI si David Benavidez sa timbang na super middleweight hanggang sa masungkit niya ang isa pang  pinapangarap na major title bukod sa nasa kanyang posesyon.

Nakatakda niyang harapin si David Lemieux para sa interim WBC super middleweight title sa May 21 sa Showtime mula sa Gila River Area sa Glendale, Arizona.  Misyon ng walang talong kampeon (25-0, 22KOs) ang ikatlong title.

“I believe [a win] puts me as mandatory for Canelo Alvarez,” pahayag ni Benavidez kay  Showtime’s Brian Custer nang manood siya sa labang Errol Spence-Yordenis Ugas Showtime Pay-Per-View event from AT&T Stadium in Arlington, Texas. “There’s no doubt about it. I’ve already won a title eliminator with the WBC, now this for the WBC interim title. If he doesn’t want to fight me next, he should just give up the belt and let me fight for it.”

Si Canelo (57-1-2, 39 KOs) ay ang kasalukuyang undisputed champion at ang kanyang dalawang susunod na laban ay nakakasa na kaya maghihintay pa si Benavidez ng kanyang  tsansa  mapahanay sa makakalaban ng kampeon.

Ang Mexican superstar ay makakaharap si WBA light heavyweight titlist Dmitry Bivol (19-0, 11KOs) sa May 7 sa DAZN Pay-Per-View mula sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.  At kapag nanalo siya sa nasabing laban ay bababa siya sa super middleweight para sa trilogy nila ni WBA/IBF middleweight champion Gennadiy Golovkin (42-1-1, 37KOs) na umakyat naman ng timbang para sa kanilang paghaharap sa Setyemre 17 PPV main event.

Pananaw ni Alvarez na hindi pa rin makakasama si Benavidez sa listahan ng makakaharap niya sa mga susunod niyang laban dahil masamang reputasyon nito na dalawang beses natanggalan ng titulo dahil sa positive drug test noong 2018 at bagsak sa reglamentong timbang noong Agosto 2020 title defense.

Ganunpaman ang nangyari kay Benavidez, nanatili  siya bilang top-rated contender na giniba ang limang huling kalaban   sa ring.

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …