Friday , November 22 2024

Sports

Mordido reyna sa chess (Palarong Pambansa)

Chess

VIGAN CITY – Nasilo  ni Woman Candidate Master Kylen Joy Mordido ng Region IV-A-STCAA ang gold medal matapos magreyna sa Secondary Girls Chess Standard sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Baluarte Function Hall, Bgy Salinden, Ilocos Sur. Nilista ni Mordido ang 6.5 puntos  matapos kalusin si Mary Joy Tan ng Misamis Oriental, (Region X) sa seventh at final round …

Read More »

World Slasher Cup 2 may online registration

Sabong manok

MAGKAKASUBUKANG muli ang mga de-kalidad na panabong sa pagsigwada ng 2018 World Slasher Cup 2 na lalarga sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum mula May 6 hanggang May 12, 2018. Inaasahang muli ang matitinding bakbakan sa rueda ng matitinding lahi ng mga manok mula sa lokal na breeders at ang manggagaling sa iba’t ibang bahagi ng mundo para paglabanan ang se­cond …

Read More »

Sa pagdating ni Standhardinger, SMB lalong lumakas

KARAGDAGANG puwersa ang darating para sa malakas ng San Miguel Beer sa katauhan ni Filipino-German sensation Christian Standhardinger. Inaasahang magiging sakto ang pagdating ng 6’8 na sentro at top overall draft pick ng 2017 PBA Draft na si Standhardinger sa weekend na siyang simula din ng ensayo ng Beermen. Ilang linggo itong mas maaga sa orihinal na antisipasyong ng pagsama …

Read More »

Valdez humakot ng ginto sa Palarong Pambansa

VIGAN CITY – Hinataw ni Princess Sheryl Valdez ng SOCCSKSARGEN  ang apat na gold medals sa arnis sa 61st Palarong Pambansa 2018 na gina­nap sa San Vicente Municipal Gym. Dalawang record naman ang nabura sa pa­ngalawang araw na bakbakan ng mga student athletes. Tinarak ni 17-year-old Francis James San Gabriel ng Region I ang tiyempong 9: 33: 01 sa 2000m …

Read More »

Raptors abante ng 2-0 sa EC playoff

TINAPATAN ni DeMar DeRozan ang kanyang career playoff-high na 37 points upang akayin ang Toronto Raptors sa 130-119 panalo laban sa Washington Wi­zards kahapon sa Game 2 ng 2017-18 National Basketball Association, (NBA) best-of-seven playoff. Bumakas si Jonas Valanciunas ng 19 puntos at 14 rebounds para sa Raptors na itinarak ang 2-0 playoff series sa kauna-unahan sa franchise history, nagtala …

Read More »

Bakbakang Donaire-Frampton sa Linggo na

SASAGUPA ang dating world champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa darating na Linggo (Abril 22) kay Carl “The Jackal” Frampton para sa interim World Boxing Organization (WBO) Featherweight division na kampeonato sa SSE Arena sa Belfast, United Kingdom. Mapapanood ang naturang bakbakan sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa primetime ng 6:30 pm habang LIVE naman itong …

Read More »

SMB-Alaska legend games sa Gilas break (Throwback Manila Clasico)

WARING magbabalik sa nakaraan ang Philippine Basketball Association sa pagtatampok ng dalawa sa pinakasikat na rivalry sa kasaysayan. Sisiklab ang Manila Clasico sa pagitan ng Ginebra at Pufefoods habang magbubuno rin ang mahigpit na magkaribal na Alaska at San Miguel sa nala­lapit na PBA break bunsod ng ikalawang round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Bunsod ng 3-1 kartada, …

Read More »

The Jackal, kailangang supilin ng Filipino Flash

SA bulubundukin, umaawit ng papuri ang mga bandido sa Filipino Flash, Nonito Donaire — ito’y mga awit ng katapangan, pagsamba at respeto para sa maliit na mandirigmang kasalukuyan ay nasa kampanya ng pagbibigay parangal sa bansa sa Belfast sa Northern Ireland. Sa nalalapit na Sabado ng gabi, Abril 21, nakatakdang harapin ni Donaire si Carl Frampton, na mas kilala bilang The …

Read More »

Pingris wala sa 6-8 buwan (Bunsod ng ACL injury)

mark pingris injury

INAASAHANG mawawala mula anim hanggang walong buwan ang beteranong sentro ng Magnolia na si Marc Pingis matapos makompirma kamakalawa ng gabi na napinsala siya ng kulunos-lunos na punit sa anterior cruciate ligament (ACL) sa kanyang kaliwang tuhod. Mismong si Hotshots Governor Rene Pardo ang nagkompirma ng balita matapos lumabas ang resulta ng magnetic resonance imaging (MRI) mula sa kilalang espesyalista …

Read More »

Credo mananatili sa Ateneo

Jason Credo SJ Belangel Dave Ildefonso Ateneo ADMU

HINDI aalis sa pugad ng mga agila ang Ateneo High School standout na si Jason Credo. Ito ay matapos ang anunsiyo ng Blue Eaglet star na si Credo na itutuloy niya ang paglalaro ng college basketball sa seniors basketball team na Ateneo Blue Eagles. Malaking bahagi ang 18-anyos manlalaro sa kampeonato ng Ateneo Blue Eaglets sa katatapos na juniors basketball …

Read More »

Scorpions, swak na sa playoffs

Centro Escolar University CEU Scorpions

PASOK na sa playoffs ang lider na Centro Escolar University matapos daigin ang University of Perpetual Help System Dalta, 90-85 kahapon sa 2018 Philippine Basketball Association Developmental  (PBA D) League Aspirants’ Cup sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City. Bukod sa napanatili ang tangan sa tuktok ng standings, naabot na ng Scorpions (7-1) ang kinakailangang ikapitong panalo upang masikwat ang …

Read More »

2-0 target ng NLEX

paul lee kiefer ravena

KAKAPITAN muli  ng NLEX si rookie Kiefer Ravena pagharap nila ngayong alas-7 ng gabi laban sa Magnolia Hotshots sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nagsalpak ng mahahalagang puntos  at plays si Ravena  sa endgame sa Game 1 upang kalusin ang Magnolia Hotshots, 88-87 at makauna sa kanilang best-of-seven series. Nakatuwang ni Ravena si Alex …

Read More »

Paras susubok sa NBA

HINDI na tutuloy sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang Filipino teen sensation na si Kobe Paras upang sumugal sa 2018 National Basketball Association Rookie Draft sa Hunyo. Inianunsiyo ng 20-anyos na si Paras ang kanyang malaking desisyon kamakalawa sa kanyang opisyal na social media account. “If you know me, you knew this was coming. Thank you CSUN, but …

Read More »

Dave Ildefonso sasama sa ama at kapatid sa NU

Danny Shaun Dave Ildefonso National University NU Bulldogs

MAS piniling samahan ni Dave Ildefonso ang kanyang ama at kapatid sa National University kaysa ipagpatuloy ang kanyang karera sa college basketball da Ateneo. Matapos ang paglalaro para sa Ateneo Blue Eaglets sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) juniors basketball division, magkokolehiyo ang 17-anyos na si Dave sa NU na kinaroroonan ng kanyang ama na si Danny at nakatatandang …

Read More »

Pingris malabo na sa semis

mark pingris injury

MALABO nang matulungan ni Marc Pingris ang koponan na Magnolia sa natitirang bahagi ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven semi-finals series. Nadale ng knee injury si Pingris kamakalawa sa Game One kontra sa NLEX kung kailan yumukod ang Hotshots, 87-88. Sa huling 4:39 ng laro, ang Magnolia, 76-73, biglang bumagsak sa kanyang sarili si Pingris at kaagad …

Read More »

Bakbakang Crawford-Horn/ Pacquiao-Alvarado sa Las Vegas

Terence Crawford Jeff Horn Manny Pacquiao Mike Alvarado

NILINAW ni promoter Bob Arum sa Boxing­Scene.com noong Martes na ang sagupaang Terence Crawford-Jeff Horn at Manny Pac­quiao-Mike Alvarado ay hindi mangyayari sa Madison Square Garden, sa halip ay magaganap iyon sa Las Vegas. Dagdag ni Arum na posibleng isa sa pag-aari ng MGM Resorts International gawin ang laban.   Kung sakaling mangyari iyon ay malaki ang posibilidad na sa Mandalay Bay …

Read More »

Pingris, Simon sasandalan ng Hotshots

PAKAY ng Magnolia Hotshots na tuldukan ang two-game skid sa pagharap nila sa GlobalPort Batang Pier sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. Kasalo ng Hotshots sa second spot ang Alaska Aces tangan ang 6-3 records, makakalaban nila ang Batang Pier sa alas-7 ng gabi. Inaasahang mapapa­laban ang liyamadong Magnolia dahil kagagaling lang sa panalo ang Batang Pier na may …

Read More »

Teng, nabuhay sa Globalport

Jeric Teng globalport Pido Jarecio

SA araw ng mga puso kamakalawa, mistulang kapa­nganakan muli ni Jeric Teng. Matapos kunin ng Globalport bilang free agent noong Martes upang magbigay-daan sa pagbabalik tambalan nila ng college coach na si Pido Jarencio, tila bumalik rin sa dating sarili si Teng. Sa 10 minutong lamang na inilaro sa court galing bench, kumamada ang 26-anyos na si Teng ng 9 …

Read More »

Cruz sa TNT aprobado

Jericho Cruz Kris Rosales Sidney Onwubere

BINASBASAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade na magtutulak kay Jericho Cruz patungong Talk ‘N Text mula sa Rain or Shine kahapon. Ngunit para maisapinal ito ay kinailangan ng KaTropa na idagdag ang isa pa nilang guwardiya na si Kris Rosales sa naturang trade. Bunsod nito, naidagdag si Rosales sa orihinal na trade package na sina rookie Sydney …

Read More »

Warriors, silat pa rin kay Lillard, Blazers (Sa kabila ng 50 puntos ni Durant)

Kevin Durant Damian Lillard golden state warriors portland trail blazers

HINDI pa rin sumapat ang 50 puntos ni Kevin Durant upang maiwasan ng kanyang koponan na Golden State ang ngitngit ni Damian Lillard at ng Portland. Pinantayan ni Lillard ang lakas ni Durant sa pagtarak ng 44 puntos at 8 assists u­pang makompleto ng Trail Blazers ang pagsilat sa nag­dedepensang kampeon na Warriors, 123-117 sa umiinit na 2017-2018 National Basketball …

Read More »

Wilson ng Phoenix, tinanghal na PoW

KALABAW lang ang tumatanda. Iyan ang pinatunayan ng beteranong si Willie Wilson matapos ngang sungkitin ang Player of the Week na parangal ng Philippine Basketball Association Press Corps mula 22 hanggang 28 ng Enero. Pinangunahan ng 37-anyos na beterano ang 87-82 pagsilat ng palabang Phoenix Fuel Masters kontra Barangay Ginebra para iangat ang kanilang kartada sa 3-3 papasok sa kalagitnaan …

Read More »

Ross, pinagmulta: Mga opisyal, suspendido

NAGPATAW ng multa at suspensyon ang Philippine Basketball Association sa mga personalidad na sangkot sa free throw fiasco na tumapok sa kontrobersyal na pagtatapos ng 100-96 tagumpay ng Ginebra kontra San Miguel sa 2018 PBA Philippine Cup kamakalawa. Tumatagintin na P20,000 na multa ang ipinataw kay Chris Ross ng San Miguel bunsod ng paglalahad ng ‘di angkop na pahayag na …

Read More »

SMB kayang talunin

MAGSISILBING template para sa ibang mga koponan ang 100-94 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa San Miguel Beer noong Linggo. Puwede palang talunin ang San Miguel. Iyon kasi ang unang kabiguan ng tropa ni coach Leo Austria. At ang matindi doon ay kulang sa tao ang Gin Kings, o. Mayroon nga silang three-game losing streak, e. Hindi pa rin nakapaglaro …

Read More »

Bryant nominado sa Oscars

KUNG sakali, isang tropeo ang maaaring masungkit ng National Basketball Association legend na si Kobe Bryant. At ito ay hindi sa NBA kundi sa prestihiyosong Academy Awards o Oscars. Ang tulang isinulat ng 39-anyos na si Bryant na “Dear Basketball” ay nominado sa animated short category ng Oscars kasama ang Disney animator na si Glen Keane na siyang nag-direk ng …

Read More »

SMB super-lakas na

KAILANGAN  ng 48 minutong buo ang konsentrasyon  at hindi  mauubusan ng tiyaga at bala kapag kalaban ang San Miguel Beer. Kapag nalingat ka kasi, malamang na matuklaw ka sa bandang dulo at madadapa ka. Iyan ang nangyari sa TNT Katropa sa engkwentro nila ng Beermen noong  Sabado sa University of San Agustin gym Sa Iloilo. Sa mahigit na tatlong quarters …

Read More »