Monday , August 8 2022
Conor McGregor Floyd Mayweather

Rematch ng Conor McGrecor vs Floyd Mayweather tsismis lang

LALABAN muli sa UFC  si Conor McGregor sa  pagtatapos ng 2022 o sa kaagahan ng 2023   pero hindi si Floyd Mayweather Jr. ang kanyang makakaharap tulad ng kumakalat na alingasngas.

Ang paglilinaw na  iyon ay nagmula mismo kay UFC president Dana White na ikinibit-balikat lang ang reports  na muling maghaharap sina McGregor at Mayweather pagkaraan ng kanilang unang paghaharap noong 2017.

Nilinaw ni White na ang rematch ng dalawa ay mangyayari lang kung nagkapirmahan na ng kontrata.  Dagdag pa sa kanyang paglilinaw na ang pagbabalik ni McGregor sa limelight ay sa mixed martial arts at hindi sa boksing.

“Not me, I’m not talking about that,”  nagtatawang sabi ni White tungkol sa balitang bakbakang McGregor at Mayweather 2  sa The Jim Rome Show nung Lunes.   “[Conor’s return] will be in the cage. Conor’s looking to come back the end of this year, early next year.”

Sa kasalukuyan ay sumasalang sa matinding ensayo si McGregor pagkaraang madale siya ng ‘broken leg’ na natamo niya sa naging laban sa UFC nang matumba siya sa naging laban kay Dustin Poirier  sa ikalawang pagkakataon noong July 2021.

Sumalang sa operasyon si McGregor para i-repair ang na-damage ng binti pero dahil sa grabe ang tinamong injury, nagarahe siya ng isang taon para tuluyang maghilom ang nadaleng buto.

“When I do talk to Conor, Conor wants to fight,” sabi ni White. “Conor gets all kinds of offers for movie roles and all these other things that he could go and do and make money. He doesn’t want to do any of that. Conor wants to fight.”

About hataw tabloid

Check Also

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

MPBL OKBet Bacolod

Laro ng MPBL sa Bacolod City kinagiliwan ng manonood

TULAD ng pangako ng OKBet – nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa – mas kinagiliwan …