Monday , August 8 2022
Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo-Bivol rematch mangyayari sa 175 pounds

KINOMPIRMA ni Canelo Alvarez na kung matutuloy ang rematch nila ni Dmitry Bivol,  mangyayari ang laban sa timbang na 175 pounds dahil ayaw niyang gumawa ng anumang alibi  kung ano man ang kalalabasan ng laban.

Nang unang una silang naglaban sa nasabing timbang na dinomina siya ng kampeon ay walang palusot si Alvarez kung bakit siya natalo via unanimous decision.  Pero ang mga boxing fans ay maraming patama  kay Canelo dahil hindi niya kailanman tatalunin si Bivol sa 175 pounds  at magiging match lang ang laban kung maghaharap sila sa 168 pounds.

Ayon sa mga kritiko ni Canelo, mali ang desisyon nitong harapin si Bivol na ‘at home” sa pagiging light heavyweight.

Pero para kay Alvarez, walang mali sa naging desisyon niya sa inakyatang timbang para makaharap si Bivol.   Ayon sa kanya medyo kinulang siya sa disiplina, kondisyon, at hindi niya masyadong nagamit ang kanyang high ring IQ.

Kaya kung makakapag-adjust siya sa kanyang naging kakulangan, malaki ang laban niya para talunin ang kampeon.

Ayon naman sa ilang kritiko, kung inaakala ni Canelo na hindi niya kakayaning talunin sa 175 pounds si Bivol, hindi na tutuntong ito sa harapan ng kampeon  para mapahiyang muli.

“If I fight with Bivol again, I’m going to fight at 175 because I don’t want any excuses,” sabi ni  Canelo Alvarez sa Friday’s roundtable kasama ang media nang tanungin siya tungkol sa posibleng rematch nila ni Bivol.

“I don’t want an excuse. IF I fight with Bivol again, I’m going to fight at 175,” tuwirang sinabi ni  Canelo.

Ang realisasyon ng part 3 ng labang Canelo-Bivol ay mananatili pa ring isang kuwestiyon dahil kailangang harapin muna ni Canelo si Gennadiy Goloving  sana nakatdang trilogy nila sa Setyembre 17.

About hataw tabloid

Check Also

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

MPBL OKBet Bacolod

Laro ng MPBL sa Bacolod City kinagiliwan ng manonood

TULAD ng pangako ng OKBet – nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa – mas kinagiliwan …