BLANKO man sa unang limang salang, nagtapos pa rin nang makinang ang Batang Gilas matapos tambakan ang New Zealand, 73-51 upang maiuwi ang disenteng ika-13 puwesto sa katatapos na 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Technological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina. Ginulantang ng RP youth team ang Oceania powerhouse na New Zealand sa unang half pa lang nang makapagtayo …
Read More »Rike, maglalaro sa UAAP
Mula sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Amerika tungo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) dito sa Filipinas. Iyan ang naging paglalakbay ng Filipino-American na si Troy Rike sa ilang buwan na pananatili sa bansa matapos kompirmahin ang napipinto niyang paglalaro sa National University sa paparating na Season 81 ng UAAP. “Yes I confirmed it 100%,” anang 22-anyos …
Read More »Batang Gilas nanalo rin
SINILAT ng Batang Gilas ang paboritong Egypt, 70-79 para sa una nitong panalo kahapon sa 13th-16th classification match ng 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Techonological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina kahapon ng umaga. Matapos lumamang ng 20 puntos sa unang bahagi, tumirik ang Batang Gilas sa dulo ngunit buenas na nasa panig nila ang orasan upang maka-eskapo pa rin …
Read More »Penalosa giniba si Manufoe sa 2nd round
IPINALASAP ni Dave Penalosa ang lakas ng kamao para gibain sa Round 2 ang kalabang si Ricky Manufoe ng Indonesia na ginanap sa Bohol Wisdom School Gym sa Tagbilaran City. Unang lumuhod sa canvass si Manufoe sa 1st round dahil sa matitinding body shots ni Penalosa. Nakasalba ito ng round pero muling humiga sa lona ng tatlong beses ang Indonesian sa 2nd round dahil …
Read More »Frayna yuko sa round 3
YUMUKO si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kay International Master Gargatagli Hipolito Asis ng Spain matapos ang 39 moves ng Caro-kann sa round three ng 41st Open International Barbera del Valles 2018 Chess Championship sa Barbera de Valles, Spain. Nanatili sa dalawang puntos si 22-year-old Frayna kaya naman nalaglag siya mula sa tuktok. Nalasap ni former Far Eastern University star …
Read More »Cocolife nilampaso ng Ph Nat’l Team
PRENTE ang women’s national team sa pagkalos sa Cocolife Asset Managers, 25-13, 25-17, 25-11 sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Centre, San Juan City. Kahit kulang sa sandata ay tinapos ng Nationals sa tatlong sets ang Asset Managers. Siyam na players lang ang naglaro, inangklahan ng magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Manabat ang …
Read More »Ratratan sa PBA umiinit
KOMPLETO na ang casts sa quarterfinals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos manaig ng Magnolia Hotshots at TNT KaTropa noong Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum. Lumanding sa No. 3 seed ang KaTropa na pinaluhod ang elimination topnotcher Rain or Shine Elasto Painters habang inupuan ng Hotshots ang No. 7. Kinalos ng Pambansang Manok Magnolia ang defending champion San Miguel …
Read More »Pacquiao vs Matthysse ipalalabas sa HD screen
HIGANTENG match-up, dapat lang maramdaman ang kakaibang eksperyensa ng mga manonood. Ang makasaysayang si Senador Manny Pacquiao ay babalik sa ring para bigyang kasiyahang muli ang mga fans partikular ang mga Pinoy. Sa July 15 (Manila time) ay nakatakdang harapin ng Pinoy idol ang hard-hitting Argentine na si Lucas Matthesse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Hindi man makapupunta sa …
Read More »Flash Dance umentado sa laban
IBABAHAGI ko sa inyo ang aking mga nasilip sa huling dalawang araw na pakarerang naganap sa pista ng Santa Ana Park, iyan ay upang makatulong sa inyong pag-aaral pagbalik ng takbuhan sa nasabing karerahan. Pambungad na takbuhan nung Huwebes ay umentado ang itinakbo ng kabayong si Flash Dance at walang anuman na iniwan ang kanilang mga nakalaban na sina Oh Neng, …
Read More »Gilas kontra Australia ngayon
NAGAWA ng Japan na talunin ang bigating Australia noong nakaraang Biyernes. At iyon ang nais sundan ng Gilas Pilipinas ngayon sa krusyal nilang sagupaan ng Australia para sa liderato ng Group B sa pagtatapos ng third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Tabla ngayon sa tuktok ng Group B hawak ang parehong …
Read More »Reyes kompiyansa kontra Australia
KOMPIYANSA si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kaya nilang talunin ang Australia Boomers pagharap nila ngayong gabi sa first round ng FIBA World Cup qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Nasa second place sa Group B ang Gilas tangan ang 4-1 record, haharapin ng Pilipinas ang Aussie sa alas-7:30 ng gabi. Para kay Reyes mas malakas ang Australia …
Read More »Standhardinger maaaring ‘di makalaro sa 3×3 World Cup
“THERE’S no guarantee.” Iyan ang pahayag ng San Miguel prized rookie na si Christian Standhardinger nang tanungin kung makalalaro ba siya para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2018 FIBA 3×3 World Cup na magsisimula bukas sa Philippine Arena. Kasalukuyang nagpapagaling ang 6’8 na si Standhardinger sa kanyang swollen knee injury na naging dahilan ng hindi niya paglalaro sa nakalipas …
Read More »Mayweather pinakayamang atleta
SA loob man o labas ng kuwadradong lona ay si Floyd Mayweather Jr., pa rin ang kampeon. Nabansagang “Money” Mayweather, napatunayan iyan ni Mayweather nang tanghaling pinakamayamang atleta ngayon ayon sa Forbes Magazine. Umabot sa $285 milyon ang naging kita ni Mayweather sa 2017 upang manguna sa listahan ng Forbes na ‘highest paid’ athletes. Bunsod nito, dinaig ng boksingero ang …
Read More »Warriors namumuro sa titulo
NAMUMURONG sikwatin ng Golden State Warriors ang back-to-back titles matapos payukuin ang Cleveland Cavaliers, 110-102 kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basketball Association, (NBA) finals. Kumayod si Kevin Durant ng 43 points, 13 rebounds at pitong assists upang tulungan ang Warriors na ilista ang 3-0 serye at mamuro sa titulo. Sa history ng NBA, walang nakabangon mula sa 0-3 …
Read More »Pacquiao pababagsakin si Matthysse
INILISTA ni Manny Pacquiao ang huling knockout win noong 2009 kontra kay Miguel Cotto. Puwedeng masundan na ito sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Puntirya ng kampo ni Pacquiao ang mukha, partikular ang panga ni Lucas Matthysse para pahalikin ito sa lona at agawin ang WBA 147-pound diadem ng Argentinean. “Matthysse has a weak chin,” hayag …
Read More »Pinoy Pride 44: laban sa Leyte
MISYONG ibangon muli ang pangalan sa mundo ng boksing, pupuntiryahin ni “Prince” Albert Pagara ang WBO Intercontinental Super Bantamweight belt sa kanyang laban sa “Pinoy Pride 44: Laban sa Leyte” sa darating na Sabado (Hunyo 9) sa Maasin City Gym, Maasin City, Leyte. Mapapanood ang naturang fight card ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports sa ABS-CBN S+A at S+A HD …
Read More »Warriors humirit ng Game 7
HUMIRIT ng do-or-die Game 7 ang defending champion Golden State Warriors matapos nilang tambakan ang kulang sa armas na Houston Rockets, 115-86 kahapon sa Game 6 ng 2017-18 National Basketball Association (NBA) Western Conference finals. Kumayod si Klay Thompson ng 35 points kasama ang siyam na 3-pointers para sa Warriors na naitabla ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven battle. …
Read More »Caligdong bagong football coach ng Altas
KINUHA ng University of Perpetual Help System-Dalta Altas na bagong head coach ng kanilang football team ang legend na si Chieffy Caligdong para sa papalapit na Season 94 ng National Collegiate Athletic Association. Ito ay upang matulungan sila ng dating manlalaro ng Azkals na masikwat ang unang kampeonato sa loob ng lagpas dalawang dekada. Nagretiro apat na taon na ang …
Read More »Gilas tumakas sa UE
BAHAGYANG napaganda ng Gilas Pilipinas 23 for 2023 World Cup pool ang kartada matapos ang dikit na 63-61 tagumpay sa palabang University of the East sa pagpapatuloy ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre kamakalawa ng gabi. Naiiwan sa 11 puntos sa simula ng huling kanto, nagpakawala ng matinding late game uprising ang Gilas …
Read More »World record sa freestyle binasag ni Katie Ledecky
BINASAG ni five-time Olympic swimming champion Katie Ledecky ang sarili niyang 1,500-meter freestyle world record ng limang segundo sa kauna-unahan niyang paglangoy bilang isang propesyonal. Naabot ng 21-anyos na American swimming sensation ang pader ng swimming pool sa loob ng 15 minuto at 20.48 segundo sa Pro Swim event sa Indianapolis para burahin ang previous best na 15:25.48 na kanya …
Read More »Davis kinapitan ng New Orleans
DOBLE-KAYOD sina Anthony Davis at Jrue Holiday upang akbayan ang New Orleans Pelicans sa pagwalis sa Portland Trailblazers, 131-123 kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) playoffs. Kumana si Davis ng 47 points at 11 rebounds habang nagtala si Holiday ng 41 markers at walong assists upang kalawitin ang panalo para sa Pelicans sa Game 4 at ilista ang 4-0 serye …
Read More »Region X humakot ng ginto sa boksing
VIGAN CITY—Humakot ng anim na gold medals ang Region X sa Secondary Boys Boxing sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Plaza Burgos, Ilocos Sur. Pinayuko ni Jericho Acaylar si Lester John Yanis sa finals upang sungkitin ang gintong medalya sa Pin Weight, (44-46 kgs.). Nahablot ng Region XI Pug Yanis ang silver habang nag-uwi ng bronze medals sina …
Read More »Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon
NAKAGUGULAT ang ginawa ng ‘Super Boy’ ng Philippine Sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa katatapos na 2018 Philippine National Open & Age Group Powerlifting Championships na ginanap sa Fisher Mall Quezon City nitong Sabado, impresibong binasag niya ang mga records sa Squat-70kgs, Bench press-38kgs, Total-188kgs at single Lift Bench press-38kgs. Ipinakita ni Dayao sa mga nanonod …
Read More »Gilas, silat sa Blue Eagles
DINAGIT ng subok ng Ateneo Blue Eagles ang all star ngunit bagong buo pa lamang na Gilas Pilipinas 23 for 23 World Cup pool, 75-69 sa opening ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kamakalawa sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Bumandera para sa Blue Eagles ang bahagi rin sana ng Gilas na koponan na si Thirdy …
Read More »Standhardinger nasa PH na (Dumalo sa unang ensayo ng SMB)
DUMATING na sa bansa sa wakas ang inaabangang si Christian Standhardinger kamakalawa. At bagamat halos wala pang pahinga ay sumabak agad siya sa kauna-unahang ensayo kasama ang Beermen pagkatapos ng lagpas limang buwan. Magugunitang noong nakaraang Oktubre, pinili ng SMB ang 6’8 Filipino-German na si Standhardinger bilang number one overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft. Ngunit dahil sa kanyang …
Read More »