Wednesday , March 29 2023
Islam Makhachev Charles Oliveira Khabib Nurmagovedov Dana White

Makhachev vs Oliveira gustong maikasa ni Khabib

HANGAD ni Khabib Nurmagovedov  na magkaroon ng realisasyon ang labang Islam Makhachev vs. Charles Oliveira sa Brazil.  At naniniwala siya na tatapusin  ng una ang huli  sa sarili nitong istilong  Brazilian jiu-jitsu.

Nangangampanya si Nurmagomedov para magkaharap sina Makhachev  at Oliviera para sa bakanteng UFC lightweight championship,  Tiwala siyang handang dumayo ang kanyang matalik na kaibigan na dumayo sa teritoryo ni Oliviera para sa oportunidad.

Natanggalan ng titulo sa 155 pounds si Oliviera  nang hindi nito nakuha ang reglamentong timbang sa UFC 274 nung May.   Kailangan pang magdesisyon  ang UFC kung sino ang ihaharap sa  Brazilian star, kung kelan ito sasabak muli  at lokasyon ng laban para sa bakanteng titulo.

Unang plano ni Makhachev na lumaban sa UFC 281 sa isang pay-per-view  laban  kay Do Bronx sa Oct. 22 sa Abu Dhabi.  Ngayon, bukas ang opsyon ng kaniyang team para hamunin si Oliveira sa Brazil.    Sa kasalukuyan ay walang nakatakdang laban sa Brazil.

“This is not Islam or Khabib’s organization, this is UFC [and] they have owners. They make these decisions,” pahayag ni Nurmagomedov  sa  Ag. Fight. “Ok, if they say Brazil, we’ll love this. Come to Brazil, fight with Brazilian champion and finish him with Brazilian jiu-jitsu style. I love this. What you think about this? It’s gonna be hard?

“I really believe Islam can finish him on the ground. I really believe this. Now you guys gonna judge me because Islam, but who cares? Who cares? If they say Brazil, OK, let’s go Brazil. Rio de Janeiro, Sao Paulo.”

Matatandaan na ang ikatlong laban ni Nurmagomedov sa UFC bout ay nangyari sa Brazil noong Enero 2013 nang gibain niya si Thiago Tavares sa pamamagitan ng matinding siko nang maglaban sila sa ground. 

“I fight one time in Sao Paulo, Thiago Tavares,”  sabi ni  Nurmagomedov. “It was very short fight, one and a half minute, boom. Before fight everybody said I was gonna die. After fight, everybody take picture with me. It’s gonna be same thing with Islam and Charles Oliveira.”

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …