Monday , August 8 2022
Kevin Arquero

Arquero naghari sa Marikina Chess Tourney

PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess Tournament Biyernes, Hulyo 1, 2022 na ginanap  sa Marikina City.

Si Arquero, isa sa top players ng Philippine Army chess team ay nakakolekta ng total  6.0 points matapos talunin ang dating solo leader Christian Mark Daluz ng Bulan, Sorsogon sa seventh at final round.

Nakagtipon din ng  6.0 points si Daluz  pero nagkasya sa second place dahil mababa ang kanyang tie-break score.

Sa kanyang tagumpay ay nakamit ni Arquero ang top purse na  P2,000  na papremyo  ni Tournament Director Pastor at United States chess master Ruben Gumagay Ondangan Jr. na magkatuwang na inorganisa ng Amity Chess Club, Family in Christ Lancaster, California at ng JTGC Churches.

Nagkasya sa tabla si Top seed Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Quezon City kontra kay International Master Angelo Young ng Manila sa final canto tungo sa 5.5 points para sa  ikatlong  puwesto.

Mga nakapasok sa top 10 ay sina Julius Gonzales, IM Angelo Young, Narciso Gumila, CM Genghis Imperial, NM Romeo Alcodia at NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr.

Sina April Joy Ramos (lady),  Antonella Berthe Racasa ( lady), Ruel Sto. Domingo (marikina), Joey Villar (media), John Marcus lomio (high school) at Gabriel Cayanan (senior) ang mga  category winners.

Ang tumayong  Chief Arbiter ay si Pastor at National Arbiter Ranier B. Pascual,  assistant niya  sina NA Robert Racasa at NA Rusfranco Salcedo.

– Marlon Bernardino –

About Marlon Bernardino

Check Also

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

MPBL OKBet Bacolod

Laro ng MPBL sa Bacolod City kinagiliwan ng manonood

TULAD ng pangako ng OKBet – nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa – mas kinagiliwan …