Sunday , March 26 2023
FIBA World Cup Asian qualifiers

Lima pang Chinese players positibo sa Covid-19

BEIJING, July 6 (Xinhua) – Nagdagdag pa ng limang national players ang Chinese Basketball Association (CBA) sa listahan  na nagpositibo sa Covid-19 pagkaraang  maglaro ang China sa Australia para sa FIBA World Cup Asian qualifiers.  Karagdagan iyon  sa naunang ilang miyembro na tinamaan ng virus.

May kartang dalawang panalo at dalawang talo ang China sa World cup Asian qualifiers at susulong sila sa ‘next phase’ ng qualifiers.   Ang team ay lumipad sa Indonesia bilang preparasyon  para sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa July 12.

Pahayag ng CBA na ilang miyembro ng Team China ang nagpositibo sa Covid-19 sa game nila sa Melbourne.  Agad namang hiniwalay sila at binigyan ng kaukulang lunas.

Ang nalalabing miyembro ng Team China na hindi tinamaan ng virus ay dumiretso sa Indonesia nung Miyerkules,   nagdagdag ng limang players ang CBA sa roster para maipagpatuloy ang kanilang kampanya sa Asia Cup.  Ang mga napositibo na naiwan sa Melbourne ay posible pang makahabol sa torneyo sa oras na gumaling sila.

Makakaharap ng China ang South Korea, Bahrain at Chinese Taipei sa group stage ng FIBA Asia Cup.

Nagpahayag din ang CBA na ang manlalaro rin nila para lumahok sa 3X3 basketball  ay tested positive sa Covid-19.   Sa kasalukuyan ay binibigyan din slya ng kaukulang atensiyon.

“Everyone in the national team is well aware of the difficulties, risks and challenges ahead, but they choose to do their best to fight for the country. The CBA pay tribute to them for their courage and commitment, and to those people standing behind and supporting them at this moment,” pahayag ng  CBA sa kanilang statement.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …