TUTULAK ngayong Biyernes ang pinakahihintay na 2013 National Youth Chess Championships standard competition sa Philippine Sports Commission Conference Room sa Vito Cruz, Manila. Ang opening ceremony ay nakatakda sa ganap na alas-kuwatro ng hapon kung saan gaganapin ang Round 1 sa ganap na alas-singko ng hapon. May dalawang kategorya na paglalabanan, ang 15 years-old and below at 9 years-old and …
Read More »PHILRACOM stakes races at ang hulidap raid ng Manila City Hall
Sa darating na araw ng Linggo, Setyembre 29, 2013 ay malalaking karera ang lalarga sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Unang aarangkada ang 2013 Philracom 3rd leg Juvenile Fillies Stakes. Walong runners ang tatakbo rito na tangkang pag-agawan ang top prize na P600,000 Lalahok sina Great Care, KukurukukuPaloma, Move On, Native Gift, Priceless Joy, Pure Enjoyment, …
Read More »Patuloy nating ipagdasal si Randy
Sa darating na Linggo ay idaraos na sa pista ng SLLP ang ikatlong yugto ng “Juvenile Stakes Races” para sa magkahiwalay na grupo ng kalalakihan at kababaihan na may edad na dalawang taong gulang. Ang mga pinaleng naideklara sa grupo ng mga kalalakihan ay sina Kulit Bulilit, Lucky Man, Matang Tubig, Mr. Bond, Proud Papa, River Mist at Young Turk. …
Read More »TNT, Ginebra maggigibaan
PAG-IWAS sa maagang bakasyon at pagbuhay sa pag-asang makarating sa itaas ang mithi ng Talk N Text at Barangay Ginebra San Miguel sa magiging salpukan nila sa sudden death match para sa huling quarterfinal berth ng 2013 PBA Governors Cup mamayang 7:15 pm, sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City. Dinaig ng Tropang Texters ang Gin Kings, 113-99 noong Linggo …
Read More »Playoff sa PBA ipinagpaliban
DAHIL sa malakas na ulan na dulot ng habagat kahapon, ipinagpaliban ng PBA ang knockout na laro ng Talk ‘n Text at Barangay Ginebra San Miguel para sa huling puwesto sa quarterfinals ng Governors’ Cup na dapat sanang gawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay. Gagawin ang larong ito mamayang alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang mananalo …
Read More »Gilas isasabak din sa Asian Games
BALAK ng MVP Sports Foundation na isali ang Gilas Pilipinas sa Asian Games na gagawin sa Incheon, South Korea, sa susunod na taon. Sinabi ng pangulo ng foundation na si Al Panlilio na sasali ang Gilas sa Asian Games pagkatapos ng kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya. “We are focusing our resources on both these tournaments,” wika ni …
Read More »Air21 babawi — Pumaren
NANGAKO si Air21 head coach Franz Pumaren na maganda ang tsansa ng Express na makapasok sa semifinals sa susunod na PBA season. Kahit nanalo ang Express kontra Alaska, 121-107, noong Linggo ay hindi sila nakapasok sa quarterfinals ng Governors’ Cup dulot ng kanilang mahinang quotient. Sinabi ni Pumaren na ang pagdagdag kina Asi Taulava at Joseph Yeo ay senyales na …
Read More »Jeffril T. Zarate nakatatlong panalo
Binabati ko ang hineteng si Jeffril Tagulao Zarate sa pagkapanalo ng kanyang tatlong sakay sa mga kabayong sina Be Humble, Crucis at Native Gift nitong nagdaang Sabado sa pista ng Metro Turf. Ang pagkapanalo niya kay Be Humble ay mukhang naghahanap pa ng kalaban para sa mga kagrupo niya sa 3YO, dahil labis na kahanga-hanga na nilaro lamang siya ni …
Read More »PH memory team pasok sa 1st HK Championship
GANADO at atat na ang delegasyon ng AVESCO-Philippine Memory Team para dominahin ang 1st Hong Kong Open Memory Championship na magsisimula sa darating na September 28-29 sa Kowloon, Hong Kong. May kalamangan ang mga Pinoy sa nasabing event kaya naman naniniwala ang AVESCO team na kaya nilang makapag-uwi ng karangalan sa bansa. Lulusob sa event ang 109 Memory athletes na …
Read More »St. Benilde vs. San Sebastian
PAGLAYO sa mga naghahabol at pagpapatatag ng kapit sa ikaapat na puwesto ang pakay ng San Sebastan Stags sa pagkikita nila ng host College of Saint Benilde Blazers sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay pilit pa …
Read More »DI dapat makompiyansa ang petron
OO’t nasa unang puwesto ang Petron Blaze at mayroong twice-to-beat na bentahe kontra sa kanilang makakaharap sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup subalit hindi puwedeng magkompiyansa ang mga bata ni coach Gelacio Abanilla III. Bakit? Kasi mabigat pa rin ang makakaharap nila sa susunod na yugto. Makakalaban ng Boosters ang No. 8 team at sa sandaling isinusulat ito ay …
Read More »PHILRACOM nagpahayag ng suporta sa hagdang bato vs crusis
Nagpahayag ng suporta ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa hinihinging labanan ng dalawang kampeon sa pagitan ng local at imported na mananakbo sa bansa —Hagdang Bato na pambato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at Crusis na alaga naman ni dating Philracom Commissioner Marlon Cunanan. Sinabi ni Philracom Chairman Angel Lopez Castano Jr. na sinusuportahan nila ang panawagan ng bayang …
Read More »San mig vs Meralco
KAPWA pasok na sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup ang SanMig Coffee at Meralco subalit inaasahang magiging maigting pa rin ang kanilang salpukan mamayang 5:15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ito’y bunga ng pangyayaring ang magwawagi mamaya ay makakakuha ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals. Dikdikan din ang magiging sagupaan ng Barangay Ginebra San Miguel at …
Read More »UST handa sa NU
DEHADO ang University of Santo Tomas sa paghaharap nito kontra National University sa Final Four ng UAAP Season 76. Nakuha ng Bulldogs ang pagiging top seed sa pagtatapos ng eliminations kaya kailangan na lang nila ng isang panalo para umabante sa finals at mapalapit sa una nilang titulo sa UAAP mula pa noong 1954. Ngunit naniniwala si UST coach Pido …
Read More »Stags ayaw paawat sa NCAA Chess
LUMAKAS ang tsansa ng San Sebastian College Stags sa asam na maging back-to-back champions matapos kaldagin ang Mapua sa 89th NCAA senior chess tournament na ginaganap sa Arellano U gym sa Legarda, Manila. Bumida si FM Mari Joseph Turqueza sa board 1 upang pangunahan ang panalo ng Stags sa Cardinals, 3-1 nang pisakin nito si Alexis Enrico Jacinto. Nakaipon ang …
Read More »Bigo ang Blue Eagles
NAGWAKAS ang kampanya ng Ateneo Blue Eagles para sana sa ika-anim na sunod na kampeonato nang sila’y payukuin ng University of Santo Tomas Growling Tigers noong Miyerkules. Bale knockout ang naging tema ng saplukan ng Blue Eagles at Growling Tigers para sa huling ticket sa Final Four ng 76th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s Basketball Tournament. Nagtapos …
Read More »Hangad ng karerista: Hagdang Bato vs Crusis
Hinahangad ngayon ng mga karerista na magkatagpo at maglaban sa isang malaking karera ang local super horse na si Hagdan Bato at ang itinuturing na magaling sa hanay ng mga imported na si Crusis. Ang pangarap na laban ng publikong karerista ay posibleng maganap sa nalalapit na 2013 Philracom Ambasador Eduardo M. Cojuangco Cup dahil usap-usapan sa labas at loob …
Read More »Dilinger balik-MERALCO
KINOMPIRMA ni Meralco coach Ryan Gregorio na lalaro na si Jared Dilinger sa Bolts sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup. Ayon kay Gregorio, bukas na darating si Dilinger sa bansa mula sa California kung saan nag-therapy siya para sa mga pilay na nangyari nang naaksidente siya noong Abril. Bumangga ang kotse ni Dilinger sa isang poste ng MRT sa Cubao …
Read More »3 koponan aatras sa PBA D League draft
HINDI na sasali ang NLEX, Cafe France at Cebuana Lhuillier sa gagawing Rookie Draft ng PBA D League na gagawin ngayong alas-2 ng hapon sa opisina ng PBA sa Libis, Lungsod ng Quezon. Hawak ng Bakers ang top pick sa draft kung saan ang inaasahang magiging top pick ay ang point guard ng San Miguel Beer na si Chris Banchero …
Read More »Altas nakasandal kay Baloria
ISA sa mga league top scorer si Juneric Baloria kilala rin bilang clutch shooter Tumitikada ng mahahalagang puntos si Baloria kapag nangangailangan ang kanyang koponan kagaya nang ipanalo niya ang Perpetual Help Altas ng dalawang sunod sa huling dalawang laro nila. Si Baloria ang nanguna nang gibain ng Altas ang College of Saint Benilde Blazers, 68-64 at pagkatapos ang Jose …
Read More »San Sebastian vs. Lyceum
PAGHIHIGANTI at pagpapatatag ng kapit sa ika-apat na puwesto ang hangad ng San Sebastian Stags kontra Lyceum Pirates sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Men’s Basketball Tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay pinapaboran ang three-time defending champion San Beda Red Lions na makaulit kontra …
Read More »Docena, Fronda bigo sa Turkey World Jr Chess
NABIGO sina Filipino whiz kid Jerad Docena (ELO 2227) at kababayang si Jan Jodilyn Fronda (ELO 2038) matapos matalo sa kani-kanilang kalaban sa fifth round ng World Junior Chess Championships 2013 Miyerkoles sa The Ness Hotel sa Kocaeli, Turkey. Yuko ang Tagubaas, Antequera Bohol native Docena kontra kay Armenian IM Vahe Baghdasaryan (ELO 2423) sa Open section habang nadapa naman …
Read More »Nouri tampok sa Hong Kong Open Chess
MATAPOS ang magandang performance sa 10th Malaysian Chess Festival 2013 na ginanap sa five-star Mid Valley Hotel in Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakaraang buwan nang kunin ang coveted gold medal, ang young Filipino at World Youngest Fide Master Alekhine Nouri ay makikipagtagisan ng talino kontra sa world renowned players sa Hong Kong International Open Chess Championships 2013. Ang Hong Kong …
Read More »Ballet Flats huwag basta iiwan
Sa mga nasilip sa naganap na takbuhan nitong nakaraang Martes sa SLLP ay ang mga sumusunod: LAGUNA – maganda ang nagawang diskarte at sa bandang huli na lamang ginalawan bilang isang diremateng mananakbo. ROYAL CHOICE – nakagawa ng sorpresa dahil siya ang nangbigla sa harapan bilang isang dehado. MARKET VALUE – tila talagang inaalalayan lang na mailabas ang totoong kapasidad …
Read More »Araw-araw na laro ibabalik ng PBA
MULING gagamitin ng PBA ang pang-araw-araw na iskedyul ng mga laro para sa quarterfinals at semifinals ng Governors’ Cup. Ayon sa iskedyul na ipinalabas ng liga kahapon, gagawin sa Setyembre 23, Lunes ang mga posibleng knockout na laro para sa huling puwesto sa quarterfinals. Kinabukasan, Setyembre 24 at 25, gagawin ang quarterfinals at kung may rubber match ay sa Setyembre …
Read More »