Tuesday , July 5 2022

Takbong pagsaludo sa Bayani ng Bataan (29th Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon)

SASALADUHANG muli ng mga namamanatang mananakbo ang kabayanihan ng mga Bataan War Patriots sa pamamagitan ng kanilang pagtahak ng nakaririmarim na 1942 Death March Trail ng Gitnang Luzon sa darating na Abril 8 at 9, 2014.

Binansagang 29th ARAW NG KAGITINGAN ULTRA-MARATHON, ang ‘di pang-kumpetisyong salit-salitang pagtakbo sa naturang ruta, na walang butaw o registration fee sa mga  kalahok, ay  siyang pinakamatanda at pinakamahabang distansiyang takbuhang may habang 114-kilometrong ruta, na  aalpasan sa  Death March Kilometer Post 0 Marker ng   Mariveles, Bataan, sa ganap na 10 ng umaga.

Pangungunahan ni  Mariveles Mayor Jesse Concepcion at Veterans Federation of the Philippines (VFP) Post Commander Peregrino Divinagracia, ang pagbubukas ng taunang patakbong nagsimula isang buwan at ilang  araw matapos 1986 EDSA People’s Power Revolution.

Matapos ang payak na programa, sisindihan ang isang simbolikong sulo ni Divinagracia at ipapasa  kay event founding organizer Ed Paez, upang  itakbo ng kaniyang grupong Safer  Runners of San Fernando, Inc., kasama ang Team Army, TRADOC, Mechanized Infantry Division, Sta. Rosa City Runners, Runners Plus, Tarlac City Team, Rotary  Club of Baywalk Runners,  at iba pa sa unang araw,  patungong Lubao, Pampanga.

Tatahakin nito ang isang siyudad at walong   bayan ng Bataan, bago magpalipas ng magdamag   sa Lubao Gymnasium ang mga relay-runners, kung saan muling ilalatag  ang pulang alpombra ng mag-iinang sina  Pampanga Gov.  Lilia Pineda, Vice-Gov. Dennis Pineda at Lubao  Mayor Mylyn Cayabyab, sa mga mananakbo.

Bukod sa  malaking tulong ng mag-anak, kabilang din  ang MILO Energy Drinks,  UNILAB Active Health, PCSO, MAYO Productions, Inc., Magnolia Health Tea., POCARI Sweat, PAMPANGA’s   BEST, ALICE Bakery & Grocery, WESCOR Transformer Corp., SPEED Detergent Bars, EXCELLENT Noodles,  Isport BOTAK,  e-ventologists, co., F.M. Ringor Engineering/AdEvents, Hotel Victoria de San Fernando, BFAR Gitnang Luzon, Sports Radio 918 at iba pa, sa umaalalay sa ibang klase ng parangal  sa mga  Bayani ng Bataan.

Kinabukasan, Abril 9,  tatahakin  naman ng grupo ang bayan ng Guagua,  tuloy sa  Visita Iglesia sa San Guillermo Church sa bayan ng  Bacolor ni Mayor  Jomar Hizon, bago  bagtasin   ang rutang patungong  istasyon ng tren sa Brgy.  Sto. Nino ng Ciudad de San Fernando, para sa    pagtatapos ng programa ng unang bahagi ng patakbo, kasama sina City Mayor Edwin Santiago, Rep. Oscar Rodriguez, VFP Dist. Commander  Avelino Domingo,  mga panlalawigan at pang-lungsod na opisyal.

Ito ay susundan ng biyahe ng mga runners, na ‘di tulad ng iniidolong Bayani, na puwersahang isinakay ng bagon ng tren,   ay kumportableng sasakay  ng kani-kanilang back-up vehicles patungong  Sto. Domingo, Capas, Tarlac, kung saan magsisimula ang  natitirang 12-kilometrong lakbayin.

Patungo ito ng  Capas National Shrine o mas kilala bilang  Camp  O’Donnell, na siyang pinaka-dulo ng   taunang saludong-patakbo, kung saan magtatapos ang dalawang-araw na panata ng mga Patriotic Runners, kaagapay ang TRADOC at Mechanized Infantry Division nina   MGen. Antonio de Leon at BGen. Mayoralgo dela Cruz.

(HENRY T. VARGAS)

About hataw tabloid

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Patay muna aso bago turok ng bakuna

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAPAG namatay na ang aso, saka lang babakunahan para sa anti-rabies …

Gary Payton II

$28 Million deal sa Trail Blazers isinapinal ni Gary Payton II

ISINAPINAL ni Gary Payton II ang 3-year, $28 million deal sa Trail Blazers,  ayon sa …

Zolani Tete Jason Cunningham

Zolani Tete giniba si Jason Cunningham sa 4th round

NASA radar na muli ni dating two-weight world champion Zolani Tete ang isa pang pagkakataon …

Rene Mark Cuarto

Cuarto talo kay Valladeres via split decision

NAYARI ang koronang hawak ni Rene Mark Cuarto ng Pilipinas  nang talunin siya ni Mexican …

Kevin Arquero

Arquero naghari sa Marikina Chess Tourney

PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess …

Leave a Reply