Thursday , June 4 2026

Hataw ang depensa ng Alaska

MATINDING depensa ang naging puhunan ng defending champion Alaska Milk upang makakumpleto ng three-game winning streak bago nagkaroon ng break ang PLDT Home TVolution PBA Commissioners Cup upang bigyang daan ang pagsigwada  ng 2014 All-Star Weekend.

Buhat sa 1-3 karta ay umangat ang Aces sa 4-3 karta para sa solo fourth place.

So, kung natapos ang elimination round noong Miyerkoles, aba’y sakto na ang Alaska Milk sa best-of-three quarterfinals kung saan mapupunta ang mga koponang nasa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto.

Iyon kasi ang target ng mga teams na hindi makakakuha ng top two spots na magbibgay sa kanila ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Upang umangat sa ikaapat na puwesto ay tinalo ng Alaska Milk ang Air 21, 88-78 noong Marso 17. Isinunod ng Aces ang powerhouse San Miguel Beer,  89-78 noong  Marso 29 sa kauna-unahang out-of-town game ng PBA sa Alonte Sports Arena sa Binan,  Laguna. At noong ngang Miyerkoles ay dinaig nila ang Barako Bull, 78-71.

Ang patunay na pinatindi ni coach Luigi Trillo ang kanilang depensa?

Ang Air 21 ay may average na 91 puntos pero nalimita nila sa 78. Ang San Miguel Beer ang No. 1 offensive team ng torneo sa average na 105 puntos pero nalimita sa sa 78. Ang Barako Bull ay may average na 8 puntos pero nalimita sa 71.

Matindi, ano po?

Isa lang ang ibig sabihin nito. Masisipag ang Aces sa paghabol sa kanilang binabantayan. Hindi madadaling tira ang ipinamimigay nila sa kanilang kalaban.   Mas madali kasing umopensa kaysa sa dumepensa. Ang opensa ay masaya samantalang ang depensa minsan ay nakakatamad.

Pero desidido ang Alska Milk na mapanatili ang kanilang koponan kaya masipag ang Aces.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …