Saturday , December 20 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Tatlong sikat na tserman, hari sa Plaza Miranda

YANIGni Bong Ramos TATLONG sikat at matitikas na mga tserman ng barangay ang sinabing namamayagpag at naghahari umano a buong Plaza Miranda kasama ang lahat ng mga nasasakupang kalye. Tatlong haring gago este mago kung tawagin ng mga vendor ang mga nasabing barangay chairman dahil sa matatalas at matatalim na mga kuko — parang double-blade raw. Bukod sa mga katangiang …

Read More »

VP Robredo numero unong paboritong banatan sa social media — Tsek.ph

Leni Robredo

SI BISE-PRESIDENTE Leni Robredo ang numero unong paboritong banatan o siraan sa social media. Ito ang ibinunyag ni University of the Philippines (UP) Diliman Journalism Professor Yvonne Chua, isa sa mga nasa likod ng Tsek.ph, sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa senado ukol sa mga isyu sa social media. Ayon kay Chua, batay sa kanilang pag-aaral noong 2019 elections talagang …

Read More »

Excellence in Teacher Education Act ratipikado sa Senado

Math Science Teacher Student

NIRATIPIKAHAN ng Senado ang Excellence in Teacher Education Act, ang panukalang batas na mag-aangat ng kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa. Para kay Senador Win Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang tugunan ang krisis sa sektor ng edukasyon. Niresolba ng Bicameral conference committee ang mga pagkakaiba ng Senate Bill No. 2152 at House Bill No. 10301. Layunin …

Read More »

Malampaya deal lutong-Macao
ASUNTO VS CUSI, RESIGNASYON, HAMON NG SOLON

DoE, Malampaya

LUTONG MACAO ang Malampaya deal. Ito ang tahasang nilalaman ng privilege speech ni Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy matapos ang imbestigasyong kaniyang ginawa ukol sa deal ng pamahalaan sa kompanyang UC at Chevron Philippines. Ayon kay Gatchalian, batay sa naging resulta ng kanilang imbestigasyon, walang sapat na kakakayan ang naturang kompanya para hawakan ang 45-percent  participating …

Read More »

DOJ, Ombudsman kapag hindi kumasa
ASUNTO VS DUTERTE ISUSULONG NI GORDON

Duterte Gordon DOJ Ombudsman

KASABAY ng pag-amin na impecahmentiable offense ang naging papel ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na transaksiyon sa pagitan ng Pahrmally Pharmaceutical Corp., at ng pamahalaan, kulang na sa panahon para maihain ito kaya handa si Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na magsampa ng kaso laban sa pangulo at ibang mga personalidad na tinukoy sa partial committee …

Read More »

Sa pagbuo ng Pharmally deal main actors,
DUTERTE DAPAT MANAGOT PERO
Oras sa impeachment kapos

Duterte, Pharmally, Money

HINDI makatatakas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananagutan sa pag-assemble ng main actors/ characters ng maanomalyang Pharmally deal, ayon kay Sen. Risa Hontiveros. “For sure, ang accountability ni President Duterte for assembling the main actors or characters, hindi siya makatatakas doon. Whether sa isang hypothetical impeachment court or ‘yung court of public opinion,” sabi ni Hontiveros sa panayam sa After …

Read More »

Kahit wala na sa Comelec si Guanzon,
KAMPANYA PARA SA DQ NI MARCOS JR., TULOY — BAYAN

020322 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario HINDI nagtatapos ang laban para sa diskalipikasyon sa anak ng diktador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa 2022 elections sa pagreretiro ni Commissioner Rowena Guanzon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes, Jr., buhay na buhay ang kampanya para idiskalipika si Marcos, Jr., at nagmumula sa mga …

Read More »

Erich pagpapatawad ang natutunan sa La Vida Lena

Erich Gonzales

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga INIHAYAG ni Erich Gonzales na pagpapatawad ang biggest takeaway o natutunan niya sa kanyang pinagbibidahang Kapamilya teleseryeng La Vida Lena. “Ngayong last week na po… importante po talaga is forgiveness. Nagsimula lahat sa pagmamahal, ang dami nang nangyari pero at the end of the day ‘yung realization po riyan for me is forgiveness talaga. “It’s a gift also that you give …

Read More »

Angeline Quinto lalaki ang magiging first baby

Angeline Quinto baby

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga ISINAPUBLIKO na ni Angeline Quinto na lalaki ang magiging first baby niya matapos mag-post sa Instagram kaugnay ng naganap na gender reveal ng kanyang baby. Ayon sa caption ng IG post ni Angeline, “ITS A BOY!!! Sa wakas ma i-sshare ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby.” Nagpasalamat siya sa kanyang kaibigang si Vice Ganda na naorganisa …

Read More »

Pasada Babes kasangga ng mga mananakayPahirap sa pagsakay sosolusyonan

Pasada Babes Don Chad Hernandez

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI lang sa mga simpleng jingle naipababatid o naihahatid ng mga politikong tumatakbo sa halalan 2022 maipararating ang kanilang adhikain o plano para sa mga mamamayang Filipino. In na rin ngayon ang mga grupong sumasayaw o kumakanta at gumagawa ng video para mas lalong maunawaan ang gustong maipahatid ng politiko. Tulad nitong Pasada Babes na inilunsad noong …

Read More »

Ayanna Misola nabigla sa pagbibida — ‘Di pa kasi nagsi-sink-in na artista na ako

Ayanna Misola

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio GRATEFUL si Ayanna Misola sa Viva dahil pagkatapos siyang ipakilala sa mga pelikulang Pornstar2 Pangalawang Putok at Siklo na napapanood sa Vivamax, kaagad siyang binigyang pagkakataon para makapagbida at maipakita ang tapang hindi lamang sa pagpapa-sexy kundi ang husay sa pag-arte. Ito ay sa pamamagitan ng Kinsenas, Katapusan na pinamahalaan ni direk GB Sampedro. Nagpapasalamat din si Ayanna dahil inalalayan siya nina Joko Diaz at Kier Legaspi lalo na sa mga …

Read More »

Dexter Doria nairita sa fake news Nana Didi susuweto sa maling impormasyon 

Dexter Doria Nana Didi

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI na kinaya ng beteranang aktres na si Dexter Doria ang lumalalang paglaganap ng fake news at maling impormasyon sa social media kaya naman pinasok na rin niya  ang vlogging bilang parte ng kanyang hangaring malabanan ito. Unang ginawa ni Dexter ang karakter ni Nana Didi na 43 taon nang nagtrabaho bilang public school teacher bago nagretiro at tumayong yaya …

Read More »

Veteran actress Rustica Carpio pumanaw sa edad 91

Rustica Carpio

NAMAALAM na ang award-winning veteran actress at direktor na si Rustica Carpio  noong Feb. 1 sa edad na 91. Kinompirma ito ng kanyang mga pamangkin na sina Myrea Baquiran at Nessea Carpio sa pamamagitan ng social media. Anang mga pamangkin, binawian ng buhay ang beteranang aktres sa bahay nito sa Cavite, “We wish you farewell in your journey to eternity. You’d never be forgotten. Rest in …

Read More »

Vine Aesthetics 5 ang nag-eendoso

Erla Garcia Alessandra Faith Garcia Nico Locco Rhen Escaño Shandii Bacolod

HARD TALKni Pilar Mateo PAMPAGANDA. Skin pampering. Health and Wellness. Holistic Medical Aesthetics. ‘Yun ang Vine Aesthetics. At sa pagkakataong ito, not one, not two, not even three ang endorsers na pinapirma ng kontrata ni Dra. EHM (Ehmely Sevilla) to experience the services na ino-offer nila. Beauty Queen Alessandra Faith Garcia. TV and Movie ctress Rhen Escaño. Fashion Model Erla Garcia. Film Producer, Director, content Creator and more, Shandii …

Read More »

Gerald nagbahagi hirap sa shooting ng Mamasapano

Gerald Santos Mamasapano

HARD TALKni Pilar Mateo PINAKAMALAKING proyekto ng Borracho Productions katulong ang Vivamax, ang Mamasapano. True-to-life ang pelikula tungkol sa SAF 44 na humarap sa isang napakalaking hamon na nasawi ang marami. The movie boasts of a great cast. Isa sa nabigyan ng malaking hamon sa pelikula ay ang singer at theater actor na si Gerald Santos. Ano ang mahalagang papel niya sa pelikula? And the experience. Na …

Read More »

5 buwan bago matapos ang ika-18 Kongreso
BAGONG MAMBABATAS PINANUMPA NG KAMARA

party-list congress kamara

TINANGGAP at pinanumpa ng Kamara ang bagong miyembro ng Ang Probinsyano partylist bunsod ng pagre-resign ng pangalawang nominee nito. Si Rep. Edward delos Santos ng party-list na Ang Probinsiyano ay opisyal nang miyembro matapos panumpain ni Speaker Lord Allan Velasco kapalit ni Ronnie Ong na nagpalipat sa ibang partylist group noong Nobyembre 2021. Ang bagong kongresista ay pangatlong nominee kasunod …

Read More »

Impeachment vs Ferolino, banta ni Guanzon

Rowena Guanzon Aimee Ferolino

POSIBLENG maghain ng impeachment case ang magreretirong si Comelec Commissioner Rowena Guanzon laban kay Commissioner Aimee Ferolino dahil sinadyang iantala ang paglabas ng desisyon sa disqualification case laban kay Marcos, Jr. Ani Guanzon, hindi siya natatakot sa bantang sasampahan siya ng kasong libel kaugnay sa mga pinakawalan niyang akusasyon laban kay Ferolino. “She should be afraid of me. I might …

Read More »

Hindi kayang pilitin magbayad ng tax
MARCOS JR., SPOILED BRAT, ABSENTEE GOVERNOR — GUANZON

Rowena Guanzon Rappler Talk

SINADYA ang hindi pagbabayad ng buwis ng isang spoiled brat at absentee governor na anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon, ito ang mga katangian ni Marcos, Jr., kaya kahit mga abogado ng anak ng diktador ay hindi kayang pilitin na magbayad ng buwis …

Read More »

Michael Yang ipinatatapon, 2 Pharmally officials ipinaaasunto

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ang agarang deportasyon kay Michael Yang at ang pagsasampa ng kaukulang kaso kina dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Christopher Lao, at Procurement Director Warren Rex Liong . Ayon kay Gordon, mayroong nilabag na batas si Yang sa kanyang pagpasok ng kasunduan sa …

Read More »

Pondo vs CoVid-19, dinambong sa tungki ng ilong ni Digong
DUTERTE, DUQUE ‘TRAIDOR,’ PHARMALLY ‘LINTA’
Plunder patong-patong na kaso, rekomendado ng Senado

020222 Hataw Frontpage

 ni Rose Novenario              “I HATE corruption.” Madalas itong sambitin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula nang maupo sa Palasyo. Ngunit sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabing naganap sa ‘tungki ng ilong’ ng kasalukuyang Punong Ehekutibo ang pinakamalalaking pandarambong sa kaban ng bayan sa kasaysayan ng Filipinas. Nakasaad sa partial committee report sa 2020 Commission on Audit (COA) ang paggasta …

Read More »

Diego at Barbie deadma sa mga Maritess

Barbie Imperial Diego Loyzaga

REALITY BITESni Dominic Rea DEADMA na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa balitang last December ay hiwalay na sila. Mukhang wala silang nabasa at narinig kaya deadmatology ang kanilang drama. Just like Carla Abellana at Tom Rodriguez issue of hiwalayan naman this January na parang wala lang at nanahimik ang parehong kampo. Naku! Ang tsismax nga eh kaya raw nagkalabuan at naghiwalay daw sina Carla at Tom …

Read More »

Karla ayaw palusutin political career magtagumpay kaya?

Karla Estrada, Tingog

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG mahihirapan daw si Karla Estrada para sa isang milyong boto ngayong May 2022 bilang 3rd nominee sa partylist na Tingog ng mga Romualdez. ‘Yan ay ayon na rin sa mga mapanira at mapanegang bunganga ni Maritess na taga-Bulacan na walang ginawa kundi manlait at manira ng positive vibes. Nakakaloka huh! Mukhang ‘di raw lulusot si Karla dahil unang araw pa …

Read More »

Wilbert ‘di pa kayang mag-frontal, Pagpapakita ng pwet g na g

Wilbert Ross Rose Van Ginkel Jela Cuenca

REALITY BITESni Dominic Rea MULA sa pelikulang Crush Kong Curly na nakatambal si AJ Raval na kasalukuyan ng napapanood sa Vivamax, ipalalabas naman ngayong February 18 ang pangalawang pelikula ni Wilbert Ross bilang bida, ang Boy Bastos kasama si Rose Van Ginkel mula sa direksiyon ni Victor Villanueva. Sa panayam namin kay Wilbert, aniya, hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang role bilang isang binatang mapusok sa sex. Sa movie kasi ay ipinakita …

Read More »

Ali at Pat-P tuloy ang pagkilatis ng mga kandidato sa Mata ng Halalan 2022

Ali Sotto Pat-P Daza Mata ng Halalan 2022 NET 25

TULOY-TULOY ang pakikipanayam ng mga beteranang broadcasters at ASPN Primetime hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza sa mga kandidato sa darating na halalan.  Sa linggong ito, kikilalanin nina Ali at Pat-P ang ilan pang senatoriables bilang parte pa rin ng special election series na Mata ng Halalan 2022 ng NET 25. Huwag palampasin ang pagsalang sa ASPN Primetime nina Sen. Risa Hontiveros at dating Spokesperson Harry Roque Jr. (Lunes, Jan. 31); dating Bayan Muna Rep. Neri …

Read More »

Fernan de Guzman bagong pangulo ng PMPC

Philippine Movie Press Club PMPC

MATAGUMPAY na naidaos ang halalan para sa bagong pamunuan ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) para sa taong 2022 na ginanap noong Enero 28 sa tanggapan ng PMPC sa Quezon City. Ang PMPC ay isang non-profit organization na nagbibigay ng karangalan at pagkilala  sa  entertainment industry, kabilang na ang mga artista, performers, at mga manggagawa sa likod ng kamera sa larangan ng …

Read More »