Saturday , May 28 2022
Leni Robredo Yeng Guiao

Robredo, take-charge player sa basketball — Guiao

NAGPAHAYAG ng suporta at aktibong nangangampanya ang PBA Coach na si Yeng Guiao para sa kandidatura ng presidential candidate at bise presidente na si Leni Robredo.

Marami ang nakapansin na laging suot-suot ni Guiao ang pink mask sa tuwing may laro sila ng basketball. Sa labas ng hardcourt, naglalaan ng oras ang coach para sa iba’t ibang outreach programs para ipakilala at ikampanya si Leni Robredo.

Sa isang interbyu, inihalintulad ni Guiao si Robredo sa isang mapagkakatiwalaang player sa basketball. “Kung naging basketball player si VP Leni siya ‘yung tinatawag na ‘take-charge player’,” ani Guiao.

Binigyang-diin ni Guiao, ang mga katangian at kalipikasyon ni Robredo para maging pangulo. “Pag binigay mo ang bola sa kanya, alam mong tama ang gagawin niya, mahusay at mapagkakatiwalaan.”

Higit sa karakter at kalipikasyon ni Robredo, pinaghuhugutan rin ni Guiao ang kanyang mga karanasan noong Martial Law upang maging bukas na mangampanya para kay Robredo laban sa kandidato at anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, Jr.

“Martial law victims kami,” aniya. “On the first day of martial law, ni-raid ang bahay namin, September 21, 1972. I was twelve or thirteen years old…ang tatay ko, on the second day of martial law, hinuli, kinulong,” paggunita ni Guiao.

Ang kanyang ama na si former Pampanga governor Bren Z. Guiao ay isa sa mga miyembro ng 1971 Constitutional Convetion na tumutol sa ekstensiyon ng term limits ng presidente noon na si Ferdinand Marcos, Sr.

“E nagtataka ako kung bakit sinasabi na maganda raw ‘yung martial law? Walang kasalanan ‘yung tao, tapos ikukulong mo na lang because he was political opposition? Ibig bang sabihin, pag magkaiba tayo ng politika, puwede mo na akong ikulong?”

Gamit ni Guiao ang masalimuot na nakaraang ito upang higit pang mangampanya para sa pagkapanalo ni Robredo. “Hindi lang iboboto. Talagang ikinakampanya ko siya,”  ani Guiao sa isang livestream.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …