Friday , May 27 2022
Cristy Angeles Bongbong Marcos Sara Duterte Ninoy Aquino Ferdinand Marcos

Away ng mga Marcos at Aquino tapos na — Angeles

SA PAGTUNTONG ni presidential frontrunner Ferdinand Marcos, Jr., sa Tarlac kasama ang kanyang UniTeam ay tila pagpapakita na tapos na ang away ng mga kulay sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na nagsabing simula na ang pagkakaisa.

Kilala ang Tarlac na balwarte ng pamilya Aquino simula pa noong panahon ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., at kanyang asawa na si dating Pangulong Corazon Aquino, pero ngayong tumapak si Marcos sa Tarlac ay puwede nang masabing hindi lamang para sa mga Aquino ang naturang lalawigan.

“Alam po ninyo, history in the making po ito. Isang Marcos tumuntong dito sa lungsod ng Tarlac,” ayon kay Mayor Cristy Angeles, ng Tarlac City Kasabay ng malakas at walang patid na sigawan ng mga taga-suporta ng BBM.

Sinabi ni Mayor Angeles, “tapos na ang away ng mga kulay. Nandito tayo ngayon para magkaisa ng tunay.”

Kasabay nito, iginiit ni Angeles ang suporta ng kanyang lungsod kay Marcos at sa kanyang katambal na si Inday Sara Duterte kasama ang UniTeam dahil sa bitbit nitong pagkakaisa sa bansa.

“Mahal kong kababayan, mulat na tayo, alam na natin kung ano ang nararapat para sa ating lahat. Kailangan natin ang pagkakaisa at ibibigay niya (Marcos) po ‘yan sa atin,” ani Angeles sa harap ng maraming kababayan.

Nanawagan din ang alkalde na kalimutan na ang awayan ng kulay sa nakaraan at isulong ang pagkakaisa hindi lamang sa kanilang lalawigan kundi sa buong bansa.

“Tarlac City for BBM-Sara. Tapos na po ‘yung nakaraan. Time to move on. Kalimutan na po ang mga nangyari noon sapagkat kailangan natin ang pagkakaisa para sa magandang kinabukasan,” pahayag ni Angeles.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …