Thursday , April 25 2024
Elisse Joson McCoy de Leon

McLisse ayaw madaliin ang pagpapakasal; Habangbuhay pinag-isipang mabuti

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AYAW madaliin nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang pagpapakasal. Katwiran nila, kailangan itong paghandaang mabuti at kailangan din nilang mag-ipon.

Ito ang binigyang linaw ng McLisse sa isinagawang virtual media conference ng Viva Films para sa pelikula nilang Habangbuhay na ipalalabas sa Vivamax Plus sa April 20 at sa Vivamax sa April 22.

Natanong kasi ang dalawa kung may wedding plans na at sinabi ni McCoy na ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

Sinabi naman ni Elisse na gusto nilang paghandaan ang bagay na ito lalo pa nga’t may anak na sila. 

Kailangang mag-ipon,” pagtatapat at nangingiting sabi ni Elisse.

Samantala, sobrang thankful naman si Elisse na si McCoy ang naging partner at ama ng kanilang anak na si  baby Felize.

Aminado si Elisse hindi naging madali ang adjustments at challenges na pinagdaanan nila ni McCoy, pero thankful siya rito. 

Dahil si McCoy, he’s a very hands-on dad. Sobrang nakita ko ‘yung shift from being just boyfriend, tapos naging dad na siya. So,  everyday, kahit hindi ko nasasabi sa kanya araw-araw, nakikita ko talaga ‘yung pagiging responsible niya na tatay.

 “And lagi ko ngang sinasabi kay Felize, kahit hindi niya naiintindihan that she’s very lucky to have McCoy as her dad,” anang aktres.

Perfect mom naman para kay McCoy si Elisse.

Wala akong masabing kulang, wala akong masabing sobra. Sobrang perfect si Elisse para sa anak namin. Kaya ayun, thankful ako kay Lord,” giit ni McCoy.

Sa kabilang banda, aminado ang McLisse na nang i-offer sa kanila ang Habangbuhay ay medyo nagdalawang-isip sila na tanggapin ito.

Ang haba po ng process before we actually were able to do this film. Siguro, ‘yung deciding factor is because nga we have to consider na we have a baby and also, the work circumstances na pandemic tapos may baby kaming kasama,” ani Elisse.

Isa pa sa worry nila ay baka hindi na bumagay sa kanila ang pelikula na young love ang tema since may anak na nga sila.

Ginagampanan ni Elisse ang karakter ni Bea na may sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID). Si McCoy si JR, ang houseboy ng kanilang pamilya.  Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”.

Ang Habangbuhay ay idinirehe ng award-winning na si Real Florido.  Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa  Canada International Film Festival para sa pelikulang 1st Ko Si 3rd. Nakatanggap din ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PAni Rommel Placente ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine …

Ysabelle Palabrica

Kaba ni Tootsie binigyan ng bagong tunog ni Ysabelle

HARD TALKni Pilar Mateo SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine …

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALKni Pilar Mateo BACK-TO-BACK! Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor …