Friday , December 5 2025

Gov’t/Politics

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

TRABAHO Partylist 106

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa trabaho, sahod, benepisyo, pagsasanay, at kondisyon sa pagtatrabaho ng mga guro at manggagawa sa daycare sa buong bansa. Batay sa datos mula sa UNICEF at Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, binigyang-diin ng partylist na tanging 22% ng mga child development workers ang may …

Read More »

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko Partylist na pinangungunahan ni first nominee Atty. Anel Diaz. Ayon kina Ocsan at Ejercito, naniniwala silang matutulungan sila ng Partylist nina Diaz upang ipagtanggol at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro ng sektor ng lipunan. Tinukoy ni Ejercito na bilang bahagi ng isang hindi maayos …

Read More »

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

Shamcey Supsup-Lee

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito para sa Konseho ng Pasig City Tumampok si Shamcey Lee dahil sa paniniwala ng kanyang mga tagasuporta na mayaman sa karanasan at paglilingkod sa batayang masa. Bunsod nito, dumagsa ang tagasuporta ng pitong kandidato ng Team Kaya This. Dumalo sila sa isang Banal na Misa …

Read More »

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng Lalawigan ng Bulacan sa larangan ng pagpapatupad ng mga infectious diseases program sa ginanap na IMPACT Awards 2025 sa Best Western Metro Plus, Lungsod ng Angeles sa Pampanga kahapon. Sa ngalan ni Gobernador Daniel R. Fernando, tinanggap nina Provincial Health Office (PHO) II Dr. Hjordis …

Read More »

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong ng ayudang ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga mamamayan ngunit hindi dapat na dito lamang umasa dahil hindi ito sostenible o kayang panatilihin sa mahabang panahon. Iginiit ni Diaz, dapat ang ayuda ay tutugon sa long term plan katulad ng pagbibigay ng mga livelihood program upang …

Read More »

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe na sumisira sa mga corals at bato sa shoreline sa beach resort sa Barangay Virgen, Anda, sa lalawigan ng Bohol. Kaugnay nito, lumakas ang panawagan ng mga residente at mga environmentalists na magsagawa ng imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at concerned …

Read More »

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

Duterte ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime Against Humanity o krimen laban sa sangkatauhan, ayon sa International Criminal Court (ICC). Paglilinaw ito ng ICC kaugnay ng reaksiyon ni Vice President Sara Duterte para sa ebidensiya ng sinasabing 30,000 pinaslang sa gera laban sa droga ng nagdaang administrasyon. “The legal framework is that …

Read More »

Villar nagtaboy ng malas
Banal na Misa ipinagdiwang sa simula ng congressional bid

Cynthia Villar

SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar ang kanyang kicked off campaign period kasama ang iba pang local candidates na kasama sa kanyang team sa pamamagitan ng pagdiriwang ng isang Banal na Misa sa San Ezekel Moreno Church sa Las Piñas City.                Ilang netizens ang nagsabing, tila nagpapagpag ng malas si Villar sa unang araw ng kanyang kampanya. Tiniyak ni Villar, …

Read More »

Proclamation rally sa Taguig City
Team TLC sa Taguig dinagsa ng 10,000+ mamamayan mula sa 38 barangays kasama EMBO

Proclamation rally sa Taguig City Team TLC sa Taguig dinagsa ng 10,000+ mamamayan mula sa 38 barangays kasama EMBO

DINAGSA ng mahigit sa 10,000 mamamayan mula sa 38 barangay ng lungsod ng Taguig  kasama ang 10 EMBO barangays ang proclamation rally na isinagawa ng Team  Lani Cayetano (TLC) sa Arca South. Hindi mapigil ang hiyawan at sigawan ng mga sumaksi sa pagdiriwang sa bawat pagpapakilala at pagsasalita ng bawat kandidato ng Team TLC. Kasama ni re-electionist Mayor Lani Cayetano …

Read More »

Pagkatapos ng meryenda at sitserya  
‘TEAM GROCERY’ BISTADO SA KONTROBERSIYAL NA CONFIDENTIAL FUNDS NG VP

033125 Hataw Frontpage

HATAW News Team MATAPOS ang mga pangalan at apelyidong kahawig ng coffee shop, sitserya, at iba pang pagkain, tila mga grocery items naman ang ‘napaglaruan’ sa mga acknowledgement receipts na isinumite ni Vice President Sara Duterte sa Commission on Audit (COA). Ibinuking ito ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union kaugnay ng masusing pagsusuri sa mga …

Read More »

Resulta ng survey
85% NG KABATAAN APRUB NA PATALSIKIN SI VP SARA

033125 Hataw Frontpage

MAYORYA ng college students ang naniniwala na dapat mapatalsik sa kanyang puwesto si Vice President Sara Duterte, ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Centre for Student Initiatives. Ayon kay Maria Aquino, CSI Director for Operations, resulta ng naturang surveys ay nagpapakita na hindi masaya ang mga kabataang Filipino sa liderato ni Vice President Duterte lalo na ang kawalan niya …

Read More »

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan ng sardinas, planta ng corned beef, hayumahan ng lambat, at varadero [shipyards] na ang mayorya ng mga manggagawa ay “skilled workers” at “seasonal employees”. Sa isang dialogo nitong 24 Marso 2025 sa pagitan ng TRABAHO at mga nasabing mangaggawa, ibinida ni Atty. Johanne Bautista ang …

Read More »

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) para sa proteksiyon ng lupaing katutubo at direktang paglahok nila sa paggogobyerno. Ayon kay Brian Poe Llamanzares, ang mga Indigenous People ay patuloy na kinakaharap ang hamon para sa seguredad ng pagkilala at proteksiyon ng kanilang mga ancestral domain dahil sa magkasalungat na mga batas …

Read More »

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

MAYORYA ng mga botante ay iboboto si Mitch Cajayon-Uy, incumbent re-electionist ng 2nd District Representative ng Caloocan City, kung gaganapin ang halalan ngayong araw. Ito ay base sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS kung saan nasa 58 porsiyento ng 1,800 rehistradong botante sa lugar ang iboboto si Cajayon. Kung ikukumpara sa 35 porsiyentong nakuha ng kanyang karibal, …

Read More »

Nagsimula na ng kampanya  
‘Bagong Las Piñas’ pangako ni Carlo Aguilar

Carlo Aguilar Cynthia Villar

LAS PIÑAS CITY – Opisyal nang sinimulan ni mayoral candidate Carlo Aguilar ang kanyang kampanya nitong Biyernes, 28 Marso, na may pangakong itaas ang antas ng Las Piñas tungo sa isang moderno at maunlad na lungsod matapos ang matagal na pagkaantala ng progreso sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.  Sa isang punong-puno at mainit na pagtitipon sa San Ezekiel Moreno Parish …

Read More »

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

Alfred Vargas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya itong napatunayan dahil ilang pagkilala na ang natanggap niya sa husay niyang umarte. Sa pagiging prodyuser hindi naman matatawaran ang mga ipinrodyus niyang pelikula na tampok ang naglalakihang artista. Ang pinakahuli ay ang Pieta tampok ang National Artist na si Nora Aunor kasama sina Jaclyn Jose at Gina Alajar. At sa pagiging …

Read More »

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher Tolentino at Dr. Michael Raymond Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang ilang probisyon sa Automated Election Law bunsod ng  sinabing hindi patas na trato sa ilang kandidato. Nabatid na naghain ng petition nitong Miyerkoles sa SC  sina Tolentino at …

Read More »

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

OUT of 156 partylists na nagnanais makakuha ng posisyon sa kongreso, namumukod tangi ang adbokasiya ng #50 Pamilya Ko Partylist. Ito ang binigyang diin ni Pamilya Ko Partylist nominee Atty. Anel Diaz matapos mag-ikot sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal. Sinabi niyang sila ang nag-iisang partylist na nagsusulong ng interes at pangangailangan sa iba’t ibang anyo ng modernong …

Read More »

Pag-asa sa Pagsagip ng Buhay: Ang Pamana ng Isang Nasawing Boluntaryong Hepe ng Bumbero

Pag-asa sa Pagsagip ng Buhay Ang Pamana ng Isang Nasawing Boluntaryong Hepe ng Bumbero

Isang nagdadalamhating pamilya sa Tondo, Maynila, ang nakatagpo ng pag-asa matapos ang trahedyang sinapit ng isang hepe ng bumbero na nasawi sa sunog, ilang oras lamang matapos niyang sagipin ang isang asong na-trap sa nasusunog na bahay. Sa burol na ginanap noong Martes ng gabi para kay Rodolfo Baniqued, isang 52-anyos na boluntaryong hepe ng bumbero, personal na nagbigay-pugay si …

Read More »

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

MALAKING suporta sa kandidatura ni Shamcey Supsup-Lee, sa Konseho ng unang distrito sa Pasig City at sa ARTE partylist, nang   matanggap nito ang isang manifesto of support ng multi-sectoral na grupo. Nagtipon-tipon ang pangunahing opisyal ng grupong kababaihan, kabataan at creative artist at grupo ng LGBTQIA sa Kalawaan covered court ng Barangay Kalawaan, Pasig City nang sama-samang nilang ipinahayag  ang …

Read More »

Arjo ilang beses naluha sa kanyang SODA: 400K residente nakikinabang sa Aksyon Agad

Arjo Atayde SODA

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap noong Lunes sa Skydome, SM North, Quezon City. Kung ilang beses napaluha ang representate ng 1st District habang nagpapasalamat sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang constituents at mga kasamahan din sa politika at showbiz industry.  Kasama rin siyempre ang buong-buong suporta ng …

Read More »

May 18 – June 30 trials sapat para mahatulan si VP Sara — Neri Colmenares

Neri Colmenares Sara Duterte

NANINIWALA ang isa sa mga abogado ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) na dapat nang simulan ang impeachment trial ngayong 18 Mayo 2025 matapos ang May 12 midterm elections upang mabigyan nang pagkakataon ang incumbent senators na tumatakbo sa kasalukuyan na matapos ang kanilang pangangampanya. Ayon kay dating congressman Neri Colmenares sa isang radio interview dapat tutukan ng prosekusyon …

Read More »

TRABAHO Partylist, pasisiyahin mga naghahanapbuhay

TRABAHO Partylist, pasisiyahin mga naghahanapbuhay

SA LAYUNING mapabuti ang kalidad ng trabaho sa bansa, isinusulong ng TRABAHO Partylist ang isang makabagong inisyatiba na naglalayong ibalik ang saya at sigla ng mga manggagawa sa kanilang paghahanapbuhay. Binibigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng makabuluhan at pangmatagalang trabaho, na may inspirasyon mula sa pandaigdigang pamamaraan at konsepto ng “rediscovering joy at work.” Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, …

Read More »

.4-M plus residente ng QC 1st Dist., nabiyayaan sa Aksyon Agad program ni Cong. Atayde

Arjo Atayde

SA KAUNA-UNAHANG State of the District Address (SODA) ni Quezon City First District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde nitong Lunes, sa Skydome sa SM North, Quezon City, inihayag ng mambabatas na mahigit sa 400,000 residente ang nabiyayaan sa kanyang programang “Aksyon Agad” simula noong 2022. “Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw …

Read More »