SINIMULAN na sa Valenzuela City ang pamamahagi ng Val-ID na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga Senior Citizens at Persons with Disability (PWD) makaraan ang pagsusulong ng bagong official design ng Valenzuela ID card.
Gamit ang makabagong digital system para sa VAL-ID o Valenzuela City ID Validation Portal, taglay nito ang verified records ng mga registered PWDs at Senior Citizens na residente ng Valezuela City para maiwasan ang mga pekeng ID.
Mayroong holographic seal ang bawat Val-ID na may tamper-resistant tool na hindi maaaring magaya para tuluyang ipatupad na bawal ang pekeng ID sa siyudad.
Layunin ng Val-ID na mapadali ang validations ng bawat Senior Citizen at PWD IDs at iwas sa aberya dahil nasa ilalim ito ng Data Privacy Act na nagtatakdang may haharaping parusa ang mga mahuhiling lumabag sa ordinansa.
Samantala, halos lahat ng may dalang Senior Citizen at PWD ID ay natutuwa sa inisyatibo ng local government unit ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian. (VICK AQUINO)