Wednesday , June 24 2026
Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED R
ni Rommel Gonzales

PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod na successful reunion concert series nila kamakailan.

Misis ni Bulacan Vice-Governor Alex Castro ang isa sa mga miyembro ng Sexbomb girls na si Sunshine Garcia kaya kinumusta namin kay VG ang tungkol sa kanila ni Sunshine.

Ayun, mag-asawa pa rin,” ang umpisang pagbibirong sabi ni VG Alex.

Maraming bilib kay VG Alex sa todo niyang suporta kay Sunshine at sa buong Sexbomb girls sa napaka-successful na concert series ng grupo na inabot na ng limang repeat performances.

Sa mga nag-viral na videos, kitang-kita si Alex na nasa audience during the concerts, na bini-video ang concert at proud na proud sa kanyang asawa na todo ang kanta at hataw sa pagsasayaw.

Una, Happy Women’s Month sa lahat ng mga babae! So, napag-uusapan naman ‘yung misis ko kasi nakita ko kung paano nagsimula ‘yung kanilang concert, na pinlano nila, tapos inaalok sa mga producer walang mag-produce.

“Tapos parang, ‘Sige, tayo-tayo na lang!’

“So nag-usap-usap silang mga girl, kung sino ‘yung may kaya nagbakas-bakas, hanggang sa heto na, malapit na ‘yung, nakapagpa-schedule sila sa Araneta [Coliseum], iyon pala hindi puwedeng walang lisensiya.

So hanap na naman sila, kasi may December na silang schedule sa Araneta, nakapag-down na sila hindi pala puwedeng mag-concert ang walang license.

“So hanap pa sila mabuti may nahanap silang ka-partner iyon ang nagpo-produce sa kanila.

“Tapos nakita ko rin ‘yung journey na iyon, ‘yung iba may trabaho na sa ibang bansa, si Sunshine ay housewife at nag-aalaga ng aming pamilya, nagsama-sama ulit!”

Kuwento pa ni VG Alex, hindi na Sexbomb si Sunshine noong maging girlfriend niya ito.

Alam ko na sobrang sikat sila, kasi siyempre sikat sila noong time na iyon.

“Pero 20 years ago, ganoon na katagal. So, hindi ko na sila nakitang buo. Nakikita ko sila na magkakasama sa mga kunwari party, pero hindi sila nabubuo.

“Tapos noong nakita  ko na nga ‘yung concert, nakita ko actually sa totoo lang nakita ko ‘yung saya sa asawa ko, nakita ko kung gaano siya ka-happy.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …