Monday , March 30 2026

News

Sa serye ng anti-crime drive sa Bulacan, 7 tulak timbo sa buybust

Bulacan Police PNP

Sa serye ng pinaigting na anti-criminality operations ng kapulisan sa Bulacan, naaresto ang pitong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga niton Linggo, 13 Abril. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Paombong MPS sa Brgy. Sto. Niño, Paombong. Humantong ang operasyon sa …

Read More »

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

MRT-7 post West Avenue

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa lungsod Quezon, nitong Linggo, 14 Abril. Nabatid na ang bumigay na poste ay ang nakaangat na turn-back guideway o ang riles kung saan puwedeng makapag-U-turn ang mga tren. Walang naiulat na nasaktan at walang kotseng napinsala sa insidenteng naganap dakong 3:30 ng hapon kamakalawa. Samantala, …

Read More »

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

Parañaque Police PNP

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang oras sa Bulungan Market, sa Brgy. La Huerta, sa lungsod ng Parañaque, nitong Linggo ng hapon, 13 Abril. Kinilala ni P/Lt. Madison Perie ng Parañaque CPS ang suspek na si alyas Andy, tubong Samar. Ayon kay Perie, nakitang pagala-gala sa palengke ang suspek dala ang …

Read More »

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

Arron Villaflor

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board Member sa 2nd District ng Tarlac. Post nito sa kanyang FB account, “Lubos na karangalan ko po ang mapabilang sa mga nagnanais maglingkod sa ating bayan. Sa aking tatahaking landas, baon ko po ang lahat ng inyong pagmamahal, dasal, suporta, at paniniwala sa aking bukal na intensyon …

Read More »

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

Bea Alonzo Tom Rodriguez

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. Nakasama niya sa episode na “The Healer Wife” sina Tom Rodriguez, Max Eigenmann, at Euwenn Mikaell, na idinirehe ng award-winning director na si Zig Dulay. Nitong April 12 napanood ang kuwento ng isang babaeng nabiyayaan ng faith healing. Kaya niyang magpagaling ng iba, pero nagkasakit lng malubha ang …

Read More »

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

BBM Bongbong Marcos TIEZA

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan ng Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone (MS-FTEZ), ang opisyal na pagpapakilala ng bagong gawang Underground Museum sa Mt. Samat National Shrine. Ito ay bahagi ng paggunita ng ika-83 taon ng Araw ng Kagitingan. Pinangunahan ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang pagbisita sa Bataan …

Read More »

Mercado Pickleball Power Tour

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa SM Pickleball Active Hub sa MOA Music Hall sa Pasay City ang kaniyang husay sa exhibition games kalahok ang pickleball enthusiasts kasabay ang isinagawang skills clinics at meet & greet noong nakaraang 11 Abril. Nakamit ni Mercado ang malaking tagumpay sa larong pickleball, bilang isang …

Read More »

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Manuel Macalino, 38 years old, isang delivery rider, kasalukuyang naninirahan sa Montalban, Rizal.          Gaya nang dati, nandito na naman ang panahon na hindi lang init kundi may panganib na ma-heat stroke ang mga gaya naming maghapong bilad sa araw.          Iba po kasi …

Read More »

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

Franz Pumaren

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo ng isang concerned citizen laban kay Congressman Franz Pumaren kaugnay sa hindi natapos na apat na infrastructure projects sa District 3, Quezon City. Ayon sa naturang reklamo, inilagay ang mga poste para sa pagtatayo ng isang multi-purpose building sa Barangay Pansol, isang proyekto sa ilalim …

Read More »

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

Alan Peter Cayetano

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Taguig na yakapin ang kanilang papel bilang mga ahente ng pagbabago sa kanilang mga komunidad, hindi lamang mga tagapagpatupad ng proyekto. Binigyang-diin ng senador, ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng higit pa sa mga patakaran, gantimpala, o parusa. “Bilang mga chairperson ng SK, …

Read More »

3 sugatan sa sunog sa QC

House Fire

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan St., Barangay Obrero, Quezon City, Sabado ng gabi, 12 Abril. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktimang nasaktan na sina Rene Santos, 16 anyos, nahiwa sa kanang hintuturo; Alfredo Villas, 28, nasugatan sa kanang kamay; at Edric Mamarang, 18, natusok sa kanang …

Read More »

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

Dead Road Accident

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Ayon kay Dexter Cardenas, hepe ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD), patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga biktima na hindi pa niimpormahan ang mga kaanak. Sinabi ni Cardenas, ang mga biktima ay pawang pasahero ng isang traditional passenger jeep …

Read More »

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

041425 Hataw Frontpage

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, pawang menor de edad, sa labas ng kanilang paaralan sa Las Piñas City nitong nakaraang Biyernes, 11 Abril. Kinilala ni P/Col. Sandro Tafalla, Las Piñas City Police chief, ang mga biktimang sina alyas Rye Enzo at alyas Joshua, kapwa 15 anyos, parehong Grade 8 students …

Read More »

Droga, baril, bala nasamsam, 7 law violators tiklo sa Bulacan

Bulacan Police PNP

Sa serye ng pinaigting na anti-criminality operations na isinagawa ng pulisya sa Bulacan, nadakip ang limang drug suspect at dalawa pang may palabag sa batas nitong Sabado, 12 Abril. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bocaue MPS sa Brgy. Wakas, sa bayan …

Read More »

Drug den sinalakay. 5 timbog sa tsongki

Arrest Shabu

ARESTADO ang limang indibidwal na huli sa aktong humihithit ng hinihinalang marijuana nang salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales, nitong Sabado, 12 Abril. Ayon sa PDEA Zambales Provincial Officer, sinalakay nila ang pinaniniwalaang drug den dakong 3:34 ng madaling araw kamakalawa kung saan nila nasakote ang …

Read More »

Camille Villar suportado ng trolls

Great Wall of Camille Villar

NAPAPALIBUTAN ng mga troll supporters o dili kaya’y nilikha ng artificial intelligence (AI) ang mga papuri sa social media kay Las Piñas representative at administration senatorial bet Camille Villar, ayon sa Netizens. Napansin na napakaraming trolls na pare-pareho ang mensahe sa isang post sa Tiktok na bumabatikos sa “Great Wall of Camille Villar” na napuno ng poster ang pader na …

Read More »

FPJ Panday Bayanihan Partylist, top 3 sa pinakahuling survey

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

PATULOY na umaangat ang FPJ Panday Bayanihan Partylist nang pumangatlo ito sa mataas batay  sa pinakahuling  survey na isinagawa ng WR Numero Research nitong 31 Marso – 7 Abril. Lumilitaw sa survey ang pagkopo ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ng 4.7% sumunod Ang Tingog Partylist na 4.5%. Parehong may tiyak na dalawang puwesto sila sa Kongreso sakaling ginanap ang halalan …

Read More »

Gimik ni Imee ‘di bumenta kay Honeylet

Honeylet Avanceña Imee Marcos

HINDI bumenta kay Honeylet Avanceña, ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang imbestigasyon ni Senadora Imee Marcos kaugnay sa pag-turnover sa dating lider ng bansa sa International Criminal Court (ICC). Nang tanungin ng media sa The Hague ukol sa imbestigasyon ni Imee, tinawag ito ni Honeylet na “pa-ekek na lang ‘yon” at sinabing hindi siya naniniwala kay Marcos. “Tanong …

Read More »

TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas matibay na suporta ng gobyerno sa maliliit na negosyo

TRABAHO Partylist nanawagan ng mas matibay na suporta ng gobyerno sa maliliit na negosyo

NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist ng mas pinaigting na suporta mula sa pamahalaan para sa mga maliliit na negosyo, kasunod ng panawagan mula sa mga mambabatas at lider ng industriya na bigyang-prayoridad ang tulong para sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs). Ayon sa mga mambabatas at kinatawan ng sektor ng negosyo, kailangang tutukan ng pamahalaan ang MSMEs na itinuturing na …

Read More »

Kahit nasa winning circle ayon sa surveys  
Pamilya Ko Partylist, mas pinaigting pa kampanya nationwide

Atty Anel Diaz Pamilya Ko Partylist

SA KABILA ng resulta ng research surveys na nagpapakita na nasa “winning circle” na ang Pamilya Ko Partylist (PKP), walang plano ang grupo na magpakakampante sa pangangampanya lalo’t painit nang painit ang nalalapit na halalan. Ayon kay Atty. Anel Diaz, ang 1st nominee ng PKP, lalong pinasigla ng resulta ng mga surveys ang kanilang grupo kaya’t puspusan na ang ginagawa …

Read More »

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

Pilita Corrales

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na si Pilita Corrales sa edad 85. Ibinahagi ng apong si Janine Gutierrez sa kanyang Instagram page ang pagpanaw ng mahusay na singer kasabay ang paghiling ng dasal sa kaluluwa ng kanilang lola. “It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, …

Read More »

Campaign funds ni Rep. Zamora, ‘iniyabang’ ni Abby sa Taguig

Taguig

LANTARANG ipinagyabang ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘limpak-limpak’ na campaign funds ni incumbent Rep. Pammy Zamora sa ginanap na campaign sorties nito sa CEMBO, Taguig City na tila ipinang-aakit ng boto para sa kanilang kandidatura. Sa ginanap na campaign rally sa CEMBO, Taguig City, sinabi ni Mayor Abby na kaya may lakas nang loob siyang humarap sa taga-Taguig, dahil …

Read More »

Carlo Aguilar, nais itaas sa ₱50K-health benefits ng kalipikadong Las Piñeros sa Green Card Program

Carlo Aguilar

NANAWAGAN si Las Piñas City mayoral candidate Carlo Aguilar ng malaking upgrade sa programang pangkalusugan ng lungsod, simula sa panukalang itaas ang taunang medical benefit ng Green Card mula ₱30,000 tungong ₱50,000 kada miyembro ng pamilya, at palawakin ang libreng serbisyo sa gamot sa lahat ng barangay health centers. Ayon kay Aguilar, ang pinahusay na Green Card program na kanyang …

Read More »

Rep. Mitch Cajayon-Uy waging kongresista sa Caloocan District 2 — OCTA Research

Mitch Cajayon-Uy

NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Caloocan City si Incumbent Representative Mitch Cajayon Uy. Sa tanong na kung ang eleksyon ng Mayo 2025 ay isasagawa ngayon at ang mga sumusunod na indibidwal ay kandidato sa pagka-CONGRESSMAN/WOMAN NG DISTRICT 2 NG CALOOCAN CITY, sino po sa kanila ang inyong iboboto? …

Read More »