MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa lungsod Quezon, nitong Linggo, 14 Abril.

Nabatid na ang bumigay na poste ay ang nakaangat na turn-back guideway o ang riles kung saan puwedeng makapag-U-turn ang mga tren.

Walang naiulat na nasaktan at walang kotseng napinsala sa insidenteng naganap dakong 3:30 ng hapon kamakalawa.

Samantala, ilang electrical wire ang napinsala dahil sa pagbagsak ng poste.

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng pahayag ang contractor kaugnay sa insidente.