Wednesday , April 23 2025
BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan ng Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone (MS-FTEZ), ang opisyal na pagpapakilala ng bagong gawang Underground Museum sa Mt. Samat National Shrine. Ito ay bahagi ng paggunita ng ika-83 taon ng Araw ng Kagitingan.

Pinangunahan ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang pagbisita sa Bataan Legacy Underground Museum noong Abril 9, 2025—isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili at pagsariwa ng ating pambansang kasaysayan.

Itinayo noong Abril 9, 1970 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ang Mt. Samat Shrine na patuloy na sumisimbolo sa kabayanihan ng mga sundalong Filipino. 

Sa ilalim ng MS-FTEZ ng TIEZA, binigyang-buhay ang makasaysayang museong ito gamit ang makabagong teknolohiya para mas mailapit ang kasaysayan sa bawat bisita.

Sa bagong mukha ng museo, tampok ang siyam (9) na konektadong exhibit tulad ng Bataan as a BattlefieldWar HeroesThe Fall of Bataan, at Heroism in Bataan. May mga interactive displays, virtual at augmented reality, holographic visuals, at iba pang makabago at nakae-engganyong teknolohiya para sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng World War II at kabayanihan ng mga Filipino.

Ayon kay Atty. Francis Theodore Initorio, MS-FTEZ Administrator, “Hindi lamang ito simpleng kuwento ng kasaysayan—ito ay muling paggising sa ating pambansang kamalayan.”

Magbubukas muli ang museo sa publiko sa Hunyo 2025.

Samantala, bilang parte pa rin ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week, nakilahok ang TIEZA – MS-FTEZ sa makulay na Parada ng Kagitingan noong Abril 8, 2025 kasama ang mga entry mula sa apat na distrito ng Bataan.

Inihahanda rin ng TIEZA ang Faces of Valor Photo Exhibit sa University of Santo Tomas (UST) mula Abril 23–30. Itatampok dito ang mga beteranong tumanggap o nominado sa Congressional Gold Medal bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo para sa bayan. Layunin ng exhibit na palalimin ang diwa ng pagkamakabayan sa mga Filipino at dayuhang bisita.

 Sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad at proyektong ito, pinatutunayan ng TIEZA ang kanilang matibay na pangakong alagaan ang ating kasaysayan habang pinauunlad ang karanasan ng mga turista—ngayon at sa hinaharap.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sam Verzosa

3-k ni SV sagot sa kahirapan ng Maynila 

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBO bilang mayor ng Maynila, tinanong si Sam Verzosa o SV, kung ano …

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

Ian de Leon Nora Aunor

Ian ibinahagi huling mensahe ng ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ian de Leon sa panayam sa kanya ng 24 Oras, acute respiratory …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …