Tuesday , April 29 2025
AC Bonifacio Harvey Bautista Michael Sager

AC umaming nagselos ang BF na si Harvey kay Michael 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INAMIN ni AC Bonifacio na nagselos ang kanyang boyfriend na si Harvey Bautista kay Michael Sager.

Ang pag-amin ng Kapamilya artist ay naganap sa Star Magic Spotlight mediacon na ginanap

sa Coffee Project, Will Tower, Quezon City.

Ani AC bagamat nagselos ang kanyang boyfriend, okey na okey naman sila at imposibleng masira ang magandang relasyon nila.

Inintriga si AC dahil sa bonding moments nila at sinasabing kilig na kasama si Michael sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition bago ma-evict ang actress-dancer.

“Okay kami. Nagulat ako when people go up to me, ‘di ko alam naging issue pala ‘yun sa labas. Me and Harvey are totally good, if anything, we have gotten stronger,” paniniyak ng dalaga at sinabing nag-usap sila agad ni Harvey nang lumabas siya sa PBB

Sa kanilang pag-uusap inamin ng aktor na OA ang reaksiyon niya.

The time apart and time not having communication made us stronger individually. Now we are back together, we are so much stronger,” giit pa ni AC.

“The tags, the shipping, the comments, it can get to you. When you are no able to communicate, iba mabi-believe. But he is okay, he realized after we talked about it ‘Sorry, ang OA ko pala.’


“May factor nagselos. Ako rin naman nagseselos, pero communication. Communication fixes everything,” 
paliwanag pa

ni AC.

Hindi naman pala itinago ni AC ang pagkakaroon ng BF habang nasa PBB siya.

Like with Darren (Espanto, kaiibigan niya), walang malisya. I clarified so many times I have Harvey. May dyowa ako, me and Michael, I would tell him all the time, you are like Darren, my Canadian buddy.

“Iba kasi ‘yung feeling if connected to home, I know the things I say…he won’t take it in a different way. He made me feel like home. We are both from Vancouver. Harvey understood that and we have been good since then,” dagdag pa.

Maging sila ni Bianca de Vera, ex ni Harvey, ay okey din.

It was just that conversation and then done. We got to spend two weeks together. I sleep beside her, she was the one I say good morning to first. Nagde-debrief pa kami everyday,” pagbabahagi pa ni AC.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Nora Aunor Judy Ann Santos

Judy Ann at Nadine feel ng netizens na gumanap bilang Nora Aunor

MATABILni John Fontanilla NANGUNS sina Nadine Lustre, Judy Ann Santos, at Alessandra De Rossi sa mga nanguna sa isinagawang …

Alynna Velasquez Hajji Alejandro

Alynna ‘di nasaksihan lamay, libing ni Hajji

I-FLEXni Jun Nardo ANG labi na lang ng OPM icon na si Hajji Alejandro ang hindi pa …

Michael Sager Jillian Ward

Jillian idinepensa pagka-evict ni Michael sa Bahay ni Kuya 

I-FLEXni Jun Nardo MAIKSI ang buhay nina Michael Sager at Emilio Daez sa Bahay ni Kuya. Silang dalawa ang …

Cristine Reyes Marco Gumabao

Ogie isiniwalat Cristine-Marco hiwalay na

MA at PAni Rommel Placente SA latest episode ng kanyang vlog na Showbiz Update, ibinahagi ni Ogie …

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …