KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na si Pilita Corrales sa edad 85.
Ibinahagi ng apong si Janine Gutierrez sa kanyang Instagram page ang pagpanaw ng mahusay na singer kasabay ang paghiling ng dasal sa kaluluwa ng kanilang lola.
“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, Pilita Corrales.
“Pilita touched the lives of many, not only with her songs but also with her kindness and generosity.
“She will be remembered for her contributions to the entertainment industry, but most of all for her love of life and family.
“Please join us with your prayers and kind thoughts as we celebrate her beautiful life.
“Further details regarding memorial services will be shared soon,” post ni Janine.
Wala namang binanggit kung ano ang ikinamatay ng kanyang pinakamamahal na lola.
Si Pilita ay matatandaan sa kanyang mga classic hit na A Million Thanks To You at Kapantay ay Langit.
Ilan naman sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Pa-Bandying Bandying (1968), Miss Wawaw(1969), at sa telebisyon ay ang
Kapuso sitcom na Lagot ka, Isusumbong Kita (GMA-7).
Si Pilita ay ina ng aktres na Jackie Lou Blanco at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez.
Ang taos pusong pakikiramay ng aming pahayagan sa pamilya ni Ms Pilita.