Friday , January 28 2022

News

Premyadong sharpshooter timbog sa baril at bala (PRO3 PNP vs loose firearms)

gun ban

NALAMBAT sa police operations ang isang premyadong sharpshooter sa pag-iingat ng bultong iba’t ibang mga bala at baril sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad nitong Huwebes, 18 Pebrero, sa kanyang tahanan sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga sa pinaiigting na kampanya kontra loose firearms ng PRO3-PNP. Ayon kay P/BGen. Valeriano de Leon, isinilbi ang search warrant (SW) ng mga …

Read More »

Kasong kriminal vs MVP, Meralco (Dahil sa ‘bills shock’)

electricity meralco

MALALAGAY sa hot water ang matataas na opisyal ng Manila Electric Company (Meralco) sa oras na katigan ng Office of the City Prosecutor – Bacoor City, ang reklamong kriminal ng isang betera­nong newsman kaugnay ng tinaguriang ‘bills shock’ na gumulantang sa bansa dahil sa biglaang pagtaas ng singil sa koryente habang nasa ilalim ng community quarantine ang bansa bunsod ng …

Read More »

Rider todas sa pick-up (Motorsiklo vs Ford Ranger)

HINDI nakaligtas sa kamatyan ang isang 32-anyos rider matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang  si Paul Michael Abalaza, residente sa Capaz St., 10th Avenue, Brgy. 63 ng nasabing lungsod sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Kusang-loob …

Read More »

Ginang, huli sa cara y cruz plus shabu

arrest prison

BALIK-KULUNGAN ang isang 45-anyos ginang na nakuhaan ng ilegal na droga nang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni P/SSgt. Carlos Irasquin, Jr., kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6:00 pm, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, …

Read More »

Obrero kulong sa P272K droga

shabu drug arrest

SHOOT sa kulungan ang isang 52-anyos construction worker matapos makuhaan ng P272,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan City Police chief. Col. Samuel Mina, Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa illegal …

Read More »

Caloocan, utility companies nag-dialogo sa pag-aayos ng mga kable

NAGKAROON ng dialogo ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa utility companies hinggil sa pagsasaayos ng mga kable ng koyente sa lungsod. Sa direktiba ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ang dialogo ay isinagawa sa layuning maging kaagapay ang utility companies sa pag­sa­saayos ng pamahalaang lungsod sa mga nakalaylay at mga sala-salaba na kable. “Nais po natin matiyak ang seguridad ng mga …

Read More »

Ama, 4 bata patay sa sunog sa Parola

LIMA katao ang namatay habang limang iba pa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa tinatayang 300 bahay sa Area F, Gate 20, Parola Compound, Tondo, Maynila. Nabatid na ang mga namatay na biktima ay kinabibilangan ng ama at apat na anak na lalaki, kinilalang sina Jake Loyola, 37 anyos, ama, at may-ari ng bahay; mga anak na sina Noah …

Read More »

NCRPO cops binengga (‘Alalay ni Bolta’ namamayagpag sa PNP)

GINAWANG “ping pong ball” ng isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Camp Crame ang ilang pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon sa mga impormante ng HATAW D’yaryo ng Bayan, demoralisado ang ilang pulis sa NCRPO dahil sa isang alyas ‘alalay ni Bolta’ na pinaghihigantihan ang mga nakaaalam ng kanyang ‘baho.’ Anila, …

Read More »

Wala nang duda: Bongbong Marcos, talunan — VP Leni

HATAW News Team TALO na nga, pero patuloy pa rin sa panloloko si Bongbong Marcos. Matapos pagtibayin ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagkapanalo ng katunggaling si Vice President Leni Robredo noong 2016 elections, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng kampo ni Marcos ng kasinu­ngalingan. Palabas ng kampo ni Marcos, bahagi lamang ng kaniyang election protest ang dinesisyonan ng korte. …

Read More »

DITO Telecom inisyuhan ng Notice of Violation ng lungsod ng Bacolod

NAGPALABAS ang Office of Building Official ng Bacolod City ng 1st Notice of Violation laban sa DITO Telecommunity Corporation dahil sa sinabing illegal construction ng cell site sa Purok Himaya, Barangay Alijis sa naturang lungsod. Sa nasabing notice na inisyu noong 16 Pebero 2021, sinabi ni Engr. Nestor Velez, acting department head ng Office of Building Official, lumabag ang DITO, …

Read More »

P.6-M monggo at sibuyas tinangay ng driver at pahinante

TINANGAY ng driver at ng kanyang pahinante ang mahigit P600,000 halaga ng kanilang kargamentong monggo at sibuyas na dapat ay dinala sa isang buyer sa Malabon City. Pinaghahanap ang mga suspek na kinilalang sina Marvin Enano, 24 anyos, driver ng truck; at Khen Palajos, pahinante, kapwa residente sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, nang hindi nakarating ang sako-sakong monggo ganoon …

Read More »

Local Price Coordinating Council ng Las Piñas LGU patuloy sa pag-iinspeksiyon

PATULOY ang isinasaga­wang sorpresang inspek­siyon at price monitoring ng Local Price Coordinating Council ng Las Piñas city government, sa iba’t ibang supermarket, pamilihang bayan, at talipapa sa lungsod. Kabilang sa mga iniinspeksiyon at imino-monitor ang mga presyo at supply ng mga pangunahing bilihin sa SM Center, SM Hypermarket, Puregold, Vista Mall, Zapote Market, Daniel Fajardo Flea Market, at mga talipapa …

Read More »

Akusadong rapist ng dalagita timbog (Sa SJDM City, Bulacan)

MATAPOS ang matagal na panahong pagtatago sa batas, nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaking gumahasa sa isang menor de edad sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 16 Pebrero. Kinilala ang naarestong suspek na si John Alma, Jr., 42 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Minuyan II, sa naturang lungsod. Nadakip ang suspek …

Read More »

21 mangingisda ‘dinakip’ sa illegal fishing

ARESTADO ang 21 mangingisda sa pina­tinding pagpapatupad ng anti-illegal fishing operation ng pulisya sa mga bayan ng Bulakan, Paombong at Obando, sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 17 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, unang naglatag ng operasyon ang Paombong MPS katuwang ang Bulacan Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na …

Read More »

Traffic enforcer sa Munti itinumba (P.2-M pabuya vs assasin)

MARIING kinondena nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Rep. Ruffy Biazon ang walang-awang pagpatay sa isang traffic enforcer na binaril sa ulo ng isang hindi kilalang suspek na naganap kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod. Dead on-the spot dahil sa isang tama ng bala sa likod  ang biktimang si Daniel “Utoy” Manalo, 39 anyos, supervisor at miyembro ng Muntinlupa …

Read More »

Probe vs fraud sa credit card, online bank transactions isinusulong sa Senado

MAGSASAGAWA ang Senado ng imbestiga­syon hinggil sa mga mapanlinlang at hindi awtorisadong paggamit ng credit card at iba pang online trabsactions sa banko. Ayon kay Senador Win Gatchalian, kaila­ngan busisiin ang mga kakulangan sa batas na dapat ay nagbibigay proteksiyon sa mga konsumer laban sa mga kawatan. “Mula noong ibi­nun­yag natin ang pambibiktima sa aking credit card hanggang ngayon ay …

Read More »

Resbak ni Lacson binuweltahan ng Palasyo

PUWEDENG ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte anomang oras ang Visiting Forces Agreement (VFA). Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang sagot sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na kailangan katigan ng Senado bago ipawalang bis ani Duterte ang VFA. Hindi na aniya kailangan humingi ng permiso ang Pangulo sa Senado kapag nagpa­syang tuldukan ang military pact sa Amerika. “Ang …

Read More »

Indemnification agreement nilagdaan ng PH sa Pfizer at Astrazeneca

KINOMPIRMA ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na lumagda sa indemnification agreement ang Filipinas sa pharmaceutical companies na Pfizer at AstraZeneca. Ito’y bahagi ng requirement para mai-deliver sa bansa ang mga bakuna kontra CoVid-19 mula sa COVAX global facility. “Para sa pinaka­bagong balita tungkol sa COVAX facility, ang una po nakapirma na po at naisumite na po natin ang mga …

Read More »

Mayor Oca naghain ng cyber-libel vs 5 konsehal (‘Fake news’ insulto sa proyekto)

HATAW News Team GERA na ito. Tila inihuhudyat ng paghahain kahapon ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ng kasong cyber-libel ang gera laban sa limang miyembro ng Caloocan City Council dahil sa malisyoso at paulit-ulit na pagkutya sa proyekto ng pama­halaang lungsod tungkol sa digital tablet para sa mga mag-aaral ng Grade 9-12 sa mga pam­publikong paaralan ng syudad. Isinampa ni …

Read More »

RD Danao bumisita sa MPD HQ

MAINIT na sinalubong ng mga pulis sa Manila Police District (MPD) si NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa isinagawang command visit kasama ang kanyang command group sa MPD Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila. Sa pagbisita ni RD MGen. Danao, muli niyang ipinaalala sa mga pulis Maynila ang kanyang mahigpit na polisiya na nagbabawal sa ‘lubog’ o pulis …

Read More »

Digong maangas vs US, bahag-buntot sa China (Pabago-bago ng isip sa foreign policy)

HATAW News Team POSTORANG galit sa Amerika si Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw makaraang aminin na hindi niya kayang batikusin ang panga­ngamkam ng China sa mga teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, ginagawang military base ng US ang Subic, iniimbakan ng mga armas at planong gawing outpost …

Read More »