RESPONSABLENG serbisyo ang ipinapakitang liderato ng More Electric and Power Corporation (MORE Power) sa gitna ng tumataas na presyo ng koryente sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan.
Simula noong 2020, naging katuwang sa mabilis na pag-unlad ng Iloilo City ang MORE Power—hindi lamang sa pagbibigay ng koryente, kundi pati sa pagtataguyod ng kaligtasan, abot kayang serbisyo, at pangangalaga sa kalikasan.
Namumukod-tangi ang MORE Power sa pagbibigay ng pinakamababang presyo ng koryente sa Western Visayas na nasa P11.3263 kada kilowatt-hour.
Ang mababang presyo ng koryente na naibibigay ng MORE Power dahil sa kanilang long-term power contracts, sa pamamagitan ng pagpasok sa maayos na kontrata ay naibaba ang presyo ng generation charge.
Umaabot sa 60% ang generation charge sa ating electric bill.
Bukod sa presyo, binibigyang halaga rin ng MORE Power ang kaligtasan ng kanilang empleyado at komunidad.
Kasama ang kompanya sa Safety Organization of the Philippines, Inc. (SOPI), na nagsusulong ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho.
“This membership in SOPI is a testament to MORE Power’s unwavering commitment to safety, health and environmental protection. We are proud to join this esteemed organization and contribute to its mission of promoting a culture of safety across the Philippines,” pahayag ni MORE Power President Roel Castro.
Sa pagtatapos ng 2024, naitala nito ang 1.9 milyon safe man-hours bilang patunay sa kanilang dedikasyon sa kaligtasan.
Nakatutok din ang MORE Power sa kalikasan at green initiatives.
Kamakailan, nagsagawa ang MORE Power ng coastal cleanup at mangrove planting sa Barangay Hinactacan, nasa 200 mangrove saplings ang naitanim na bahagi ng kanilang layuning magtanim ng 10,000 puno at mangrove sa buong Iloilo.
Sa kasalukuyan ay nasa 1,000 mangroves at 9,500 puno na ang naitanim ng MORE Power.
Ayon kay Castro, ang mga green projects ay patunay ng kanilang malasakit sa kalikasan at responsibilidad bilang electric provider ng kompanya.
“This mangrove planting is a part of our ongoing commitment to environmental sustainability and reflects our integrated approach to create cleaner, greener Iloilo City. By investing in these green initiatives, we are demonstrating our dedication to being responsible stewards of the environment,” paliwanag ni Castro.
Ipinapakita ng MORE Power na maaaring pagsamahin ang kaligtasan, abot kayang presyo ng koryente, at pangangalaga sa kalikasan habang sumusuporta sa pag-unlad ng Iloilo City. (30)