Thursday , June 4 2026
Robin Padilla MTRCB DGPI

Sen Robin ipinagtanggol Senate Bill No 2805: hindi ito pagsakal sa malikhaing damdamin 

HINDI ito tungkol sa pagbabawal — ito ay tungkol sa pag-aalaga.” Ito ang iginiit ni Senador Robin Padilla bilang tugon sa pahayag ng Directors’ Guild of the Philippines ukol sa kanyang Senate Bill No 2805 o ang pagpapalakas at pagpapalawig ng karapatan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kahapon, sinabi ni Sen Robin na ang SB 2805 ay hindi nagpapataw ng pagbabawal o  magdidikta kung ano ang dapat likhain o hindi. Layunin ng panukala na palakasin ang kakayahan ng MTRCB na maglabas ng guidance at classification kahit sa digital platforms. Kagaya ng ginagawa nila sa telebisyon at sinehan.


Iginiit din ng senador na hindi sinasakal ang malikhaing damdamin. Hindi rin ito hadlang sa sining bagku katuwang sa pagpapatatag ng industriya.

Katwiran pa ng senador, marami sa mga magulang ang hindi sapat ang kaalaman o panahon para bantayan ang mga pinanonood ng anak nila online. 

“Naiintindihan ko po ang takot na baka ito’y magamit laban sa mga mapangahas na proyekto o sa mga pelikulang pumupuna sa sistema. Ngunit tayo rin po sa Senado ay naninindigan na ang SB 2805 ay hindi maaaring gamitin bilang kasangkapan ng panunupil.

“Wala pong sinasabi ang batas na ito na pipigilan ang political films, ang pagsiwalat ng katotohanan, o ang paglalahad ng masalimuot na realidad. Ang sinasabi lamang natin: lahat ng content, mapa-telebisyon man o online, ay kailangang may tamang gabay at kategorya.”

Idinagdag pa ni Sen Robin na ang SB 2805 ay hindi perpekto. “Ngunit ang prinsipyo ay buo: may pananagutan ang estado na tiyaking ligtas, makabuluhan, at may direksyong moral ang content na lumalaganap, lalo sa online platforms na papasok sa saklaw ng batas.”

Dahil dito inaanyayahan ni Sen. Robin ang DGPI at iba pa na makilahok sa isang talakayan.

Hinihikayat ko ang DGPI, at iba pang mga stakeholders na makilahok sa talakayan at magbigay ng kanilang saloobin ukol sa naaayon na proseso ng implementasyon—mula sa mga pamantayang gagamitin hanggang sa monitoring, at edukasyon sa industriya.

“Para ito sa pamilyang Filipino.”

Iginiit pa ng senador na ang SB 2805 ay hindi laban sa sining at hindi rin laban sa mga direktor.

“Sa katunayan, ito po ay panukala na isinulong dahil gusto natin protektahan ang pamilya, ang kabataan, at ang ating kultura. Huwag po nating ihiwalay ang sining sa lipunang kinabibilangan nito.

“Kapag may disiplina at gabay, lalong nagiging makapangyarihan ang sining.

“Kaya’t muli, nagpapasalamat ako sa DGPI at sa mga magalang na tumututol. Hindi ito pagtatapos ng pag-uusap—ito po ay paanyaya na magtulungan tayo para hanapin ang balanse. Kalayaan na may pananagutan. Sining na may layunin. Regulasyon na makatarungan,” wika pa ni Sen. Robin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …