Thursday , June 25 2026
Jess Martinez Rams David

Sikat na influencer mas piniling umarte 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMING celebrities ngayon, showbiz personalities, na gusto ring maging influencer, pero si Jess Martinez, baligtad.

Mula sa pagiging isang social media influencer, pinasok niya ang showbiz.

Aniya, “Kasi po, I’m not for fame. ‘Yung gusto ko sa showbiz, I get to express my emotions.

“‘Yung acting po ‘yung gusto ko roon, about ‘yung naipakikita ko ‘yung iba’t ibang personality ko and at the same time, mas napu-push ako.

“Kasi when it comes to being an influencer, it’s routine-based po eh, parang ito ng ito ‘yung ginagawa ko and what I love about being in showbiz is, iba’t ibang characters siya. So, mas nahahasa ako as a person.”

Tatlong major roles na ang nagampanan ni Jess bilang aktres. Sa Pepito Manaloto,  Regal Studios at Abot Kamay Na Pangarap, lahat ay sa GMA.

Talent si Jess ni Rams David ng Artist Circle Management na nasa bakuran ding ito sina Sheryl Cruz, Celia Rodriguez, Mosang, Dang Cruz, at Shyr Valdez na discoverer ni Jess.  

Ipinanganak si Jess sa Cotabato City at lumaki sa Davao City.

“Then we moved here [Manila]… well, nabili ‘yung house around 2017 or 2018, but I moved here around 2020, like ‘yung hindi na ako umuwi talaga.”

Mula sa nakaririwasang pamilya, bilang isang rich girl ay hindi na kailangang magtrabaho ni Jess, pero bakit talagang gusto niyang mag-showbiz?

“Gusto ko talaga ‘yung… kasi when I did workshops po, out of curiosity lang talaga iyon noong una.

“Sabi ko, I wanna do something else, kasi parang paulit-ulit na rin ‘yung ginagawa ko in my daily life, nagde-dress-up, wake up, parang princess, sabi ko I wanna do something else.

“So I tried doing acting workshops and doon ko na-feel na parang, ‘Oh this is what I’ve been looking for in my life!’ “Something new, something na I could express myself.”

Pero bago mag-artista, mahiyain talaga si Jess to the point na kahit sa eskuwelahan ay hindi siya sumubok sa acting.

No, actually, mahiyain po talaga ako. Like, aral-bahay, ganoon lang po ‘yung ginagawa ko.”

So mala-Disney princess lang siya dati?

“As a Disney… Ha! Ha! Ha! Kasi rin po, hatid-sundo ako and then, may bodyguard po nakaantay sa akin, so hindi ako makagala masyado.”

Soon ay mapapanood si Jess sa Sanggang-Dikit FR nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …