Thursday , June 4 2026

Sue Ramirez umaming may crush kay JM De Guzman

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ni Sue Ramirez sa ginanap na mediacon/premiere night ng Lasting Moments na ginanap  sa SM Megamall na noong kabataan niya ay naging crush niya si JM De Guzman.

Nagkasama na ang dalawa sa Kapamilya serye na  Mula sa Puso  noong 2010 na magkapatid ang kanilang role na ginampanan.

At nuoong mga time na ‘yun ay kuya pa ang tawag ni Sue kay JM. Pero this time ay magkarelasyon ang role nila sa Passion 5 Studio’s film na  Lasting Moments na idinirehe ni Fifth Solomon.

Wala namang ilangan kina Sue and JM kahit na nga mayron silang lovescene dahil pareho silang professional pagdating sa trabaho.

Kuwento nga ni Sue na binabasa pa lang niya ang script ay naiiyak na siya sa ganda ng story nito at ito na nga ang pinakamabigat na drama na nagawa niya.

 “Ito na ‘yung pinakamabigat na drama na ginawa ko,” na mas naka-challenge sa galing niyang umarte.

Kahit nga kami ay ‘di naiwasang lumuha sa ganda ng istorya, tagos sa puso na mga linyang binitawan nina Sue at JM at ang napaka-husay at very realistic na acting nila  bilang Pia at Aki.

Kaya naman sa July 30, ‘wag kalimutang panoorin sa inyong paboritong cinema ang Lasting Moments.

Makakasama nina JM at Sue sa movie sina Wendy Villacorta, Kych Minemoto, Tommy Alejandrino, Vic Silayan atbp.. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …