Friday , November 22 2024

News

NBI pinuri ng Palasyo sa liquid ecstacy raid

PINURI ng Malacañang ang NBI sa matagumpay na operasyon laban sa sindikato ng illegal drugs na gumagawa at nagbebenta ng “date rape drug” o liquid ecstacy sa Mandaluyong City. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang matagumpay na operasyon ng mga kagawad ng NBI ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng pamahalaan na malansag ang iba’t ibang grupo at indibidwal na …

Read More »

Ginang patay sa tusok ng metal fence (Sa anti-drug raid)

CEBU CITY – Nagmistulang barbecue ang isang ginang nang matusok ang katawan sa matulis na kabilya na ginawang metal fence sa gitna ng anti-drug raid sa Sitio Mahayay, Brgy. Calamba, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Maria Lisa Diaz, live-in partner ng suspek na target sa police operation. Tumalon si Diaz mula sa bubong upang hindi mahuli …

Read More »

Kotse niratrat 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City. Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio …

Read More »

2 kelot itinumba sa P’que City

  PATAY ang dalawang lalaki makaraan tadtarin ng bala mula sa kalibre .45 baril kahapon ng madaling-araw sa Paranaque City. Namatay noon din sina Bernard Mortalla, 24, at Christian Podasas, 21, kapwa walang trabaho at residente ng Manalili St., Purok 3, Brgy. Central Bicutan, Taguig City. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan …

Read More »

Kaso ng Pinay na bibitayin idinulog sa int’l org

DUMULOG ang militanteng grupong Gabriela sa isang international organization para mailigtas ang Filipina na nasa death row sa Indonesia. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, nagpadala na sila ng liham sa Women in Parliaments Global Forum (WIP). Hiling nila sa mga kababaihang mambabatas na makiisa sa pakiusap kay Indonesian President Joko Widodo para bigyan ng clemency ang Filipina …

Read More »

Negosyante arestado sa investment scam  

ARESTADO sa pulisya ang isang 54-anyos negosyanteng babae na wanted sa serye ng kasong estafa, kamakalawa ng hapon sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruby Calub, alyas Ruby Epifania Calub, tubong Mindoro Oriental, at nakatira sa Block 4, Lot 6, Rd. 3, Theresa Subd., Brgy. Pilar, Las Piñas City. Naaresto si Calub …

Read More »

Kahit may Bataan nuclear power plant power crisis posible pa rin

WALA pa ring katiyakan na hindi na magkakaroon pa ng krisis sa koryente ang Filipinas sakaling maaprubahan ang operasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Ito ang naging pag-amin ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla makaraan ang pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan. Paliwanag ng kalihim, batay sa kanyang computations, aabot lamang sa 30 sentimos ang ibababa sa singil …

Read More »

Serye ng food poisoning iimbestigahan ng Senado (Nagbebenta ng milk tea ininspeksiyon)

BUBUSISIIN na rin ng Senado ang food posining mula sa milk tea na ikinamatay ng dalawa katao sa lungsod ng Maynila. Inihain ni Sen. Koko Pimentel ang Senate Resolution No. 1273 para imbestigahan ang nangyayaring food poisoning sa bansa. Ayon kay Pimentel, naka-aalarma ang serye ng food poisoning lalo’t mayroon nang namatay. Bukod sa Maynila, tinukoy rin ni Pimentel ang …

Read More »

Padyak driver todas sa bala

PATAY ang isang padyak driver makaraan barilin ng isa sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo habang nakatambay malapit sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Rogin Belo, alyas Moymoy, 20, residente ng 41 Estanyo St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang apat hindi nakilalang mga suspek …

Read More »

Filing ng ITR pasimplehan — Angara

NANAWAGAN si Sen. Sonny Angara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na padaliin ang proseso ng paghahain ng income tax returns (ITR). Giit ng chairman ng Senate Commitee on Ways and Means, marami pa rin ang nahihirapan sa pagbabayad ng buwis gamit ang Electronic Filing and Payment System (eFPS). Bukod aniya sa technical glitches sa BIR website, hindi rin pamilyar …

Read More »

Plunder vs ex-Puerto Princesa mayor (Cebu mayor, treasurer, kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan)

KASALUKUYANG nahaharap sa kasong pandarambong si dating Puerto Princesa city mayor Edward Hagedorn at dalawang iba pa. Ang kaso ay inihain nila Rodrigo Saucelo, Wilfredo Rama at Antonio Lagrada sa Office of the Ombudsman noong April 7, 2015 sa Office of the Ombudsman. Inireklamo si Hagedorn ng paglustay sa mahigit P65M; ang kauna-unahang lokal na opisyal na ipinagharap ng plunder …

Read More »

Pichay, Gatchalians, 20 pa kinasuhan sa Sandiganbayan

NAKAKITA ng probable cause si Ombudsman Conchita Carpio Morales para idiin ang mga dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at Express Savings Bank Inc. (ESBI) kaugnay ng pinasok nilang deal noong 2009. Kabilang sa mga kinasuhan sa Sandiganbayan sina dating LWUA chief Prospero Pichay Jr., Eduardo Bangayan, …

Read More »

Zambales Festival ni Ebdane dinayo

UMARANGKADA at dinumog ng mga turista ang pagsisimula ng “Dinamulag Festival 2015” na pinangunahan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr., sa Iba, Zambales bilang pagtatampok sa kanilang ipinagmamalaking bunga na kinilala ng Guinness World Record bilang “pinakamatamis na mangga sa buong mundo.” Naggagandahang mga mananayaw, may hawak na tray na naglalaman ng mga mangga ang bumungad at nagsibati sa lahat …

Read More »

Espina nagbitiw bilang PNP OIC

NAPAULAT na nagbitiw na bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police si Deputy Director General Leonardo Espina. Ito’y batay sa ilang sources sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa mga source, isinumite ni Espina ang resignation letter kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngunit hindi pa raw tinatanggap ng commander-in-chief. Ngunit ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Generoso Cerbo, walang …

Read More »

Napoles naibiyahe na sa Correctional  

NAILIPAT na si Janet Lim-Napoles sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City mula sa Camp Bagong Diwa, Taguig City pasado 1 a.m. kahapon. Isinakay ang tinaguriang pork barrel scam queen sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) armored service vehicle. Una rito, dinala ng Sandiganbayan sheriff ang commitment order kay Napoles. Ayon kay BJMP Metro Manila public information …

Read More »

Dalagita niluray ng manliligaw  

NAGA CITY – Arestado ang isang 18-anyos binatilyo makaraan halayin ang 17-anyos dalagitang kanyang nililigawan sa Candelaria, Quezon. Kinilala ang suspek na si Ernesto Morales ng nasabing bayan. Nabatid na nanonood ng basketball ang biktima kasama ang isa niyang kaibigang lalaki nang biglang makita sila ng suspek na tiningnan sila nang masama. Nabatid na nanliligaw ang suspek sa biktima at …

Read More »

Call center agent tumalon mula 4/f, patay

BAGUIO CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 33-anyos babaeng call center agent makaraan tumalon mula sa ika-apat na palapag ng library building ng Saint Louis University sa Lungsod ng Baguio kamakalawa ng gabi. Ang hindi pa pinangalanang biktima ay 33-anyos, nagtapos ng kursong Education sa nasabing unibersidad, at nagtatrabaho bilang call center agent sa City …

Read More »

Waste materials mula Taiwan itinatambak sa Ilocos Port

LAOAG CITY – Iniimbestigahan na ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang waste materials na itinatambak sa isang port sa pagitan ng bayan ng Currimao at Badoc na sinasabing inaangkat ng isang kompanya mula sa Taiwan. Nangangamba ang mga residente sa mga nasabing bayan na maaaring kontaminado ang naturang waste materials at posibleng magdulot nang masamang epekto sa kalusugan ng …

Read More »

Pangalan ni Iqbal inilantad ni Cayetano (Nakatala sa court at school records)    

INILANTAD nitong Huwebes ni Senador Alan Cayetano ang aniya’y tunay na pangalan ni Mohagher Iqbal sa pamamagitan ng ipinakita niyang mga dokumento. “Ang tunay niyang pangalan ay Datucan M. Abas,” sabi ng senador. Ito aniya ang makikita sa DILG circular na naglalaman ng safe conduct pass o pag-aalis ng arrest warrant. Makikita rin aniya ito sa records ng Manuel L. …

Read More »

Correctional ‘Welcome’ kay Napoles (Kahit ‘congested’ na)

NAKAHANDA na ang Correctional Institution for Women sakaling sa kanila ikulong si Janet Napoles na hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention. Sentensiyang reclusion perpetua o hanggang 40 taon pagkabilanggo ang ipinataw ng Makati Regional Trial Court kay Napoles dahil sa ilegal na pagdetine sa dating empleyado at kamag-anak na si Benhur Luy.  Sa commitment order na inilabas ng korte, …

Read More »

Dagdag-pondo sa LGUs sinopla ni PNoy

SINOPLA ni Pangulong Benigno Aquino III ang hirit ng mga mayor na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas na magtataas ng share ng lokal na pamahalaan sa nakolektang buwis ng national government. Ang “Bigger Pie, Bigger Slice” bill ay may layunin na dagdagan ang shares ng local government units (LGUs) sa national taxes mula sa 40% ay gawing 50% . …

Read More »

P.1-M reward vs killer ni Magsino

MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya si Senate President Pro-tempore Ralph Recto para sa sino mang makapagtuturo sa salarin na pumaslang sa dating journalist na si Mei Magsino sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Recto, ido-donate niya ang naturang halaga sa bubuuing reward pool ng pamahalaan. Iginiit ni Recto, dapat managot at maparusahan ang sino mang nasa likod ng krimen. Hindi aniya …

Read More »

Trike driver tigok sa energy drink

PATAY ang isang 23-anyos tricycle driver makaraan uminom ng energy drink bago sumabak sa paglalaro ng basketball kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Jerome Paraiso, ng Block 6, Tanigue St. kanto ng Labahita St., Dagat-Dagatan, Brgy. 14 ng nasabing lungsod, na-comatose sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ngunit namatay makaraan ang ilang oras. Ayon sa ama …

Read More »

Date-rape drug lab sinalakay (Sa Mandaluyong)

SINALAKAY ng mga awtoridad ang dalawang condo unit sa Mandaluyong City na hinihinalang pagawaan ng ilegal na droga. Tumambad sa National Bureau of Investigation (NBI) ang iba’t ibang uri ng droga at paraphernalia. Natagpuan din ng mga awtoridad sa isa sa mga unit ang sinasabing kitchen laboratory ng date rape drug na Gamma Hydroxybutyrate (GHB). Ayon sa NBI, ang naturang …

Read More »

 “Panaad” ni Roxas may pag-unlad sa Negros Island Region

Kaunlaran ng buong isla ng Negros sa pamamagitan ng ‘ONE Negros’ ang isinulong ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa pagdiriwang ng Panaad Festival sa Bacolod City, Negros Occidental. “Sa pag-unlad, kailangan ang whole of Negros Approach – lahat tayo, sama sama,” ani Roxas. Ayon kay Roxas, inilapit niya sa Pangulong Aquino ang Negros Island Region dahil ang …

Read More »