Sunday , November 24 2024

News

Baril ipinuslit sa LRT kumpiskado, dalawa arestado sa Tondo

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD)ang isang 39-anyos lalaki makaraang madiskubre ng awtoridad ang dala nitong mga baril na nakalagay sa isang box habang papasok sa isang station ng Light Rail Transit(LRT) kahapon ng hapon sa Tondo Maynila. Base sa ulat ni MPD Station 7 commander Supt Jerry Corpuz, dakong 6:45am pumasok sa LRT Blumentritt station ang suspek …

Read More »

Journalist hinarang sa Palasyo (NUJP umalma)

KINOMPIRMA ni Communications Undersecretary for Media Relations Mia Reyes na ban sa presidential coverage si Rappler reporter Pia Ranada. Sa chance interview sa Palasyo kahapon, sinabi ni Reyes na nakatanggap sila ng direktiba mula sa Presidential Security Group (PSG) na hindi na maaaring papasukin si Ranada sa Malacañang at iba pang presidential engagements sa labas ng Palasyo. Tumanggi si Reyes …

Read More »

Gabinete ni Digong ‘humugos’ sa senado (Para kay SAP Bong Go)

bong go senate Delfin Lorenzana Ronald Mercado Allan Peter Cayetano Vitalliano Aguire II

NAGPAKITA ng kanilang puwersa at todong suporta ang mayorya ng gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagharap ni Special Assistant to the President  (SAP) Christopher “Bong” Go sa pagdinig sa Senado kaugnay sa P15.7-B frigate deal ng Philippine Navy. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, boluntaryo ang kanilang pagpunta sa Senado, pagpapakita ng kanilang todong suporta kay Go at hindi …

Read More »

People Power vs Duterte suntok sa buwan (Sa frigate deal)

NANANAGINIP ang oposisyon sa pag-aakalang makapagmomobilisa sila ng people power upang mapabagsak ang administrasyong Duterte at sila ang maluluklok sa Palasyo sa pagdawit kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa P15.7-B Philippine Navy frigate project. “Well, iyong mga kritiko, iyong mga hindi makapag-antay po. Iyong mga nananaginip ng another people power para makaupo iyong kanilang gustong maging …

Read More »

Fake news giit ni Go

IPINALIWANAG ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na biktima siya ng “fake news” kaugnay sa pagkakadawit sa kontrobersyal na frigate deal. Sa imbestigasyon ng Senado, binigyang diin ni Go na hindi siya nakialam sa kontrata at natapos na ang bidding noon pang bago natapos ang termino ng nakaraang administrasyon. Aniya, kaya nais niyang ipatawag din sa Senado …

Read More »

HHI blacklisted sa South Korea (Contractor ng PN frigate project)

yundai Heavy Industries hHI

LUMABAS sa pagdinig ng Senado na may kinahaharap na kaso sa South Korea ang contractor ng Philippine Navy Frigate project, ang Hyundai Heavy Industries Co. Ltd ( HHI). Sa naturang pagdinig, ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na na-convict ng South Korean court ang HHI, at ban o blacklisted sa pagpasok ng anomang kontrata. Kinuwestiyon ni Lacson ang local representative ng HHI …

Read More »

Mag-amang Tan ng Sulu inasunto sa Sandigan

sandiganbayan ombudsman

SINAMPAHAN na ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang dating gobernador ng Sulu at kanyang anak dahil hindi naghain ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN). Base sa charge sheets na nilagdaan ni Assistant Special Prosecutor III Jorge Espinal, sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si dating Sulu governor Abdusakur Tan at anak na si Maimbung Mayor Samier …

Read More »

Kelot tumira ng LSD ‘lumipad’ mula 34/f lumagabog tigok (Gusto ng masarap na ‘sex’)

suicide jump hulog

IMBES pampagana sa sex, nag-feeling Superman ang lalaking call center agent kaya ‘lumipad’ mula ika-34 palapag ng isang gusali sa Mandaluyong City na kanyang ikinamatay nitong Linggo ng gabi. Sa imbestigasyon ng Mandaluyong police, sinadya umanong tumalon ng call center agent na si alyas “Jake” mula sa gusali makaraan gumamit ng drogang lysergic acid diethylamide (LSD). Kasama ni Jake ang …

Read More »

Misis, 2 taon ibinugaw ng asawa sa mga kaibigan

SA nakalipas na dalawang taon, kinailangang tiisin ng isang misis ang baluktot na sexual perversion ng kanyang mister na ang kasiya­han ay makita ang babaeng nakikipagtalik sa ibang kalalakihan. Kapag naman tumanggi siya sa kagustuhan ng kanyang asawa, sadyang binubugbog siya ng kanyang mister para mapilitang pumayag sa kanyang nakadidiring kahilingan. Ngunit dahil hindi niya matiis ang kabuktutan ng kanyang …

Read More »

Kelot malubha sa saksak ng holdaper

knife saksak

MALUBHANG nasugatan ang isang 42-anyos lalaki makaraan pagsasaksakin ng dalawang hindi kilalang mga holdaper sa Caloocan City, kamakalawa. Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Dodius Reyes. Sa imbestigasyonn ni PO1 Dorald Cuyangon, dakong 2:30 am, naglalakad ang biktima sa EDSA pero pagtapat sa SOGO hotel ay biglang inagaw ng mga suspek ang kanyang backpack. Pumalag ang …

Read More »

Protesta kontra jeepney phase-out ngayon

SAN PABLO, Laguna – Daan-daang jeepney drivers, operators, at concerned citizens ang inaasahang lalahok sa nationally-coordinated protest action ngayong araw, 19 Pebrero, sa nasabing lugar. Ito ay pangungunahan ng Save Our Jeepney Network (SOJENET) Coalition upang kondenahin ang anila ay bogus modernization program ng gobyerno para sa public transportation, partikular sa public utility jeepneys (PUJ). Ayon kay Bencio Reyes ng …

Read More »

Tserman utas sa tambang (Sa Taal, Batangas)

dead gun police

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Taal, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Ireneo Almazan, ng Brgy. Carasuche sa Taal. Nabatid sa ulat, nakatayo si Almazan ma-lapit sa barangay hall nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at siya ay pinagbabaril bandang …

Read More »

50 ‘parking’ boys dinakip sa QC (Sa Oplan Disiplina)

QC quezon city

DINAKIP ang 50 parking boys sa isinagawang Oplan Disipilina ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Timog Avenue, nitong Sabado ng gabi. Hinuli ang parking boys na naniningil ng parking fee sa mga motoristang magpa-park sa lansangan na pagmamay-ari ng pamahalaan. Ayon sa ulat P50 hanggang P100 ang singil sa mga magpa-park. Mahigpit itong ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan. …

Read More »

Dengvaxia scare bantayan (Payo ng consumers’ group)

dengue vaccine Dengvaxia money

HABANG isinasampa ang mga kaso laban sa mga taong sinabing sang­kot sa Dengvaxia, nanawagan ang isang grupo sa mga magulang na maging mapagmatyag at suriing mabuti kung sino ang mga dapat paniwalaan. READ: Noynoy, 20 pa inasunto sa electioneering (Sa Dengvaxia) READ: Responsable sa Dengvaxia scam may kalalagyan Sa isang pahayag ng Consumer-Commuter Association of the Philippines (CCAP), pinaalalahanan ng grupo …

Read More »

SAP Bong Go sa frigate project koryente — Roque

“NAKORYENTE” ang nagsangkot kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa multi-bilyong frigate project. Ito ang mabubunyag ngayong araw sa pagdinig sa Senado hinggil sa frigate project, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Asahan na bukas ay lalabas at lalabas na ang pagkakasangkot kay SAP Go ay koryente, o pekeng balita na pilit na iniuugnay sa administrasyon,” …

Read More »

8 Civil Law students pinatalsik ng UST (Sa Atio Castillo hazing)

Horacio Tomas Atio Castillo III

INIUTOS ng University of Santo Tomas (UST) ang pagpapatalsik sa walong law student bunsod ng umano’y pagkaka­sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III. Iniulat ng official publication ng unibersidad, The Varsitarian, nitong Linggo, na walong civil law students ang napatunayang “guilty of violating the Code of Conduct and Discipline and imposing the supreme penalty of …

Read More »

2 SAF patay, 6 sugatan sa ambush sa Antipolo (Opensiba inamin ng NPA)

CPP PNP NPA

NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang anim na operatiba ng Special Action Force (SAF) at sinabing na­wawala ang dalawa nilang kasama na pinaniniwalaang patay na ma­karaan tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang pauwi sa kanilang barracks sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ng Rizal PNP, kinilala ang mga sugatan na sina …

Read More »

Dagdag-sahod sa public sector suportado ng ACT solons

ACT Teachers protest TRAIN salary increase

LUMAHOK sina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro sa pulong-balitaan ng All Government Employees (GE) Unity para ianunsiyo ang kanilang nationally coordinated action sa 21 Pebrero para igiit sa administrasyong Duterte ang agarang pagkakaloob ng malaking dagdag-sahod para sa mga empleyado ng gobyerno at hindi sa 2020. Ang All GE Unity, koalisyon ng samahan ng public school teachers, health …

Read More »

Taxi driver patay sa saksak ng katagay

Stab saksak dead

PATAY ang isang 45-anyos lalaki nang bugbugin at saksakin ng kapwa taxi driver habang nag-iinoman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Tarzon Tinay, residente sa Catleya St., Camarin, Brgy. 177 ng nabanggit na lungsod. Agad tumakas ang suspek na si Julie Sabordo, 50, kapwa taxi dri-ver, nakatira sa Champaca St., Brgy. Pasong …

Read More »

Shootout 1 sugatan, 3 arestado

gun shot

MALUBHANG nasugatan ang isang lalaki nang makipagbarilan sa nag-respondeng mga pulis habang arestado ang tatlo niyang kasama sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief, S/Supt. Brent Milan Madjaco ang arestadong mga suspek na sina MC De Jesus, 32, nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard South; Crispin Santiago, 47, residente sa  Dagat-Dagatan, Brgy. NBBS, kapwa ng Navotas City, at …

Read More »

MRT spare parts dumating na

UMAASA si Senadora Grace Poe na maiibsan nang kaunti ang paghihirap ng mga pasahero ng MRT 3 makaraan iulat ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdating ng unang batch ng nabiling spare parts para sa mga sirang train. Bukod dito, kompiyansa si Poe na mayroong komprehensibong plano ang pamahalaan para ayusin ang serbisyo ng MRT 3 para sa mga pasahero. …

Read More »

P2.8-M aid ng Taiwan sa pamilya ng Pinay quake victim

Melody Castro Hualien taiwan earthquake

INIHAYAG ng Taiwan nitong Huwebes na pagkakalooban ng P2.8 milyon tulong ang pamilya ng isang Filipina na namatay sa nagaganap na lindol nitong Huwebes sa eastern Taiwanese county of Hualien. Ang anunsiyo ay kasunod nang pagdating ng labi ng biktimang si Melody Castro sa Maynila nitong Miyerkoles ng umaga. Magugunitang natagpuan ng mga awtoridad ang labi ng biktima mula sa …

Read More »

Palasyo ‘tahimik’ sa pag-aresto kay Quiboloy

KUNG gaano kaingay ang Palasyo sa mga kalaban sa politika, nakabibinging katahimikan ang umiral sa kaso nang pagdakip sa Hawaii sa kaalyadong si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Quiboloy. Sinabi ng isang Palace source, matagal nang hindi nag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Quiboloy. Sa ulat sinabing dinakip si Quiboloy at lima pang kasamahan habang sakay sa private plane …

Read More »

DFA nakiramay sa US sa Florida school shooting

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Estados Unidos at sa mga magulang ng namatay na mga estudyante at mga sugatan makaraan ang pamamaril sa isang paaralan sa Parkland, Florida nitong Miyerkoles. “We are deeply saddened over the loss of so many young lives in this shooting incident in Parkland, Florida. Our hearts reach out to …

Read More »

Noo ng deboto nalapnos sa Ash Wednesday (Sa Caloocan City)

NALAPNOS ang noo ng ilang deboto makaraan makaramdam ng init mula sa ipinahid na abo sa San Roque Cathedral sa Caloocan City, nitong nakaraang Ash Wednesday. Ayon sa ulat, nagreklamo ang mga debotong sina Mae Aldovino at Dave Peciller, mahigit dalawang dekada nang nagsisimba sa naturang katedral, na nalapnos ang kanilang noo. “Right after napahiran kami ng abo, may naramdaman …

Read More »