Thursday , August 11 2022

Digong sa PSG lang puwedeng magmotorsiklo (Hinigpitan ng PSG)

INAASAHAN ng Presidential Security Group (PSG) na pangunahing target ng asasinasyon ng New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte.

“We expect that the President is number one in their list,” sabi ni PSG Commander BGen. Jose Niembra sa press briefing kahapon sa Palasyo.

Tiniyak ni Niembra, may sapat na kakayahan ang PSG para proteksiyonan ang Pangulo.

“So as to the preparations and heightening of our security procedures, amin na lang ‘yun. But rest assured, we’re doing something to protect the President,” aniya.

Nauna rito’y sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., na nakatanggap ng intelligence information na target likidahin ng NPA ang Pangulo.

Gayonman, hindi mapipigilan ng banta sa kanyang buhay ang hilig sa pagmomotor ng Pangulo pero mahigpit ang tagubilin sa kanya ng PSG na sa loob lamang ng PSG compound ito puwedeng gawin.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …

fire dead

Sunog sumiklab sa Bataan
MAG-AMA PATAY, 14 BAHAY NATUPOK

PATAY ang isang lalaki at kanyang 20-anyos anak na babae sa sunog na tumupok sa …

arrest posas

Top 3 MWP sa kasong rape nasakote

HINDI na nakapalag ang isang lalaking may kasong panggagahasa matapos arestohin ng pulisya sa pinagtataguan …

arrest, posas, fingerprints

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package …

Leave a Reply