Saturday , June 27 2026
SINERMONAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mahigit 50 katao na sinabing responsable sa paggawa ng mga pekeng dokumento sa Recto Avenue matapos magsagawa ng Simultaneous Anti Criminality and Law Enforcement Operation ang mga tauhan ng Manila Police District. (BONG SON)

Isko, MPD sumalakay sa ‘Recto university’

GINALUGAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama ng mga pulis ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Bernabe Balba ang tinaguriang “Recto university” sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Umarangkada ang grupo ng alkalde dakong 11:00 am  para ilunsad ang “Operasyon Baliko” upang galugarin ang mga gawaan ng pekeng doku­mento at iba pang ilegal na aktibidad sa lugar.

Binulabog ni Moreno ang tinaguriang Recto university na talamak na gumagawa ng iba’t ibang pekeng dokumento.

Pagtitiyak ni Mayor Isko, hindi ningas-kugon lamang o Oplan pakilala ang Pperasyon Baliko, bagkus Ito ay magka­karoon ng patuloy na monitoring nang sa gayon ay masiguro na mawa­ka­san ang mga pagawaan ng pekeng papeles sa lugar.

Matatandaan noong lunes sa naganap na flag raising ceremony ay nagbabala si Mayor Isko laban sa mga gumagawa ng pekeng dokumento na tutuldukan ng pamaha­laang lungsod ang pame­meke sa nasabing lugar.

Napagalaman sa ikinasang operasyon kahapon, tatlong motor­siklo na kuwestiyonable ang dokumento ang na- impound, habang 42 katao ang binitbit at isinailalim sa beripika­s-yon.

Umabot sa kabuuang 52 stalls ang nag-o-operate sa bisa ng inisyung permit bilang mga ‘printing company’ at ngayon ay isinasailalim sa beripikasyon para mabatid kung ang ope­rasyon nila ay alinsunod sa kanilang mga permit.

Nakompiska sa nasabing operasyon ang anim na machine para alamin kung saan ito ginagamit at iniutos ni Mayor Isko na sirain kung mapapatunayan na ginagamit sa paggawa ng pekeng dokumento.

Matatandaan, galit na binalaan ni Isko ang mga gumagawa ng pekeng dokumento at binantaan na papapanagutin sila ng lokal na pamahalaan kapag hindi sila tumigil sa kanilang operasyon at umalis sa siyudad.

Ang Operation Baliko ay bunsod ng pamemeke ng mga ID ng senior citizens at persons with disabilities (PWD) na lubos na ikinagalit ni Mayor Isko.

Nabatid na ilang ‘enterprising individuals’ umano ang nango­ngo­lekta ng ‘tara’ o ‘tong’ sa ‘Recto university’ na naging dahilan ng mata­gal na pamamama­yagpag nito sa Maynila, bagay na tinutuldukan ni Yorme.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

CAFGU

Opisyal na pahayag ng hukbong katihan ng Pilipinas sa papel ng CAFGU

​NILINAW sa publiko at stakeholders ng Philippine Army (PA) na gamitin ang wasto o tamang …

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …