Saturday , January 28 2023
TIMBOG sa buy bust operation sina Saudi Kayog at Nasrudin Zacaria matapos ibenta ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalga ng P3.4 milyon sa ahenteng posuer buyer ng PDEA-CAMANAVA District Office sa parking area ng Rizal Park sa Ermita, Maynila. (ALEX MENDOZA)

P3.4-M shabu ‘inilalako’ sa buy bust sa Luneta

NASABAT ng mga operatiba ng PDEA-NCR ang aabot sa P3.4 mil­yong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Rizal Park, Maynila, Lunes ng hapon.

Ayon kay PDEA-NCR Regional Director Joel Plaza, timbog sa ope­rasyon ang dalawang high-value targets na kinilalang sina Nasmudin Zacaria, 28 anyos; at Saudi Kayog, 24 anyos.

Nakatanggap ng mga ulat ang PDEA ukol sa pagbebenta ng dalawa ng droga sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kaya agad nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek.

Positibong nabilhan ng shabu ng PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer ang dalawa sa harap mismo ng Quirino Grandstand.

Agad inaresto ang mga suspek na nakuhaan ng limang piraso ng plastic packs ng hinihi­nalang shabu na may bigat na 500 grams at tinatayang nagka­kaha­laga ng P3.4 milyon.

Sa kulungan magdiri­wang ng Pasko ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Danger­ous Drugs Act of 2002.

3 TULAK NASAKOTE
NG QCPD, PDEA
SA P136K SHABU 

TATLONG drug pusher ang inaresto ng pinag­sanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) makaraan makom­piskahan ng P136,000 halaga ng shabu sa Brgy. Bahay Toro ng lungsod nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat kay QCPD Brig Gen. Ronnie Montejo, nadakip sina Renato Mallari, alyas Batchoy, 47 anyos, ng Brgy. Bahay Toro; Jenalyn Mallari, alyas Barbie, 27, ng Brgy. Tandang Sora; at Felicidad Colis, 44, ng Brgy. Duyan Duyan.

Nadakip ang tatlo nang bentahan ng hala­gang P9,500 shabu ang pulis na nagpanggap na buyer dakong  7:00 pm, nitong 16 Disyembre 2019 sa No. 92 Sinagtala, Begy. Bahay Toro.

Nakuha sa tatlo ang karagdagang  20 gramo ng shabu na nagkaka­halaga ng P136,000.

(ALMAR DANGUI­LAN)

Drug den nalansag
P170K SHABU
KOMPISKASO
5 ARESTADO

SWAK sa kulungan ang hinihinalang drug per­sonalities kabilang ang tatlong babae sa isinaga­wang buy bust operation ng mga pulis na nagresul­ta sa pagkakalansag sa sinasabing drug den sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) P/Capt. Ramon Aquiantan, Jr., ang mga naarestong suspek na siina Katherine Sunga, alyas Ning, 28 anyos; Kazuyoshi Tanaka, alyas  B1, 19 anyos, Japino; Rosemarie Carpio, 39 anyos; Salvacion Balaor, 51 anyos; at Sonny Roberto, 29 anyos, pa­wang residente sa BMBA La Loma Compd., 1st Avenue, Brgy. 120, Zone 10 ng nasabing lungsod .

Batay sa ulat na natanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronal­do Ylagan, dakong 10:30 am nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pangunguna ni Aquiatan sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao ang buy bust operations laban sa mga suspek sa BMBA La Loma Compd., 1st Avenue, Brgy. 120.

Matapos iabot ng isa sa mga suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P15,000 boodle at buy bust money kabilang ang P1,000 bill ay agad dinamba silang ng mga operatiba.

Naaktohan sa loob ng bahay na sinasabing ginagawang drug den ang iba pang mga suspek na sumisinghot ng shabu.

Ayon kay DDEU investigator P/Cpl. Jezell Delos Santos, nakom­piska sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money at drug para­phernalia.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply