Malacañan CPP NPA NDF

Mungkahi ng NDF: Ceasefire sa Pasko aprub sa Palasyo

KINOMPIRMA ng Malacañang na inire­komenda ng government peace panel at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magdeklara ng ceasefire ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang tugon si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomen­da­syon ng dalawang grupo.

Ipinanukala ng govern­ment peace panel at NDFP na ipatupad ang tigil-putukan sa hating­gabi ng 23 Disyembre 2019 at tatagal hanggang 7 Enero 2020.

Kasabay nito, hini­mok ng palasyo ang rebeldeng grupo na itigil ang limang dekadang pakikibaka laban sa pamahalaan.

Mas makabubuti ani­yang magbalik-loob sa pamahalaan at itigil ang pag­patay sa kapwa Filipi­no.

Mahalaga aniya na magkaroon ng pang­matagalang kapayapaan sa bansa. Sa 26 Disyem­bre, ipagdiriwang ng Communist Party of the Philippines ang kanilang ika-51 anibersaryo.

(ROSE NOVENARIO)