Friday , April 26 2024

Sa Lucky Plaza, Singapore… 2 Pinay todas sa car crash, 4 pa sugatan

DALAWANG Filipina ang namatay at apat ang nasaktan, nang ararohin ng kotseng minamaneho ng isang 64-anyos Singaporean national, habang nagpipiknik sa isang park sa gilid ng Lucky Plaza mall sa Orchard Road, Singapore kahapon ng hapon. (Kuhang larawan ni NORA GALLA DAPUYEN BUA-AY)

PATAY ang dalawang babaeng overseas Filipino workers (OFW) habang apat na iba pa ang sugatan nang masagasaan ng isang kotse sa katabing kalsada ng Lucky Plaza mall sa Singapore kahapon ng hapon, 29 Disyembre.

Kinompirma ni Minister and Consul General Adrian Cando­lada ng Philippine Embassy sa Singapore na pawang mga Filipina ang mga biktima sa nasabing freak accident.

Dinala ang anim na biktimang OFW sa Tan Tock Seng Hospital kung saan binawian ng buhay ang dalawa.

Nanatili ang dalawa sa mga sugatan sa intensive care unit (ICU) ng pagamutan habang nasa ligtas nang kon­disyon ang dalawang iba pa.

Sa panayam ng Strait Times sa ilang nakasaksi, bumangga ang kotse sa bakal na railings at dumeretso sa maliit na kalsada sa gilid ng mall na nagging sanhi ng pagkakasagasa sa ilang kataong naroon.

Kilala ang Lucky Plaza mall bilang tam­bayan ng mga dayuhang manggagawa partikular ng mga Filipino.

Ayon sa pulisya, itinawag sa kanila dakong 4:58 pm ang insidenteng sangkot ang isang kotse at anim na babaeng pedestrian na may edad 29 hanggang 43 anyos, sa Orchard Road.

Ayon sa mga naka­saksing OFW na nasa salusalo sa kabilang bahagi ng kalsada, may­roon din nagaganap na picnic sa tabi ng railing nang mabangga ito ng kotse.

Naipit sa ilalim ng sasakyan ang isa sa mga biktima at kinailangang iangat ng mga tumulong ang kotse upang mailig­tas ang biktima.

Samantala, arestado ang 64-anyos driver ng kotse dahil sa ‘dangerous driving causing death’ habang patuloy na iniim­bestigahan ng pulisya ang naganap na malagim na insidente.

Kinalap ni KARLA OROZCO

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *