Sunday , December 14 2025

News

Jessica Soho makikipagharap sa mga presidential aspirant

Jessica Soho

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang unang pagharap sa interview ng presidential aspirants na magaganap sa Sabado, January 22, 6:15 p.m. at mapapanood sa GMA Network. Si Jessica Soho ang naatasang kausapin ang presidentiables. Kaya alamin ang kanilang intensiyon, plataporma para sa bansa. Simulcast ang Presidential Interviews sa DZBB radio, GMA Pinoy TV, at naka-livestream sa social media accounts ng GMA Public Affairs at GMA Online. Magkakaalaman na kung sino …

Read More »

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng desisyon si Ate Vi (Congw Vilma Santos). Iisipin mo nga bang tatalikuran niya ang politika eh kabi-kabila ang offer sa kanya na tumakbong vice president o kahit na senador lamang. Marami rin naman ang nagsasabing siguro kung tumakbo nga siyang vice president, sa line up …

Read More »

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
P.3-M ‘OMADS’ NASAMSAM

marijuana

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa ikinasang anti-illegal drug bust operation ng operating units ng SDEU ng Cabanatuan CPS, buy bust operation sa District 1, Brgy. San Juan Accfa, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Nadakip sa naturang operasyon ang suspek na kinilalang si Justine Jay Cruz, alyas Jay-jay, 21 anyos, residente …

Read More »

Sa Bulacan
5 TULAK, 41 SUGAROL, 2 PUGANTE TIMBOG

Bulacan Police PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ng mga awtoridad ang mga indibiduwal na patuloy na lumalabag sa mga batas sa lalawigan ng Bulacan. Sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Paombong Municipal Police Station (MPS), …

Read More »

Huli sa aktong nagtutupada
7 KATAO TIMBOG SA TANAY, RIZAL

Sabong manok

PITO katao ang nadakip nang mahuli sa aktong nagtutupada, malinaw na paglabag sa anti-gambling operation, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Plaza Aldea, bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Enero.  Kinilala ni P/Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Tanay MPS, ang mga nadakip na suspek na sina Jesson Malinao, Edgardo Barrera, Santos Lopez, Alvino Alegre, …

Read More »

Sympathizer ni Bayali
LALAKI ‘NANLABAN’ TODAS SA SAGUPAAN

dead gun

PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban sa mga pulis at sundalo sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 17 Enero. Si Gomez, isang sympathizer o sumusuporta kay Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, isa sa mga responsable sa mga bomb threat at mga insidente ng pangingikil sa Basilan. Ayon …

Read More »

Saan napunta?
P70.92-B INUTANG NG PH PAMBILI NG BAKUNA

money Covid-19 vaccine

ni ROSE NOVENARIO UMABOT sa P70,92 bilyon ang inutang ng administrasyong Duterte mula sa apat na international financial institutions para ipambili ng bakuna kontra CoVid-19. Inihayag ito ng grupong Bantay Bakuna, isang alyansang multi-sektoral para sa komprehensibo, pantay, makatao at transparent na CoVid-19 vaccine roll-out. Naitala ng Vaccine Supply Tracker ng grupo na hanggang noong 9 Enero 2022 ay nangutang …

Read More »

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng pana­hon.   Taglay niya ang walang talong karta at pamoso sa kanyang depen­sa na walang makapasok na kahit sinong boksingero. Bukod sa kanyang naging makulay na career, dalawang bagay ang gusto pang malaman ng kanyang fans tungkol sa kanyang personal na buhay at ang status ng …

Read More »

4 COP binalasa sa Rizal

KAUGNAY sa nalalapit na lokal at pambansang halalan, binalasa ang apat na chief of police (COP) sa lalawigan ng Rizal kasabay ng inilatag na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC). Pinalitan ni P/Lt. Col. Ruben Piquero si Tanay outgoing chief of police P/Lt. Col. Resty Damaso samantala inilagay bilang chief of police ng San Mateo PNP si P/Lt. Col. …

Read More »

Sa San Mateo, Rizal
P.7-M ‘OBATS’ NASABAT SA 3 HVT

Edwin Moreno photo Sa San Mateo, Rizal P.7-M ‘obats’ nasabat sa 3 HVT

NADAKIP ang tatlong pinaniniwalaang high value target (HVT) nang makompiskahan ng P700,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU-PIU) sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 15 Enero.  Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio, OIC ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ang mga nadakip na sina Anthony Miano, …

Read More »

Puganteng kawatan sa Mabalacat nasukol

Arrest Posas Handcuff

NADAKIP ng mga awtoridad ang itinuturing top 1 most wanted person (MWP) ng lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 15 Enero. Armado ng warrant of arrest, nagsadya ang pinagsanib na elemento ng Mabalacat City Police Station na pinamumunuan ng kanilang hepeng si P/Lt. Col. Heryl Bruno, 302nd MC RMFB-3 Polar base, 2nd PMFC Mabalacat Patrol Base at Naval …

Read More »

Sa Bulacan
5 SUGAROL, 4 PASAWAY, PUGANTE SWAK SA HOYO

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng pulisya ang 10 kataong pawang lumabag sa batas sa inilatag na magkakahi­walay na operasyon sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 16 Enero. Sa ikinasang anti-illegal gambling operations sa Meycauayan at San Rafael, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Marvin Varilla ng Brgy. Maron­quillo, San Rafael; Herminio Dela Cruz ng Brgy. …

Read More »

Nahuli sa CCTV
SEKYU BANTAY-SALAKAY, KASABWAT TIMBOG

arrest prison

SA MAAGAP na responde ng mga awtoridad, agad nadakip ang dalawang kawatang bumibiktima sa isang establisimiyento sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 15 Enero. Sa ulat mula sa Marilao Municipal Police Station (MPS) na pinamumuan ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Rodel Torres, security guard ng AFES Security Agency, at kanyang …

Read More »

Sa Mabalacat City, Pampanga
P1.7-M droga nasamsam, 3 suspek tiklo

shabu

NAKORNER ng mga awtoridad ang tatlong pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga at nasamsam ang hindi kukulangin sa P1.7-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagkasa ang magkakatuwang na operating troops ng Regional Police Drug Enforcement …

Read More »

Nagbenta ng ‘bato’
70-ANYOS LOLA, KASABWAT ARESTADO

shabu drug arrest

NAGWAKAS ang ilegal na gawain ng isang 70-anyos lola na pagbebenta ng ilegal na droga nang masakote siya at ang kaniyang kasabwat sa inilatag na drug bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 15 Enero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang mga nadakip na suspek …

Read More »

Asawa, anak pinaslang, pulis nagkitil

Gun Fire

TINAPOS ng isang alagad ng batas ang kanyang sariling buhay matapos barilin ang kanyang misis at 3-anyos anak sa kainitan ng pagtatalo ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Virac, lalawigan ng Catanduanes, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero. Itinago ni P/Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5 PNP, ang suspek sa alyas na Jay, 25 anyos, aktibong …

Read More »

Kapwa miyembro Anakpawis
2 SENIOR CITIZENS BINISTAY PATAY

dead gun

DALAWANG senior citizen na miyembro ng Anakpawis Sorsogon ang napaslang matapos pagba­barilin ng mga hindi kilalang salarin sa Brgy. San Vicente, bayan ng Barcelona, lala­wigan ng Sorsogon, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero. Nabatid na nagmama­neho ng tricycle ang 70-anyos na si Silvestre Fortades, Jr., at sakay niya ang kinakasamang si Rose Maria Galias, 68 anyos, nang maganap ang insiden­te. …

Read More »

Buy bust sa Kankaloo
MR & MRS NA TULAK TIMBOG SA PARAK

lovers syota posas arrest

ARESTADO ang mag-asawang sinabing tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Norhern Police District (DDEU-NPD) chief, P/Lt. Col. Renato Castillo ang naarestong suspek na si Mark Anthony Diwa, alyas Bolok, 40 anyos, Meriam Mariano, alyas Yampot, 29 anyos, kapwa residente sa …

Read More »

Kahit Comelec gun ban at alert level 3
SUNDALONG ARMADO, 15 PA HULI SA TUPADA

gun ban

KAHIT may umiiral na gun ban, hindi natakot ang 16 katao na nagtutupada kabilang ang isang kagawad ng Philippine Army (PA) na may dalang baril sa Taguig City, kamakalawa ng hapon. Batay sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) director, P/BGen. Jimili Macaraeg, kinilala ang mga nadakip na sina Francisco Serdan, 38 anyos, nakatalaga sa Army Support Command; …

Read More »

Nilasing muna
DALAGITA GINAHASA NG KAINUMAN

harassed hold hand rape

REHAS na bakal ang hinihimas ng isang mister matapos ireklamo ng panghihimas at pangga­gahasa sa isang 17- anyos dalagita na kanyang nilasing sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kulong ang suspek na si Edmar Santillices, 29-anyos, residente sa Medina St., Brgy. North Boulevard North (NBBN), may-ari ng isang computer shop na nahaharap sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 …

Read More »

Mas maraming oportunidad pangkabuhayan
CONSTRUCTION NG NAVOTAS CONVENTION CENTER SINIMULAN

Navotas

INIANUNSIYO ni Navotas City lone district congressman John Rey Tiangco na sinisimulan na ang construction ng Navotas Convention Center (NCC) kasunod ng groundbreaking ceremony noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ani Rep. Tiangco, ang three-story NCC building na matatagpuan sa kahabaan ng Road 10, Brgy. Bagumbayan South, malapit sa Navo­tas Centennial Park ay maghahatid ng mas maraming oportunidad pangkabuhayan para sa …

Read More »

Puganteng Koreno arestado

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isang Korean national, wanted sa kanilang bansa, ng mga pulis sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang takas na wanted na si Chungho Lee, 37 anyos, ng Azure Residence, Barangay Marcelo Green ng nabanggit na lungsod. Ayon kay Southern Police District (SPD) director, P/BGen. Jimili Macaraeg, dakong 2:40 am kahapon nang mahuli ang naturang …

Read More »

Sinas, NTF-ELCAC imbestigahan sa ‘bloody sunday ops’

dead gun police

DAPAT imbestigahan si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas at mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagkakasangkot sa pagkamatay ng siyam na aktibista sa ‘Bloody Sunday operations’ noong nakaraang taon sa Timog Katagalugan. Panawagan ito ng human rights group Karapatan sa administra­syong Duterte matapos sampahan ng National Bureau of …

Read More »

3 preso pumuga sa Bilibid

nbp bilibid

TATLONG preso (persons deprived of liberty) ang iniulat na nakatakas sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) kaninang 1:00 ng madaling araw, Lunes, 17 Enero. Sa naunang mga ulat, sinabing tumalon ang tatlong pugante sa path walk at pinaputukan ng baril ang jail guards sa Gate 3 at 4. Dinala sa ospital ng Muntinlupa ang tatlong sugatang guwardiya …

Read More »