Wednesday , May 25 2022
lovers syota posas arrest

Buy bust sa Kankaloo
MR & MRS NA TULAK TIMBOG SA PARAK

ARESTADO ang mag-asawang sinabing tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Norhern Police District (DDEU-NPD) chief, P/Lt. Col. Renato Castillo ang naarestong suspek na si Mark Anthony Diwa, alyas Bolok, 40 anyos, Meriam Mariano, alyas Yampot, 29 anyos, kapwa residente sa I. Diwa St., 8 Ave., Brgy. 59.

Ayon kay P/Lt. Col. Castillo, dakong 12:05 am nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Maj. Amor Cerillo ng buy bust operation sa bahay ng mga suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtran­sak­siyon sa kanila ng P2,500 halaga ng shabu.

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na nakabili na siya ng droga sa mga suspek, agad lumapit ang back-up na mga opertatiba saka inaresto ang dalawa.

Nakompiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P74,800 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

MMDA, NCR, Metro Manila

Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions …

shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na …

shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang …