Sunday , July 14 2024
gun ban

Kahit Comelec gun ban at alert level 3
SUNDALONG ARMADO, 15 PA HULI SA TUPADA

KAHIT may umiiral na gun ban, hindi natakot ang 16 katao na nagtutupada kabilang ang isang kagawad ng Philippine Army (PA) na may dalang baril sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) director, P/BGen. Jimili Macaraeg, kinilala ang mga nadakip na sina Francisco Serdan, 38 anyos, nakatalaga sa Army Support Command; Roy Moreno, 45; Jed Jomoc, 34; Julian Bogtong, 37; Jovanni Vibal, 43; Elde Taco­cong, 55; Jean Vicente, 55; Rodel Intia, 20; Bonifacio Buena, 34; Ryan Platero, 27; Paul Dinela, 33;  Reden Garbin, 29; Teotimo Astro­nomo, 69;  Reynald Esan­cha, 58; at Melencio Abonal, 70.

Dakong 1:30 pm nitong 15 Enero, nang magsagawa ng operasyon sa pangunguna ng hepe ng Taguig Police Intelligence Section, laban sa ilegal na pagsasabong ng mga manok sa President Quirino St., Brgy. South Signal Village, Taguig City.

Arestado ang mga mana­naya na nakuhaan ng  kabuuang P3,640 cash habang si Serdan ay hinuli sa dala nitong kalibre .45 pistola sa kaniyang sling bag at dalawang magazine na may kargang mga bala.

Nakompiska rin ang mga panabong na manok.

Isinailalim sa inquest proceedings ang 16 na nadakip sa paglabag sa City Ordinance No. 12 Series of  2020; Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Habang si Serdan ay may dagdag na kakaharaping paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions) at paglabag sa Omnibus Election Code, kaugnay ng Comelec gun ban.

“Makikita natin, hindi lamang sa pagsasagawa ng COMELEC checkpoints tayo ay nakahuhuli ng lumalabag sa nationwide gun ban. Kahit sa ibang police operations ay nakahuhuli tayo ng gun ban violators. Ito ay dahil sa ipinatutupad natin sa SPD na intensified anti-criminality operations,” pahayag ni P/BGen. Macaraeg. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

Online Sexual Exploitation of Children OSEC

4-anyos nene nangapitbahay, minolestiya ng apat na totoy

NAHAHARAP sa krisis ang pamilya ng isang 4-anyos nene na biktima ng pangmomolestiya ng apat …