Tuesday , May 30 2023
arrest, posas, fingerprints

Puganteng Koreno arestado

ARESTADO ang isang Korean national, wanted sa kanilang bansa, ng mga pulis sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang takas na wanted na si Chungho Lee, 37 anyos, ng Azure Residence, Barangay Marcelo Green ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director, P/BGen. Jimili Macaraeg, dakong 2:40 am kahapon nang mahuli ang naturang dayuhan ng pinagsanib na puwersa ng Station Investigation and Detective Management Section, Police Sub-Station 8, ng Parañaque Police at ng Armed Forces of the Philippines (AFP ).

Sa bisa ng Interpol Red Notice para sa Criminal Act 347-(1) Fraud na may Arrest Warrant Control No. 2018-4490, inisyu ng Seoul Bukbu District Court, Republic of  Korea, may petsang 20 Abril 2018, dinakip ang pugante.

Ang naarestong da­yu­han ay dinala sa Bureau of Immigration (BI).

“These international criminals are not allowed to stay here in the Philippines. Many of them are mostly part of an international syndicates that try to establish themselves here in our country but through the continuous coordination with different governments agencies we will make sure that this criminals will be placed behind bars.” ani Macaraeg.

(GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

DOH

Kontrobersiyal na Health official
‘DR. TROUBLEMAKER’ IMBESTIGAHAN NG DOH

HINILING ng grupo ng mga aktibo at retiradong kawani ng Department of Health (DOH) na …

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …

Bulacan Police PNP

Negosyante na may kasong sexual abuse nasakote; 24 pang law breakers siyut sa balde

Umiskor ng matagumpay na operasyon ang pulisya sa Bulacan nang mahulog sa kanilang mga kamay …