Saturday , January 11 2025

News

P1.9-M droga kompiskado 4 rich kids arestado sa BGC

APAT na lalaking tinaguriang ‘rich kids’ ang inaresto ng mga awtoridad, matapos makompiskahan ng halos P1.9 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy nitong 6 Mayo sa Bonifacio Global City, Taguig City.   Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Timothy Joseph Espiritu, alyas Elix, Lorenzo Vito Barredo, John Valdueza Galas, at Aureo Alota Cabus, Jr.   Nakompiska sa apat na …

Read More »

12 ‘sugarol’ arestado (Sa Meycauayan, Bulacan)

HINDI alintana ang matinding init ng panahon, at kahit pawisan, tuloy pa rin sa pagsusugal ang mga naarestong kalalakihan sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 11 Mayo.   Nadakip ang tatlong suspek na kinilalang sina Deopete Valdemar, Justin Encartado, at isang 16-anyos na menor de edad, pawang mga residente sa Barangay Bayugo, sa nabanggit na lungsod sa …

Read More »

‘Umbrella Cockatoos’ ilegal na ibinebenta, 2 online sellers timbog sa Bulacan

DINAKIP ng mga operatiba ng Environmental Protection and Enforcement Task Force (EPETF) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pulisya sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan ang dalawang illegal wildlife traders ng ‘umbrella cockatoos’ (cacatua alba), isang uri ng ibong loro, sa isang entrapment operation.   Kinilala ni P/Cpl. Niño Gabriel, imbestigador ng Baliuag Municipal Police Station, …

Read More »

Mag-ingat sa kandidatong swindler sa 2022 — Bayan (Baka ‘ma-duterte’ ulit)

MAGING maingat sa mga kandidatong ginagawang biro ang mga seryosong pambansang isyu.   Babala ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., kasunod ng pagtawag na ‘tanga’ ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes sa mga naniwala sa kanyang ‘biro’ na siya ay sasakay ng jet ski patungong West Philippine Sea (WPS) para ‘itindig’ ang watawat ng Filipinas, na …

Read More »

Cayetano tutol sa P1k ayuda sa Bayanihan 3

HINDI sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.   Sa isang panayam sa Bombo Radyo Dagupan nitong Sabado, 8 Mayo, sinabi ni Cayetano, sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para …

Read More »

Writs of Amparo, Habeas Data ‘kalasag’ vs red-tagging sa journos (‘Reseta’ ni Roque)

  ni ROSE NOVENARIO   MAY legal na lunas ang mga mamamahayag na pinararatangang may kaugnayan sa kilusang komunista o biktima ng red-tagging ng gobyerno, ayon sa Palasyo.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may inilatag na remedyo ang Korte Suprema para sa mga taong nasa panganib ang buhay bunsod ng ginagawang ‘red-tagging’ ng mga awtoridad gaya ng writ …

Read More »

2 notoryus na tulak nasakote, residente natuwa

NALAGLAG sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang lalaking pinoproblema ng mga residente dahil sa pagiging talamak na tulak sa kanilang lugar sa mga bayan ng Norzagaray at Angat, sa lalawigan ng Bulacan.   Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Norzagaray …

Read More »

Nanay niregalohan ng ‘tingga’ sa ulo (Sa araw ng mga ina)

gun shot

NILOOBAN ang bahay saka binaril sa ulo ang isang nanay ng hindi kilalang suspek habang abala ang marami sa pagdiriwang ng Mother’s Day sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.   Ang biktima ay kinilalang si Carlota Panugan Macatangay, 41 anyos, walang trabaho at nangungupahan sa Sito Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City.   Namatay noon din ang biktima dahil …

Read More »

Special audit sa Beneco, aprub sa Palasyo

PABOR ang Malacañang na magsagawa ng special audit sa Benguet Electric Cooperative (Beneco) upang mabatid kung may katotohanan ang impormasyong may ikinukubling anomalya kaya ‘hinaharang’ ang pagtatalaga sa isang lady Palace executive bilang general manager ng kooperatiba.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang abogado at dating special investigator sa Office of the Ombudsman si Communications Assistant Secretary Marie …

Read More »

Serye-Exclusive: Fair trial para sa DV Boer ‘victims’ tiniyak ng DoJ

MAKATUTULOG na kaya nang mahimbing ang mga naghain ng reklamo laban sa DV Boer Farm Inc. ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin?   Tiniyak kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra, isasailalim sa patas na imbestigasyon at paglilitis ang mga reklamo laban sa DV Boer agricultural investment scheme batay sa merito at hindi sa impluwensiya ng kung sino.   Kinokonsolida …

Read More »

16-M Pinoy ‘nagoyo’ ni Duterte (Jet ski sa WPS kuwentong barbero)

  ni ROSE NOVENARIO   LABING ANIM na milyong Pinoy ang ‘nagoyo’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kuwentong barbero na sasakay siya sa jetski upang itirik ang bandila ng Filipinas sa Scarborough Shoal noong 2016 presidential debate.   Ikinumpisal ni Pangulong Duterte ang panloloko sa mga Filipino kagabi sa kanyang televised public address sa Davao City.   Tinawag ng …

Read More »

73 lolo’t lola bakunado na sa Valenzuela (Matatandang inabandona ng pamilya)

Valenzuela

INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian, nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra CoVid-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod. “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani Mayor Rex. Ayon kay Public Information Officer Zyan …

Read More »

Sekyu huli sa shabu (Tumira muna ng bike)

shabu drug arrest

KULUNGAN binag­sakan ng isang security guard matapos maku­haan ng shabu nang tangkain niyang habulin ang testigong nakakita sa ginawa niyang pagtangay sa isang mamahaling bisikleta sa Malabon City, kamakalawa ng  mada­ling araw. Kinilala ni Malabon City Police Chief Col. Joel Villanueva ang na­arestong suspek na si Edward Castite, 39 anyos, residente sa Block 4 Kadima Letre, Brgy. Tonsuya. Batay sa …

Read More »

Mag-amang drug trafficker, babae, patay sa police ops (Sa Tawi-Tawi)

shabu drugs dead

TODAS ang isang lalaki at ang kanyang anak sa isang operasyong ikinasa ng mga awtoridad matapos barilin ang mga pulis nang magtangkang takasan ang pag-aresto sa kanila sa bayan ng Sitangkai, lalawigan ng Tawi-Tawi, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Mayo. Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief P/Lt. Gen. Guiller­mo Eleazar ang mga napaslang na suspek na sina Girang …

Read More »

Binatilyo binoga sa mata patay sa ikatlong kalabit ng gatilyo (Sablay sa dalawang ‘klik’)

gun shot

ARESTADO ang 19-anyos suspek nang barilin sa kaliwang mata na ikinamatay ng isang 15-anyos binatilyo sa lungsod ng Pasig, nitong nakalipas na Miyerkoles, 5 Mayo. Sa ulat, kinilala ang nadakip na si Anwar Pascan Piang, alyas Negro, 19 anyos, sa kanyang pinagtataguan sa night market sa lungsod ng Pasay sa follow-up operations na ikinasa ng Pasig police. Nabatid na noong …

Read More »

Barangay chairman todas sa tambang (Sa Cagayan)

dead gun police

PATAY ang isang barangay chairman nang tambangan ang kanyang sinasakyan pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Remebella, bayan ng Buguey, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng hapon, 8 Mayo. Kinilala ni P/SMSgt. Arnel Tamanu, imbesti­gador, ang biktimang si Renante Ritarita, 46 anyos, negosyante at barangay chairman ng Brgy. Fula, sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon, pauwi sa kanilang bahay ang …

Read More »

50 driver natiketan sa one time-big time ops (100 lumabag sa safety protocol sinita)

SINITA ang mahigit 100 indibidwal dahil sa paglabag sa safety protocol at minimum health standard habang inisyuhan ang 50 drivers ng citation ticket sa ikinasang one time big time operation ng mga kawani ng City Public Order and Safety Coordinating Office nitong Sabado, 8 Mayo, sa kahabaan ng Brgy. Malpitic Highway, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.   Kaugnay …

Read More »

Anti-narcotics ops sa Tarlac Ex-parak tiklo sa kabaro

HINDI na nakapiyok ang isang dating pulis nang posasan ng mga kabaro na kanyang nakatransaksiyon at mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang ilegal na droga sa ikinasang anti-narcotics operation, nitong Sabado, 8 Mayo, sa Sitio Malbeg, Burgos, sa bayan ng Panique, lalawigan ng Tarlac.   Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Renante Cabico, …

Read More »

3 drug suspects dedbol sa shootout

TATLONG suspek na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang tumimbuwang nang makipagpalitan ng mga putok sa mga nakatransaksiyong operatiba ng Cabanatuan City Police Station DEU nitong Biyernes, 7 Mayo, sa pinaiigting na kampanya kontra droga ng Central Luzon PNP.   Sa ulat ni P/Col. Jaime Santos kay P/BGen. Valeriano De Leon, patay agad ang mga suspek na …

Read More »

Suspek sa pinaslang na Japanese treasure hunter timbog sa Nueva Ecija

ITINURO ng mga saksi ang nadakip na suspek sa pagpatay sa isang treasure hunter na Japanese national, ng mga kagawad ng Cuyapo Municipal Police Station nitong nakaraang Miyer­koles, 5 Mayo, sa ikinasang follow-up operation sa Brgy. Baloy, bayan ng Cuyapo, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, ang …

Read More »

P2.2-B Clark road target ng ‘the group’ sa Palasyo

PINANGANGAMBAHANG mala­king halaga ang mapapa­sakamay ng ‘isang malaking grupo’ na sinabing makapangyarihan sa Malacañang at maimpluwensiya sa administrasyong Duterte, kapag nakopo ang P2.2 bilyong proyekto para sa 4-lane connector road mula sa Clark City hanggang sa Industrial Park sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa source, iginigiit ng tinaguriang ‘The Group’ sa palasyo, ang proyektong binubuo ng 8.8-kilometrong 4-lane connector road …

Read More »

2 kompanya pinayagang mag-operate ng PAGCOR para sa online sabong (Sa P75-M performance bond)

PAGCOR online sabong

INILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang kompanya pa lang ang pinapayagan nilang magpalabas ng online sabong sa kabila ng naglipanang ilegal na e-sabong sa internet. Sa isang radio interview, sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, tanging ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang, at Belvedere Corp., ni Bong Pineda ang may lisensiya para magpalabas ng online …

Read More »

Mag-utol na nasa 4Ps nadakma sa buy bust sa QC

arrest posas

NAKAKULONG ngayon ang magkapatid na kapwa miyembro ng ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ (4Ps) nang maaresto sa isang buy bust operation sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng hapon.   Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang magkapatid na sina Mark John Mateo, alyas Macky, 35 anyos, at John Neil Mateo, 28, kapwa residente sa No. 39 …

Read More »