Friday , May 27 2022
Regine Velasquez Judy Anne Santos Sharon Cuneta

Sharon-Regine bet magsama sa talk show — Isama pa natin si Juday!

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DALAWA pa lang kaming naghahain ng tanong kay Sharon Cuneta, para na kaming nag-talk show sa mga sagot niya na naghahalinhinan pa sila ni Regine Velasquez sa kanilang mga kuwento.

Magkasama ang dalawa sa presscon para sa muli nilang pagsalang ng live sa entablado sa June 17 and 18, 2022, this time sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Newport City. Babalik ang Iconic na unang napanood noong 2019 sa Big Dome.

Walang kapaguran ang dalawa sa pagbahagi ng pagiging malapit na nila sa isa’t isa, matapos nga ang una nilang pagsasama sa naturang concert.

Halata at hindi nga maitago ang excitement nila sa face-to-face na tsikahan with the press. Kaya wala ng buwelo-buwelo ang magkaibigan na para na ngang magkapatid ang turingan, sa mga kuwento nila na kinukudlitan ng tawanan dahil sa mga hirit ni Regine na akala mo eh nasa comedy bar lang kami.

Hindi nga sinentruhan ang politika. Pinaglaruan na lang ang salitang “withdrawal.”  Nang tanungin sila kung kailan nila plano mag-withdraw.

Oo, kailangan daw kasi ng pang-grocery ni Shawie. Si Regine rin. Para kay Nate. At medyo naging berde pa dahil sa walang puknat nitong pagtawa.

Excited sila dahil pagkatapos dito, sa Amerika na tutuloy ang Iconic. In fact, may taga-Guam na producer na pupunta ng Pilipinas para panoorin sila sa Hunyo.

Wala pa man, nagpaplano na ang dalawa sa in-betweens nila sa pahinga kapag wala sa entablado sa US Tour na ‘yun na naunsiyami. Say ni Sharon, sa isang room na sila magkasama matutulog. Para ‘pag gising, shopping na.

At sa Hollywood nga, excited na rin si Mega sa pelikulang gagawin niya roon. Dahil pati ang anak na si KC Concepcion (na sa kanya naman dumaan ang negosasyon) eh, sasalang na rin doon.

Pinansin namin ang pagpayat ng Mega. Diet lang talaga ang ginawa niya. Kaya sa anim na taon, mga 85 pounds ang na-lose niya.

Sabi nga ni Regine, “Teenager na ‘yun, ah!”

Kung may ipaaayos at concern siya ngayon are the flabs sa ilalim ng kanyang braso. 

No-no kina Mega at Songbird ang body shaming. 

“Be comfortable in your own skin. Kung ang iba, they eat to live, ako I live to eat! Kaya, linawin natin ang mga kuwentong nakauubos ako ng isang buong lechon de leche. Ang gusto ko lang naman doon eh ‘yung balat. 

“So, stop this body shaming! Do not hurt people. You are not perfect either. We have to be aspirational. Dapat nakai-inspire.”

Itong Songbird, nakatatawa mga hirit on the side, eh. Kailangan talaga nakikita at napakikinggan niyo ng live.

Basta huwag may cleft chin. May private joke sila ni Mega na kapag sinimulan nila ng tawa, ayun para silang nagto-talk show na!

Hindi nila tatanggihan kung may mag-offer sa kanila ng talk show. Pwede pa nga raw isama si Juday (Judy Anne Santos). Pati na sa pelikula. 

Kaya humirit ng pananawagan ang dalawa. Basta maganda ang istorya, gusto nila talaga.

We were awed when we saw them sa first Iconic. This time, kahit sa isang grand ballroom lang muna uli sila sasalang, sinisiguro ng magkaibigang sobra-sobra ang babauning saya ng mga manonood sa makikita nila.

“Huwag naman sineseryoso ang pagsasabi ko na gusto kong maging boldstar. Akalain niyo may naniniwala?,” ani Regine.

Tawa na naman si Regine. Lalo na sa mga salitang legendary, iconic at tumutumbok sa edad.

Kulang na lang, masabihan na tayo na ‘Now a legend…soon a superstitious belief!’” dagdag pa ng misis ni Ogie Alcasid.

Hulog kami sa upuan sa rare tsikahan with the two queens. Icons. 

Aminado si Regine na nagbabago na ang boses niya. Parang nakatatawa naman daw na sa edad niya eh boses bata pa rin ang maririnig ng mga tao sa birit niya, hirit ng Sharon. Tawanan na naman sila.

Seriously, happy ang dalawa. Mawawala na ang anxieties na idinulot ng lockdown kay Regine. At para naman sa homebody na si Shawie para lang siyang babalik sa comfort zone niya, ang entablado!

Hindi tayo mabibitin sa mga ihahatid na areglo nina Louie Ocampo at Raul Mitra. At dahil abala sa dalawa niyang katauhan sa Ang Probinsyano si Rowell Santiago, this time, ang magmamaniobra ng konsiyerto eh si Paolo Valenciano.

‘Di lang daw maka-get over ang dalawang Reyna dahil ang direktor nila eh, Tita ang tawag sa kanila.

About Pilar Mateo

Check Also

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Lance Raymundo, Chotto Matte Kudasai

Lance handang mag-frontal sa pelikula

MATABILni John Fontanilla HANDANG tumodo sa pagpapa-sexy si Lance Raymundo sa pelikula. Tsika ni Lance nang makausap …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …